Sya lang naman dahilan bakit laging parang sasabog na puso ko sa bilis at lakas ng heartbeat ko eh. Nako nako nako! Very wrong na this!





"I miss you na beh." Sinuksok nya naman yung mukha nya sa leeg ko. Myghaad bei wag djan.




Napakagat naman ako sa labi.




Oo nga miss ko na sya. Although kasi nasa iisang bahay kami hindi na kami nakakapagbond lagi kagaya dati dahil nga sa madalas na pagbisita ni maddie dito. Clingy sobra no? Nakakapanibago lang kasi.





Hinawi ko pa sya at mas lalo ko din sya niyakap ng mahigpit. Tagal namin walang ganap bes anuna. Syempre susulitin ko na.




"Miss na din kita beh. Busy ka na kasi eh." Wow diba. Akala mo talaga di nagkikita.




Humiwalay sya ng pagkakayakap sakin at ngumiti.




"Nakakatawa lang no? Para tayong baliw. Akala mo hindi magkasama samantalang nasa iisang bubong lang naman tayo haha." Sabay kurot sa pisngi ko.




You dont do that to me!!! Parang feel ko uminit yung pisngi ko dun. May natural na contour bes!




Iniwas ko muka ko sakanya at tumayo para pumunta sa cr. Nako baka makita nya nanaman na nagbablush ako. Aasarin pa ko nun!




Pagpasok ko sumandal ako sa pinto at hinawakan yung dibdib ko. Hindi sya normal. Oo bes ang etuc ng heartbeat ko muntanga lang.




Si beatriz lang naman yun ah! Dati naman hindi ka ganyan noon sakanya eh. Bat ganyan ka!!




Magpapacheck up na talaga ko. Kinakabahan na ko baka kung ano na to eh.




Maya maya naghilamos ako ng biglang may kumatok.





"Beh. Okay ka lang ba? Ano nangyayari sayo djan?" Nagaalalang tanong ni Bea. Napahilamos pa uli ako at nagpunas na.





Di ako sumagot dahil hindi padin kumakalma yung puso ko.






"Uy Jhoana Louisse nagaalala ako! Pag di mo binuksan to sisirain ko to!" Nanlaki naman mata ko kaya huminga ko ng malalim at binuksan na agad yung pinto.





Poohtah mas lalo pa uli lumakas kabog ng dibdib ko paglabas ko kaya napahawak ako dito.








Hinawakan din ni Bea yung dibdib ko kaya naman inalis ko kaagad yung kamay nya.






"Ano beh? May masakit ba? Sabihin mo naman kasi para alam ko yung gagawin ko oh!" Nagalala naman ako kay bea kaya naman nagisip na lang ako ng ibang sasabihin.








Kesa naman sabihin ko na bumibilis tibok ng puso ko pag malapit sya sakin diba. Baka sabihin nya nababaliw ako.






"A-ano kasi. Naiinggit ako sayo. Buti ka pa may dibdib." Ay poohtah. Jho anuna?? Bakit ganyan naman yung sinabi mo???






Yung palusot ko parang tanga. Sana kumagat syaaaaa.

Nakita ko yung muka nya parang nagtataka tapos tumingin sa dibdib ko at sa dibdib nya. Waaaaaah nakakahiya ka Jho!!!







Nagulat naman ako ng bigla syang tumawa. Ng malakas. Okay na jho, kinagat nya na yung pinaka-lame na palusot mo!





"Hahahahahahahaha! Hindi ko na nga pinapansin eh! Pinansin mo pa! Anuba jho hahahaha sakit ng tyan ko hahahaha!" Napahawak naman ako sa noo ko habang sya tawa padin ng tawa habang nakahawak sa tyan nya.







YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum