-HolyLoveTheStory-

21 0 0
                                    

"Brother Ivan !"

Napalingon ako sa tumawag sakin.
At lumapit sya sakin .

"Oh ano ang iyong pakay Sister Beth ?"natanong ko

"Mamaya kase may recollection para sa mga lectors sa simbahan ,at ikaw daw yung napiling magtalk sa mga lectors natin. Yun ay kung wala kang ibang gagawin"sabi ni sister Beth sakin .

"Syempre naman . walang problema basta't para sa ikakaunlad ng mga bumabalik loob sa Panginoon, handa din akong magserbisyo sa kanila" nakangiti kong pagpayag .

"Maraming salamat Brother Ivan .. Mamayang alas otso pa naman ng gabi ang recollection"aniya .

Tumango tango ako ."sige. Kaawaan ka ng Diyos"

"Kayo rin po.kaawaan nawa kayo ng Diyos"aniya at umalis na .

Napangiti ako.
Sadyang napakasaya talaga na magsilbi ka sa Panginoon . Ito na yata ang pinakamagandang naging achievement ko sa buhay.

Ako nga pala si Brother Ivan, at oo isa akong seminarista o sa madaling salita ay malapit na akong ma ordinahan bilang isang ganap na pari at yun na ang pinakahihintay kong araw, ang tuluyan ko nng pagsilbihan ang Diyos. Dalawampung limang gulang lang ako . Nakapagtapos ako ng BS Biology sa college at matapos ang ilang taon pagkatapos kong gumradweyt ay pumasok ako sa isang bokasyon . Hindi ko ito desisyon, kusa akong tinawag ng Diyos upang magbalik loob sakanya at magsilbi sakanya .

At nawa'y maging isa na akong ganap na pari at handa na akong magsilbi sa Diyos.

.
.
.
.
.

Mabilis na lumipas ang mga oras at natapos din ang recollection ng mga lectors .

Patulog na ako at biglang nag ring ang cellphone ko .

Calling ...
Mama

Napangiti ako ng makita ko saaking cellphone kung sinong tumatawag.
Sinagot ko ito agad.

"Hello Ma.."

("Hello anak .. Anak kamusta ka na ba ? Alas dyes na ng gabi, hindi ka pa ba matutulog ?")

"May pinag unlakan lang akong seminar ng mga lectors ma, katatapos lang din kase . Kayo jan ? Kamusta na kayo ? Mabuti at napatawag kayo.. Pasensya na at madalas nalang akong tumawag .. Mejo busy na ang magiging pari nyong anak eh"

("Naku malapit ka na palang maging isang ganap na pari anak .. Hayaan mo't pupunta kami jan ng iyong mga kapatid kapag naging isang ganap ka ng pari")

Natuwa naman ako .
"Salamat po .. Ipagdasal nyo po ako ma..At kahit maging isang ganap na akong pari, hindi ko parin kayo kakalimutan."

("Ang bait mo anak. Swerte ako't binigay ka ng Diyos saamin ng papa mo at ng mga kapatid mo na rin.. Kaawaan ka nawa ng Diyos palagi . ipagdarasal ka namin")

"Salamat po ulit . Kayo na munang bahala sa mga kapatid ko.. Sige na ho't matutulog na ako ma . Goodnight jan sainyo . miss ko na kayo."

("Goodnight din anak, miss ka na din namin .. Mag iingat ka palagi jan .")

At ibinaba ko na ang telepono .
Masaya na akong tumawag si mama saakin .
Nasa Benguet kase ang pamilya ko at andito ako sa sentro ng Maynila at dito kase ako pumasok bilang isang seminarista. Tig dadalawang taon din kasi bago ako makauwi saamin.
Miss ko na sila . ang aking pamilya pero kailangan kong magtiis, alang alang sa pinasok kong bokasyon at alang alang sa Diyos .

At bago ako natulog ay nagdasal muna ako .

Kinabukasan ..

Wala akong masyadong gagawin ngayong araw kaya andito ako sa loob ng simbahan at nagtitingin tingin sa mga taong nagdarasal .

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jul 28, 2018 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Holy LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant