Pangalawa.
Sa unang pagtama ng ating mga mata
Nung unang beses tayong nagkakilala
Kasabay ng pagtagay ko sa isang basong serbesa
Mahal, tandang tanda ko pa
Yung unang araw na nagdampi ang kamay nating dalawa
Nung pinilit nila tayong ipakilala sa isat isa
Yung mga tingin mo sakin na tila ba ako lang ang nagiisa.
Mahal tandang tanda ko pa kung paano ako umasa.
Mahal naaalala mo ba nung gabing magkasama tayong dalawa?
Sabay tayong kumakanta ng paborito mong musika
Habang nagmamaneho ka patungo sa paboritong lugar nating dalawa?
Kasi mahal ako tandang tanda ko pa.
At tila hindi ko na yata kayang kalimutan pa.
Yung bawat dampi ng iyong halik sa aking mga labi.
Nung sinabi mong ako lang ang iyong tinatangi
Yung magkasama tayong dalawa sa bawat gabi
At kapag wala kay tila ba hindi ako mapakali
Pero mahal, umasa lang pala ako ng labis
Yung ideya ng ikaw at ako ang tangi ko lang ninais
At labis akong naghinagbis
Kasabay ng pagpatak ng bawat luha at pagtangis
Mahal kahit kailan pala hindi ako ang iyong magiging nais
Paano bang inakala kong ikaw na?
Yung inakala kong may patutunguhan tayong dalawa
Pero mahal akala ko lang pala
Kasi ako pala ay tanging PANGALAWA
Napakasakit. Napakasakit makita ka kasama sya na tila ba akoy hindi mo kilala.
Magkahawak ang kamay nyong dalawa
Samantalang ang tanging hawak ko ay ang payong kong dala
Kasabay ng ulan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Pero mahal bumalik ka pa din.
Lumapit sa akin na tila ba wala lang
Na tila ba akala moy may "tayo" pa din
Mahal? Makapal ba ang mukha mo o sadayang tanga lang ako?
Kasi hinayaan ko lang
Sabi ko okay lang
Kasi etong huli na lang.
Mahal, pagod na ako
Gusto ko ng sumuko
Pero sa bawat isang hakbang ko palayo
Hinihila mo din ako pabalik sayo.
Mahal pwede mo na ba akong pakawalan?
Kasi mahal pagod na akong umasa at maiwan s kawalan.
Pagod na akong hintayin ka sa daan
At takasan ang katotohanan
Ang katotohanamg sayo akoy laruan lang
Katotohanang kahit kailan ay di mo sya kayang iwanan
Katotohanang gugustuhin mo lang ako pero kahit kailan ay di mo ipaglalaban
Mahal pwede bang hangang dito na lang?
Ibaba mo na ako kahit dyan sa kanto lang
Hindi bat ganon naman?
Kasi mahal ayoko ng magtago
Ayoko ng umasa sa mga bagay na hindi naman mababago
Kaya mahal pakiusap ihinto mo nato
Hayaang maglakad ako palayo sayo
Malayo sa ganitong klase ng mundo
