Kamusta ka na?
Kamusta ka na simula nung iniwan ka niya?
Simula nung nawalay ka na sa
piling niya at unti unting
natutumba dahil wala na ang mga hawak niya
Mga hawak niyang patuloy mong
hinahanap kapag sumapit
ang gabi hanggang umaga?
Mga ngiting di mo malilimutan
kapag kasama mo siya
Mga tawang hindi mo maikakaila
kapag nasa tabi mo siya
Yung pakiramdam na ligtas ka
sa mga panahon, panahong ayaw
mo nang bitawan ka niya
at kulang na lang ay magi kayong isa
Ngunit wala na.
Wala ka nang magagawa kung di kalimutan
mo siya simula nung iniwan ka niya't
nawala siya ng parang bula't
napako ang mga pangakong sa simula
pa lang ay wala na palang
pagasa
Pagasang akala mo ay hanggang
sa huli ay matatago't maipagmamalaki
ng pagmamahalang
naudlot lamang at nasaktan ka
Ngayon sabihin mo
Sabihin mo sa sarili mo
na kailangan kong bumangon
at kakayanin kong wala ka
Alalahanin mo siya
sa huling sandali at ang mga alaalang
unti-unting nabuo sa munti
niyong pagiibigan
ngunit namatay rin lang
Namatay lang at kailangan
mong gumising, bumangon dahil
itong lahat ay isang
ilusyon lamang.
Ilusyon na pinaglaban mo't
nagdulot ng
pansamantalang saya at ngayo'y
binigyan ka ng rason
para matumba't bumangon
At ngayon gumising ka
Gumising ka sapagkat nagmahal
ka lamang
Nagmahal ka lamang sa alam mong
di pa tamang panahon
at sa pamamaraang alam nating lahat
na hinding hindi magiging tama
Ngayon, kamusta ka na?
Sana naman okay ka lang
Dahil sa lahat ng pait at sakit
Na iyong dinaranas
Alam kong mahahanap mo rin ang tama
Tamang oras, tamang pagkakataon
Tamang pagibig sa tamang panahon
Tamang dahilan
Tamang katwiran
Tamang kayong dalawa ay para
Sa isa't isa lamang
Tamang tao at wala nang iba
Oo, mahahanap mo rin siya
mahahanap mo rin siya
Ngayon muli kakamustahin kita
Dahil sa iyong paghulog
Bumangon ka
Sa iyong pagtumba
Tumayo ka't nakaya mong magisa
Alam kong okay ka na
Okay ka na
Masaya akong okay ka na
Kaya ngayon ikaw mismo ang tatanungin ko
At hihintayin ko ang sagot mong kongkreto
Okay ka na ba talaga?
Kamusta ka na?
