The Blind's Painting: 1

1.1K 24 1
                                    

THE BLIND'S PAINTING by: Trinie

Trinie’s Note: I know this could be lame. Pampa-antok ko lang kasi ‘to kaya ko ginawa.XD To pangga janjaran, sorry, di ako pinayagan ni Charm na gamitin name mo eh. Kaya ito na lang.:)

ENJOY READING!!!

***

“HOLDAP ‘to manang, wag kang papalag,” pabulong niyang banta sa matabang babaeng biktima niya ngayon. Nasa divisoria sila at pa-simple lamang ang pagtutok niya ng patalim sa babae. Nakayakap siya rito mula sa likod at nakatutok naman ang hawak niyang kutsilyo sa tagiliran. “Subukan mong sumigaw at magiging ilog ‘tong tagiliran mo,” babala niya pa. Maingat ang pagkakatutok niya ng patalim lalo pa’t siksikan sa lugar na iyon.

Labinwalong taong gulang lamang si Darwin. He’s a certified out-of-school youth dahil na rin sa pagiging ulila niya. He lives on his own, indeed.

“W-wala akong maibibigay sa iyo, hijo. Mahirap lamang ako k-kaya kahit halungkatin mo ang bag ko’y w-wala kang makukuha sa akin,” mahinang sabi ng babae sa nanginginig na boses. Mukha itong matrona sa pustora nito at pananamit. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi sila nilalapitan ng mga ibang tao. Maaaring iniisip ng mga ito na isa siya sa mga bataan nito.

“Akin na ang rolex mo,” tukoy niya sa suot na relo ng babae.

“P-pero hijo, peke lang ‘to at--” naputol ang kung anumang sasabihin nito nang bahagya niyang diniinan ang pagkakatutok ng kutsilyo sa tagiliran nito.

Natahimik ito at napalunok dahil sa takot para sa sariling kaligtasan. Mayamaya’y nanginginig nitong inalis ang relo sa pulsuhan nito.

“Madali ka naman palang kausap,” nakangisi nitong bulong sa punong-tainga ng biktima habang inaabot ang relo. Matapos niyo’y kumaripas na siya ng takbo.

Nagawang makasigaw ng hinoldap niya upang humingi ng tulong ngunit sapat na ang pananakot na ginawa niya rito kanina upang saglit itong matigilan at mabigyan siya ng sapat na oras upang makatakas.

DUMIRETSO siya sa isang pawnshop upang ipagbili ang na-dilihensiya niya nang araw na iyon. Nasa sampung libo ang halaga ng rolex ngunit maliit lamang ang perang makukuha niya roon dahil kahit malaki ang halaga ng relo na iyo’y tiyak na kukunin na naman iyon ni Bruno, kilalang kilabot na drug pusher sa lugar nila, oras na makita siya nito at magtitira lamang ng isandaan hanggang dalawang daan para sa kanya. Wala naman siyang magawa dahil tiyak na bubugbugin lamang siya nito oras na tumanggi siya sa gusto nito.

Hindi nga nagkabula ang inisip niya. Hindi pa man siya nakakalayo sa pawnshop na pinanggalingan niya’y sumulpot na sa harapan niya si Bruno. Bente sais pa lamang ang edad nito ngunit mukha na itong kwarentahin dahil na rin sa mga ipinapasok nitong droga sa katawan.

“Alam mo nang gagawin mo,bata,” nakangisi nitong bati sa kanya. Pinagkiskis pa nito ang mga palad na naghihintay sa pag-abot niya ng pera.

Nanghihinayang niyang binigyan ng huling sulyap ang perang hawak at pikit-matang iniabot iyon kay Bruno. Alam niyang manganganib lang ang buhay niya kapag tumanggi siya.

“Good boy,” ginulo nito ang buhok niya saka umalis. Nakita niya pa ang pag-amoy amoy nito ng perang pinaghirapan niya. Walang inabot na pampalubag-loob man lang sa kanya si Bruno. Mabuti na lamang at nagbulsa agad siya ng isandaang piso bago pa man siya makita ni Bruno. Noong una’y kinakapkapan pa siya nito ngunit tumigil na ito dahil tiwala na itong mukha pa lamang nito ang makita niya’y manginginig na ang tuhod niya sa takot.

UMUWI siya sa isang barong-barong na ginawa niya sa ilalim ng isang overpass. Gawa ito sa mga pinagtabi-tabing karton. Nasa dalawampung pamilya pa ang kasama niyang nagsisiksikan sa tulay na iyon. Delikado at ipinagbabawal. Ngunit wala na siyang ibang mapupuntahan.

THE BLIND'S PAINTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon