Feel better, My Lori.

2.4K 93 4
                                    

Get well soon, Baby Girl.
Onting kilig vibes po muna. :)
Imagine ko sweet moments ng mag-tangi habang kinakalinga ang isa't isa.

Dj's POV

It was 7 am, a working Sunday. Inaantok pa nga ako dahil kagabi magkausap na kami ni Kath, oo masama na ang pakiramdam niya kagabi pero sabi nga niya, itutulog na lang daw niya at after ASAP magrest na siya.

Tita Min called me, mga before 8. They were off to the hospital dahil di na raw kinaya ni Kath.

Tita Min: Dj, di na rin kami makakapag-asap at si Kath inapoy ng lagnat. Hindi na nga nakatayo kaya binuhat na nina Kevin.

Dj: Tita, ok na po ba sya? I-admit ba? Pwede ba kong pumunta dyan?

Tita Min: Waiting pa sa lab results. For now, dto muna. Wag ka na pumunta, sa bahay ka na lang dumiretso pag pwede na siya umuwi after photoshoot mo.

Dj: Tita, sorry ang kulit ko pero ok lang kung kukulitin kita. Di ako mapapakali nito hangga't di siya ok.

Tita Min: Aysus! Ok lang no, babalitaan na lang kita. Sabi din naman niya na sabihin sayo na, wag ka ng mag-alala.

Dj: salamat Ta Min. Tawag na lang ako mamaya at andto na kami sa loc.

Nagsimula na akong ayusan ng Team DJP. Nakiusap din ako kay Kuya Mark na icheck si Kath doon. Oo alam ko na busy din si Tita Min kaya at least may magupdate man sa akin doon.

Sinend muna sa akin ni Kuya Mark ang pic ni Kath na asa hospital bed. Seryoso, nanghina ako. Yung pakiramdam na yung mahal mo alam mong may sakit at wala ka pa sa tabi niya.

Kuya Mark: Dj, medyo bumaba na daw lagnat ni Kath. Inaantay na lang yung blood test.
Dj: Gising ba siya? Pwede ko kaya makausap?
Kuya Mark: Groggy pa sa gamot. Tulog na tulog pero wag ka mag-alala may representative ka dto.
Dj: Ha, alin?
Kuya Mark: Yung hoodie mo yakap niya. Sabi ni Tita Min, ayaw bitawan.

Natahimik at kinilig naman ako.
Dj: Kuya Mark, bigay mo naman kay Kath yung phone please.

Narinig ko ang boses ni Tita Min at sinabi kay Kath na ako yung asa phone.
Kath: Bal?
Dj: Love, feel better na. Di pa ko makapunta dyan but right after shoot. I love you.
Kath: Ok, I love you too.

Saglit lang ang usap dahil ramdam ko ang tamlay ng boses ng aking Tangi.

From time to time, nag-uupdate si Tita Min at bandang hapon sinabi niya na asa bahay na sila. Sa photoshoot, kapag hindi ako ang nakasalang ay check ako ng check sa phone. Nagulat na lang ako ng biglang nagtext si Kath sa akin.

Agad naman akong tumawag sa kanya at sinabing right after shoot uuwi na ko sa kanila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad naman akong tumawag sa kanya at sinabing right after shoot uuwi na ko sa kanila.

Dj: Do you want anything, Bal? Dala ako food.
Kath: Truffle Soup and you.
Dj: I'm not a food, pero go if you want me wait na lang.
Kath: Tssss! I want cuddle, Bal.
Dj: Yeah, cuddle later. Ok na pakiramdam mo?
Kath: Medyo? I still have fever tapos masakit pa left hand ko kasi may mga tests na ginawa.
Dj: Sige, gagamutin ni Super Bali yan later. Ay wait, love last set na to then punta na ko dyan. I love you.
Kath: Ok, I love you.

Natapos na rin ang photoshoot. After nun, dumiretso kami sa bahay nina Kath. Kunpleto sila doon. Nadatnan ko sina Ate Kaye at Ate Tin kasama si Lhexine sa sala. Agad akong niyakap ni Lhexine at nagpabuhat.

Dj: Hi Ate Kaye, Ate Tin. Si Tita Min po? Eto na po yung food.
Ate Kaye: Pasok Dj, Kuya Dho andun pa si Mama niluluto yung pagkain ni Kath. Thank you sa food.

