“Oh pare. Mukha yatang may katapat ka na!” -Natatawang sabi ko. “Naku! Baka top one na natin yan this year. Pano ka na tol? Saan ka na pupulutin?”

Humarap na sa amin si Xyrus and ang cool ng tingin niya. HAHAHA. Pero deep inside, sure akong pinapatay na niya sa utak niya ung Anna Grecque.

“Who is Anna Grecque?” –Laida

“I don’t know. But she’s really good. Right, Xyrus?” –Ako

“Ang galing nga niya.” –Matabang na sabi ni Xyrus.

“Bitter mo, boy.” –Ako

“I’m not.”

“Oo kaya!”

“I said I’m not.”

“Pvcha pare. Para kang bading. Todo kung maka-deny.”

“Anong bading? Sapak gusto mo?”

 

Nagtawanan na lang kami. Ayaw talaga nitong magpatalo eh.

Maya-maya pa ay naglakad na pabalik ng Centro si Xyrus. Sabi na nga ba eh, bad trip to. Ayaw lang magpahalata. Sumunod na rin kami. At tahimik na siya ngayon.

“Punitin niyo yan. Ayokong may ibang makakita ng results ng Exam.” –Rinig kong utos ni Andy sa mga guards. “Guys, I’ll go to the office. May kailangan pa pala akong asikasuhin.”

“Ako rin, sasama na ako kay Andy.” -Vince

“Sure, bye!”

Naglakad na palayo sa amin si Andy and Vince. Ganun din ang ginawa namin. Then, I saw a girl. Mukhang kumakanta. Naglalakad siya ng patalikod. Nakaharap sa amin ang likod niya. Which means, mababangga niya si Xyrus.

Boooooooooooghhhs

Boom. Natapunan ng hawak-hawak na Buko Pandan shake nung babae si Xyrus. I guess, Jade ang pangalan niya. Lagi kong nakikita sa newspaper ang pangalan niya. Pero hindi rin siya kasikatan dito sa university. According sa mga students, brain lang naman daw kasi ang meron siya. Actually, she’s a nerd. So here is the result, andumi na ng polo ni Xyrus. May stain na, and its green.

Huminto kami sa paglalakad.

“Sorry, sorry. Hin-di ko-po-si-na-sad-ya.” –Nauutal na sabi ni Jade sa kanya. Mahahalata mo naman sa kanya na natatakot siya. Well, dapat lang! Si Xyrus kasi ang nabangga niya. Buti sana kung ako, papalipasin ko lang yan. Pero si Xyrus kasi.

Nilabas ni Jade ang panyo niya at dali-daling pinunasan ang polo ni Xyrus. Paulit-ulit pa rin siyang nagso-sorry pero hindi pa rin kumikibo si Xyrus.

Boooooooooooghhhs

Tinulak ni Xyrus ng bahagya si Jade. Okay, I expected that already. Pero, lumapit pa rin ulit si Jade kay Xyrus at paulit-ulit na namang pinunasan ang polo niya.

Boooooooooooghhhs

Tinulak na naman ni Xyrus si Jade. Pero masyadong makulit si Jade e. 

She's YoursWhere stories live. Discover now