Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko na nga alam kung saan nagpunta si Girl with No identity e. Lingon lang ako ng lingon pero wala pa din akong makita. San na ba yun? Bakit ang bilis nawala?
Naman eh! Bakit ba lagi nya akong tinatakbuhan? Wala naman syang utang sakin.
Haaay! Balik na nga lang ako kay Kuya. Tumakbo ako pabalik dun sa University nila. Nakita kong naghihintay na si Kuya dun.
"Kuya!" sigaw ko. Nung nakita nya ko agad syang lumapit.
"Nasan si Vee?" tanong nya.
"H..hi..hi..hindi ko na abutan eh. Sorry!" sabi ko habang hinihingal. Ngumiti si kuya sakin sabay pat sa ulo ko.
"Okay lang yun. May next time pa naman eh."
"Sabi mo eh. Teka, tapos na photoshoot mo?" natatawang saad ko ng mapansing wala ng nagpapapicture sa kanya.
Tumawa naman sya. "Tapos na. Kakagutom. Tara kaen muna." aya nya atsaka nya ako inakbayan.
"Good. Gutom na din ako. Libre mo ah?" biro ko at nagsimula na kaming maglakad papuntang kotse.
"Sure."
"Yes. Uubusin ko pera mo Kuya. Haha."
"Okay lang. Hihiram nalang ako sayo."
Sumakay na kami sa kotse. "Hindi naman kita paphiramin no? Baka takbuhan mo lang ako katulad ni Girl with no Identity." Natatawang saad ko.
Tumawa din sya. "Girl with no identity parin? Haha. Vee ang pangalan nya." Iniistart na nya yung engine ng sasakyan. "Atsaka may utang ba sya sayo?"
"Mas sanay akong ganun tawag ko sa kanya eh. Wala syang utang sakin. Pero baka nga meron kasi pagnakikita nya ko tumatakbo nalang eh."
"Tinakot mo kasi."
Tinignan ko sya ng masama. "Ako pa ngayon ang nanakot? Ikaw kaya dyan. May pabanat banat ka pang nalalaman hindi naman nya narinig."
"Haha. Ou nga eh. Yaan na, may next time pa. At sisiguraduhin kong yung next time na yun maririnig na nya yung sweet lines ko." biro nya.
Natawa nalang ako. "Sweet lines? Corny lines kamo. Corny ng Kuya ko, buti hindi ako nagmana."
Tinignan nya lang ako ng masama tapos tumawa. Baliw talaga neto.Hinihinto ni Kuya ang sasakyan sa isang Resto bar. Tinignan ko yung paligid. Ngayon ko lang ata alam na may seafood restaurant pala dito.
"Let's go." aya ni Kuya. Tumango nalang ako. Wow, ang ganda pala dito. May garden pa sa Entrance. Bago yung mismong pinto ng Resto Bar.
"Ang ganda dito no?" nakangiting sambit ni Kuya. Parang may something sa ngiti nyang yun. Hindi ko nalang pinansin. Pagkapasok namin sa loob.
"GoodAfternoon Ma'am Sir Soren." nakangiting bati nung babae dun sa tabi ng pinto.
"Same here" sambit ni Kuya atsaka na namin sya nilagpasan. Kumunot ang noo ko.
"Kuya, bakit kilala ka nya?" tanong ko. "Ai, ou nga pala. Halos lahat naman pala kilala ka e." dugtong ko. Famous nga kasi diba?
Natawa nalang si Kuya dun. Uupo na sana ako dun sa may vacant ng lamesa kaya lang may biglang lumabas na lalaki dun sa isang pinto.
"Pare!" bati neto kay Kuya. Kung titignan sya, chinito, medyo tan ang skin, nakabrace, matangkad.
Well, halos ganyan naman mga kaibigan ng Kuya ko eh. May mga itsura.
"Yow." tapos nagfistbump sila.
"Ngayon ka nalang ulit pumunta dito ah? And now you're not alone?" sabay tingin nya sakin.
YOU ARE READING
99 days with Mr. Player (Revising)
ChickLitAkala nila magkaiba sila. Ang hindi nila alam. Pareho lang sila. Pinaglaruan ng tadhana, saan kaya patungo? This is the story of Gelo and Sacha.
