MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. sa Commission on Appointments dahil sa hindi pagbibigay ng buong detalye sa kaniyang citizenship.
"I apologize for any inadvertent misleading that I might have made," wika ni Yasay sa congressional panel ngayong Miyerkules.
"There had been allegations that I had perjured and I have lied before this commission. I would like to state here and now again I did not lie," dagdag niya.
Sinabi ni Yasay na inamin na naman niya na nabigyan siya ng American citizenship ngunit nadiskwalipika dahil sa pagbalik niya sa Pilipinas.
Aniya normal lamang na magkamali sa mga sagot lalo na kapag kinakabahan.
"I may not have fully disclosed what was required in my answering this question but this is really normal in a process like this when you are asked before a vast body like this, questions like the one asked of me. You get nervous, you somehow come up with answers that you do not intend and I apologize for that," paliwanag ng kalihim.
Nitong linggo ay inamin ni Yasay na nagkaroon siya ng US passport ngunit ibinalik niya rin ito kasama ang kaniyang naturalization certificate.
Sa kabila nito ay upang makakuha ng American passport ay kinakailangang citizen ka ng Amerika.
Bago nito ay sinabi ni Yasay sa Commission on Appointments na hindi siya nagkaroon ng American passport.
SETTING: Congressional panel, Miyerkules
PARTICIPANTS: Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. at Commission on Appointments
ENDS: Paghingi ng paumanhin sa Commission on Appointments dahil sa hindi pagbibigay ng buong detalye sa kaniyang citizenship.
ACT SEQUENCE: Paghingi ng tawad at pagpapaliwanag ng kanyang panig.
KEYS: Maayos na pag-uusap
INSTRUMENTALITIES: Pakikipagpanayan-pasalita
NORMS: Paghingi ng tawad ni Yasay sa Commission on Appointments
GENRE: Pasalaysay ang diskursong ginamit.
