Sa pagmamahal, Hindi maiiwasan and problema at pagsubok, maaaring mahirapan ka, dahil gumagana dito'y puso, pero minsan, pilit sumasabay ang utak. Oo natural na sumabay ito, pero.. Pano pag nakasama?
Paano ka nga ba mamimili at magpapasya.
Kung parehas na puso't isip mo'y nagtatalo sa iisang katawan mo?
Paano kapag dumating ka na sa puntong wala ng paglagyan ang iyong emosyon, at ang nararapat mong gawin ay ang mamili.
Sinong mas matimbang?
Sinong mas lamang?
Paiiralin mo ba ang utak mong magdedesisyon para sa pamilya mo?
O ang puso mong nagdedesisiyon para sa pagmamahal mo?
Magiging sakim ka ba?
O magpaparaya ka?
Tunghayan ang istoryang tiyak na gugulo sa puso't isipan ninyo.
