Chapter 2 : First Day sa De Guzman School of College

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos ay binulsa ko na yung phone ko at naglakad na papasok ng school.

"GoodMorning Manong Guard!" bati ko kadaan ko sa may Guard House

Napangiti naman si Manong.

"Bago ka lang dito noh?" tanong ni Manong

Tumango lang ako

"Ikaw lang ata yung nakapansin at bumati sa akin"

"Hah? Bakit naman po hindi po ba ganoon kagalang yung mga nagaaral dito?''

"Hindi masyado ah ako nga pala si Albert at ikaw si?"

"Xandra na lang po manong Albert paano po Manong Albert una na po ako baka malate pa ako"

"Sige Xandra!"

Ansaya naman First day pa lang close na kami ni Manong Guard haha xD.

Ayan lakadlakad muna.. Ayun nakita ko na yung Bulletin Board medyo madaming tao tinitignan kasi nila kung saang room sila anong room kaya ako.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

"Alexandra Martinez" ayun! nahanap ko na haha Room230 saan kaya yun

Nagsimula na akong maglakad habang nagmamasid-masid sa paligid di ko pa kasi masyadong kabisado ang school na to.

Mga Sosyalera at Galante mga nakakasalubong ko nasa kilos nila tsaka sa mga gamit pa lang nila hay! Don't mind them Xandra nandito ka para magaral huwag kang mainggit sa kanila darating din ang araw mabibili mo lahat ng gusto mo.

May bigla namang nagtext kaya napahinto ako sa paglalakad.

'From: Lola Tess

Hello Apo! Kakagising lang ni Lola Ingat ka diyan ah? Aral ng mabuti ngayon din pasukan nila Harvey Miss ka na din namin Ingat ka diyan I love you Apo'

Ang sweet ni Lola <3

Binulsa ko na yung phone ko at nagsimula na ulit maglakad papaakyat na ako ng hagdan ng biglang..

*BOOGSH*

Aray naman! First day na first day may nabangga sa akin mabuti na lang napaupo lang ako nabitawan ko yung mga books na dala ko ramdam ko na maraming mata ang mga nakatingin sa akin di ko maiangat yung mukha ko sa hiya
=//=

"I'm sorry Miss okay ka lang?" isang maamong boses ang narinig ko

Hindi ko alam kung iaangat ko ba yung ulo ko nahihiya kasi ako bago pa lang ako dito tapos gumawa na ko ng skandalo -//-

Ramdam ko namang hinawakan niya ko sa kamay.

"Okay ka lang Miss?" tanong niya ramdam ko yung sincerity sa boses niya kaya hinarap ko na siya nakaupo na pala siya para mapantayan ako

Nakita ko rin na andami na palang nakatingin sa amin..

Tinignan ko yung lalake..

^//^

Ang gwapo niya ! Nasa langit na ba ko...

"Miss?" sabi niya at ngumiti

Napailing naman ako at sinubukan ng tumayo agad naman niya kong inalalayan.

"Okay lang ako" sabi ko

"I'm sorry nagmamadali kasi ako" sabi ng lalake

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon