{My scardy cat!}
~*~
Zup everyone! My name is Skyler De Vera Salvador, Earl for short. Kilala ako sa pagiging playboy but i'm not your ordinary playboy, hindi ako nag lalaro ng dahil lang nasaktan ako o iniwan ako ng babae. I never experienced loving somebody or to be loved by somebody lahat sila fling lang talaga pero one thing is for sure, hindi ako FUCKBOY, i'm still a virgin and i'm a fair player, every heart that i damaged pinapalitan ko ng isang wish, i grant 1 wish per person. Ang GARA no?
~*~
"Tuks! I miss you!" Sigaw ng pamilyar na boses galing sa likod ko. Saktong lingon ko sa likod nakaakap na sakin tong si tukmol,
si Seth, bestfriend ko since birth at siya rin ang leader ng isa sa pinakamalakas na fraternity dito sa Pilipinas, ang Delta, nandito kami sa airport at kakauwi ko lang galing Paris.
"Haha ang gara! Totoo ba tong nakikita ko? Ang leader ng pinakamalakas na fraternity niyayakap ako? Nabakla ka na ata tukmol!"pang-iinis ko sakanya. Agad naman siyang napabitaw at nag pagpag ng leather jacket niya.
"Ew! Ako nababakla? Square nalang tayo oh!" Sabi ni tukmol sabay labas ng asero niya.
"G*go! Pano mo napasok yan dito?" pagtataka ko. Buti di nahuli tong g*gong to, eh ang higpit ng security dito.
"Tuks, hanggang ngayon ba wala ka paring bilib sakin? Baka nakakalimutan mong andami kong kapit kahit saan" pag mamayabang niya sabay sandal sa pader habang pinapaikot yung asero sa daliri niya.
"Sir bawal yan dito!" Sigaw ng isang guard na tumatakbo papalapit samin.
"Tang*na tuks takbo!" Sabi niya sabay karimpas ng takbo. Wengya to! Kanina lang ang yabang yabang ni tukmol tas ngayon kung makatakbo parang bakla, asan na yung sinasabi niyang kapit niya? Ahaha.
Tinutukan ako ng baril ng guard na sumigaw kanina at sinenyasan akong itaas yung kamay ko. The hell men baka kasi ako yung may hawak ng asero diba? Tch!
-__-
Hindi ko tinaas ang kamay ko kaya nagalit siya. Agad ko namang naramdaman na may papalapit sa likod ko kaya.... Hininto ko ang oras.
Yes, i can stop time.
No one knows about my secret. It started 15 years ago, tinry kong sabihin yun sa ate ko but she ended up dying sa hindi malamang paraan. Sa sobrang pa momroblema ko nun wala akong masabihan ng nangyare kaya sa alaga kong aso ako nag labas ng lungkot ko. Nabanggit ko sa aso ko yung tungkol din dun, after 1 week namatay din siya sa hindi malamang sakit. Dahil sa mga nangyare na yun sinisi ko yung sarili ko na ako ang dahilan dahil mukhang ako naman talaga, kung di ko sinabi yun edi sana baka nandito pa si ate, that's the reason kaya never na akong nag attempt na sabihin sa iba yung tungkol dito. Ayokong may mamatay pa dahil dito, because i think that is my disadvantage of having this kind of power.
15 minutes ko lang kayang kontrolin ang oras kaya nag rush na ako papunta sa exit dala ang mga bagahe ko.
Nang makarating ako sa parking lot agad kong natanaw si tukmol na papasok sa kotse. Nakatutok na siya sa bukas na pintuan ng van at agad naman akong nakaisip ng kagaguhan. May 2 minutes pa kasing natira eh.
Sinara ko agad yung pintuan ng van at mas nilapit ko si tukmol dun sa saradong pinto ahahaha tignan lang natin kung di ka mauntog diyan tukmol!
30 sec. Nalang bago gumalaw ulit ang oras kaya agad akong nag tago sa likod ng van para di niya ko makita.
"BOOOGSH!!!"
inihit ako ng kakatawa sa nakita ko ahah! Sayang hindi ko navideohan yung katangahan ng alpha ng frat. nila, Sigurado akong bebenta yun sa mga bata niya kung sakaling na kuhanan ko HAHA.
Napaupo siya habang hawak-hawak yung nauntog niyang ulo. Ganyan ba talaga ang leader ng frat? Ahaha kaya ayaw ko subukan eh kasi ang weak nila tch. Umaasa lang lagi sa mga kasama😏😝
After 15 minutes lumabas narin ako.
"Oh, anong katangahan nanaman nagawa mo?" Pagbungad ko sakanya at agad naman siyang napatingin sakin.
"N-nakita mo ba yun?!"sigaw niya na parang nahihiya.
"Ang alin?" Pag papanggap ko sabay taas ng kilay.
"Ah wala, may nakita kasi akong pusa" sabi niya sabay taas-baba ng kilay. Tch gusto nanaman ba niyang ipaalala sakin yun!
"Stop it or i'll kill you" mariin kong sabi sabay pasok ng mga bag ko sa van.
"Ahaha scaredy cat! Ay mali pala ahaha scared of cats pala!HAHA!" sabi niya habang tawa ng tawa.
I really hate cats. Bukod sa may asthma ako eh nabibwisit ako sa tuwing may nakikita ako ng pusa. Nung bata pa kasi kami ni Seth nakakita ako ng pusa sa kusina tapos ayun nag tatalon talon ako dahil sa takot. -__-
ESTÁS LEYENDO
My Crazy Angel From Hell
Ficción GeneralIsa si Earl sa mga pinaka kilalang playboy. Hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa mga bansang napuntahan niya. But Earl is not a normal guy. He has a special power that can freeze time, with his power comes a great curse na kung saan kung sino ang...