Pumunta ako sa kusina para magmano kina Tita Min at Tito Teddy. Nagpaalam naman si Kuya Dho, para kumuha ng gamit ko dahil pinayagan akong mag overnight para maalagaan si Kath.

Umakyat na ko sa kwarto ni Kath. Payapa siyang natutulog habang yakap ang hoodie ko. Tila nagising si Cloud sa pagdating ko pero hindi pa rin umalis sa tabi ng kama ni Kath.  Lumapit ako para halikan siya sa noo.

Dj: Bal, I'm here na. Lika kain ka na.
Kath: Bali. (Sabay akap sa may tiyan ko.)
Dj: Lika, let's eat na tas drink your medicine.
Kath: Ok. Magaling na ko you're here na!
Dj: (unti-unting sinubuan si Kath ng soup) Wag na kasi masyado mag work next time ha. Tapos, drink ka ng maraming water. Ok?
Kath: Yes, Doc! And ikaw dapat you rest and drink water na maraming marami para you won't get sick.
Dj: Opo, pero Love seriously Hindi ako mapakali kanina. It's a good thing na mabilis lang yung photoshoot at naging considerate sila.
Kath: Don't worry, kaya na to ok? Wait, are you sleeping here?
Dj: Yes, until tom lang. hindi rin ako makakatulog kung andun ako sa bahay tas alam kong may sakit ka. Feel better na, my love.
Kath: Awwww.. I love you (kissed Dj's cheek)
Dj: Reyna ng Puso Ko, alam ko yun. Mahal na mahal kita. O sige na, dito lang muna ako sa tabi mo. Huwag muna daw kitang kulitin sabi ni Tita Min.
Kath: Huwag ka aalis ha.
Dj: Opo, dito lang ako.

Nakatulog na si Kath dahil may lagnat pa rin siya pero sabi nga ni Tita Min umaliwalas at bumalik ang kulay nung nakauwi na mula sa ospital tas dumalaw na ako.

Pumasok si Tita Min sa kwarto at nadatnan kaming magka-yakap ni Kath rinig na rinig ko naman ang usapan nila ni Ate Kaye.

Tita Min: Kaye, iba na ang nagbe-baby sa bunso natin oh.
Ate Kaye: Oo nga Ma, ang bilis ng panahon no?
Tita Min: Oo nga, baka ilang taon na lang Lola na naman ako.
Ate Kaye: Ewan ko sayo, Ma!

Lumapit si Tita Min para gisingin kami ni Kath.

Tita Min: Oh, mga anak. Kain na. Sabay na kayo kumain.
Dj: Ay Tita, sorry po..( tila nagulat na makita silang magkatabi sa kama) Ako na po dyan ( tumayo, at inayos ang mesa para sa kanila ni Kath)
Tita Min: Ok lang naman, o sabay na kayo kumain. At pagtapos Dj, lumabas ka muna dahil pupunasan pa yan si Kath.
Dj: Sige po Tita.

Ginising ko na si Kath at sinusubuan ko siya sa pagkain. Pagtapos nun, lumabas ako para malinisan siya. Tinawag na ako ni Tita Min habang nakikipaglaro ako kay Lhexine para magpahinga na rin sa kwarto ni Kath.

Oo, sa kwarto ni Kath. Ang sarap sa pakiramdam  na buo na ang tiwala ng pamilya namin ngayon.

Kath: Bali, sleep ka na rin.
Dj: I'll sleep pag nakatulog ka na. Do you want me to sing?
Kath: Yes. Oh Lori and Everything please.
Dj: Ok ok, your wish is my command

Pinatulog ko si Kath at kasabay nun ang pagka-gising sa realidad na ito na, ito na ang magiging buhay ko sa hinaharap.. yung kaming dalawa.. magmamahalan at mag-aalaga sa isa't isa.. at higit sa lahat ang sandalan at sandigan ng isa't isa.

Hinalikan ko siya sa labi, at sabay bulong.
" Feel better, My Lori. I love you, Mrs. Ford"

At naramdaman ko ang pagsagot niya ng hawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi.. at narinig ko ang sagot niya, " Thank you, Bal. I love you too, Mr. Ford"

Author's Note:
Hope napasmile kayo :)

All About BaliWhere stories live. Discover now