Chapter 1

15 1 0
                                    

Ashlyn

'tok tok tok', "Gising na po kayo,Lady Ashlyn..may pupuntahan daw po kayo ng mommy at daddy mo.." Ano ba naman 'yan panira ng sleep si yaya! hmph! "Pasok na po kayo.." cold na sabi ko tapos bumukas na ang pinto at pumsok na si yaya Mia. "Maligo ka na, at heto ang dress na susuotin mo sa pupuntahan niyo ng daddy mo.." pinakita niya sa akin ang isang cute black dress with matching black sandals. Ngumisi lang ako at binigay na ni yaya ang towel ko tsaka ako dumiretso sa bathroom.

Ako pala si Ashlyn Moore, 6 years young,incoming 7, this day!I wonder kung saan magaganap ang birthday party ko! Oh.. about me..i hate all the colors except black and white.I don't know why..but yeah..I'm the daughter of the richest man in Cebu, Jake Moore,and my mom is Deliah Moore.

My dad owns the biggest mall here in Cebu 'JD mall'. Kahit sa edad kong ito, maraming pumupuri sa akin sa aking taglay na kagandahan na pang dyosa, and great a great talent in singing and drawing, I also kave great knowledge. Sabi pa nga daw ng iba para daw akong matanda pag nagsasalita, daig pa daw sina mommy and daddy.

Well enough about myself..maliligo muna ako because.........hinihintay na ako ni daddy sa labas! Pagbaba ko sa hagdan nakita ko agad si mommy and daddy sa dining room, hinihintay ako. "Good morning mommy! Good morning daddy!" greet ko sa kanila sabay kiss sa mga cheeks nila. "Good morning too honey/sweetie" sabay greet nila, ngumiti lang ako at umupo sa chair ko.

Habang kumakain,na-curious ako kung saan magaganap ang birthday ko soo.. "Mommy,daddy? Saan po tayo mag- cecelebrate ng birthday ko?" Nagkatinginan naman sila, para bang ayaw nilang sabihin. "Sweetie,mamaya na,malalaman mo rin after we get there.." excited na sabi ni mommy. Tumango lang ako at ngumisi sa kanila.

Nakasakay ako sa car namin ngayon,at wala akong makita. It's really dark. Kasi naman, I'm blindfolded, para daw surprise. "We're here honey,bababa na tayo." sabi ni daddy, he helped me get down from the car, kasi nga naka blindfold ako. "Are you ready honey?" tanong ni mommy. Tumango lang ako bilang tugon na ready na talaga ako! I'm so excited to be precise! Pagtanggal ng blindfold----"Surprise!!Happy Birthday Ashlyn!!"

0.0 omg!!! ang ganda ng garden! Yes, its a garden. Full of white roses tapos yung mga tables black and white,yung mga gifts, covered in black and white rin, yung cake 15 layers matte black. They know me so well.."Thank you,everyone" tanging nasabi ko, speechless ako sa ganda ng nakikita ko ngayon. Nandito lahat ng mga friends ko,cousins,relatives,and everybody! "Ash! you're so beautiful!!You're like a little goddess!!!" sabi ni tita Stephanie, ngumiti lang ako at nag thank you.

"Lady Ashlyn, please follow me, I will assist you to your table" sabi ni yaya Mia. Tumango lang ako at sumunod sa kanya. My table is on the front,black lace ang naka cover sa small table ko tapos sa left side mg table ko ay ang 15 layers cake. Sa right side naman ang buffet area. At sa center ng garden may mga birthday games na gaganapin, at of course sasali ako!

"Okay everyone, please be seated for a while, may speech na sasabihin si Birthday Girl Ashlyn." sabi ng emcee. Tumungo na ako sa gitna ng garden at ang mga tao naman ay hinihitay na marinig ang speech ko. "Hello everyone! Thank you fo---" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng biglang may pumutok na baril. Dumiretso ang bala sa aking puso, right then..everything went black...

Third Person

Lahat ng tao sa celebration ay nagulat sa hindi inaasahang pangyayari. Tumakbo ang mommy at daddy ni Ashlyn papunta sa kanya. Niyakap siya nito, "Honey....p-please w-wake up...Huwag mo naman kaming iwan ng ganito..." sabi ng mommy niya. "Anak...huwag muna ngayon.." humagulol ng iyak ang mag-asawa. Sa totoo lang ay hindi nila totoong anak si Ashlyn.

Flashback:

'ding dong' "Sino kaya 'yun?" Nagtatakang tanong ni Jake'kasalukuyang ama ni Ashlyn'. "Halika, puntahan natin mahal baka si mayor 'yun.." hinila siya ni Deliah'kasalukuyang ina ni Ashlyn' at binuksan nila ang gate, nagulat sila na makita ang isang napakagandang bata na nakabalot ng puting tela at nakasuot ng black dress,natutulog siya sa loob ng basket. Kinarga siya ni Deliah na dahilan upang magising ito. "Hon, tignan mo may sulat sa basket.." sabi ni Deliah ng may napansin siyang puting papel sa loob ng basket.

Pinulot ito ni Jake at binasa ang mga katagang, { Mage Princess: Ashlyn} nagtaka naman sila kung ano ang ibig sabihin nito, kahit hindi nila alam kung saan galing ang bata kinupkop nila ito at pinangalanang Ashlyn, dahil ito ang pangalan na nakasulat sa papel na nakita nila sa loob ng basket.

End of Flashback

Pero kahit na hindi man nila totoong anak ang bata ay tinuring nila itong totoong anak nila,at pinalaki ng maayos. Kahit man kaunting oras lang ang binigay sa kanila upang makasama ang bata ay nagpapasalamat sila sa Panginoon dahil pinahiram sa kanila ang isang napakabait, at may-mala anghel na katangian at kagandahang bata. Hinding hindi nila makakalimutan si Ashlyn.. "Mahal na mahal ka namin ng daddy mo..." sabi ni Deliah at mapait na ngumiti habang ang mga luha niya ay umaagos parin.

Hindi inaasahang may isang malaking portal ang nagpakita sa harapan nila, at may lumabas na mga taong naka-cloak ng itim at nakamask ng itim. "Ibigay niyo sa amin ang aming Prinsesa." Ma-awtoridad na utos nito. Wala nang magawa ang mag-asawa. Binigay nila ang walang buhay na si Ashlyn sa mga misteryosong tao,dahil sa takot at pagbabanta sa tinig nito.

Kinarga ng isa sa mga misteryosong tao si Ashlyn ng pa bridal-style at pumasok na sa portal. "Xecháste ta pánta gia prinkípissa mas, kai na páei gia ýpno." Sabi ng isa sa kanila at nakatulog lahat ng tao sa garden. Pumasok na silang lahat sa portal at naglaho ng parang bula, at walang anumang bakas ang naiwan na may taga Magic World ang nanggaling doon.

Ashlyn

Bakit lumulutang ako? Bakit ang dilim dito? Nasaan ba ako? Patay na ba ako? Bakit wala akong maalala? Ano na ba ang nangyayari sa akin? Bakit ang dami kong tanong? Arghhh!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magique Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now