No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without permission or written permission of the author. For information regarding permission, kindly message me through messenger via facebook.
Visit my wattpad profile for you to know whats my facebook account's name
---------------
Start of the story.
Kristina's POV
"I Kristina Sy, willingly accepted the offer of Mr. X. The offer of joining the Black Blood Gang."
"Very well. Now, I present Ms. Sy as a new black blood member, a round of applause."
*clap* *clap* *clap*
I am now an official member of BBG.
Hindi parin kapani paniwala na makakasali ako sa isang gang. I once was a gang hater. I hate gangsters because they commit crimes.
But now? I can't believe na napasama na ako sa kanila. Na isa na ako sa kanila.
Kumuha ako ng maiinom at naupo sa gilid ng sofa.
Pinagmamasdan ko ang mga ka myembro ko. Yung iba nag-iinoman, yung iba nagtatawanan, yung iba kadadating palang galing sa mission nila.
Napahawak ako ng mahigpit sa basong dala ko. Naalala ko na naman ang kasakiman na ginawa ng kalabang gang namin. Naalala ko kung pano nila pinatay ang ina ko.
Hinding hindi ko sila mapapatawad. Iisa isahin ko sila hanggang maubos na ang lahi nila. Hanggang maubos ang myembro ng gang nila. Hanggang mawala sa mundong ito ang mga taong nagpahirap at pumatay sa ina ko.
Walang awang binubugbog, sinasampal ang nagmamakaawang babae.
Nakita ng dalawang mata ko ang pagpapahirap na dinanas ng ina ko. At wala naman akong nagawa para protektahan siya. Kung hindi sana ako naging mahina, matatakutin sa araw na yun hindi sana mawawala ang nanay ko. Masaya pa dapat kami ngayon.
Dahil sa galit na nadarama ko. Hindi ko maramdaman ang sakit ng mga sugat sa kamay ko. Nabasag ko na ata ang basong hawak hawak ko.
"Ms. Sy pinapapunta kayo ni Mr. X sa opisina niya." ani ng lalaking nasa harapan ko.
Tumayo ako at naglakad papunta sa opisina ni Mr. X, isang malaking pintuan ang bumungad sakin.
Binuksan ko iyon at nakita kung nakatalikod siya sakin habang nakaupo sa kanyang swivel chair.
"Pinapatawag niyo raw ako."
"Maupo ka binibini." sabi niya na nakatalikod parin sakin.
Naupo ako sa upuang malapit sa desk niya.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"
"Nakikita mo ba ang brown envelope sa ibabaw ng desk ko? Laman niyan ang mga ditalye ng mga myembro ng kalabang gang natin, nakasulat diyan ang katayuan nila sa gang at kung gaano sila ka lakas. Basahin mo ang mga iyan, basahin mo lahat. Makakatulong yan sa paghihigante mo." ani niya.
Tumingin ako sa desk niya at nakita ang envelope na sinasabi niya. Kinuha ko ito at akmang tatayo na.
"Sandali, wag ka munang tumayo."
Pagkasabi niya noon ay naupo ulit ako.
"Malalakas ang myembro ng kalabang gang natin. Kaya wag na wag kang magpadalos-dalos. Ayokong mawalan ng baguhang tauhan. Maliwanag ba binibini?"
"Maliwanag po."
"Makakaalis kana."
Tumayo ako at naglakad palabas ng opisina niya.
Dumaan muna ako sa small bar upang kumuha ng maiinom.
"A bottle of wine and a also glass."
Utos ko sa bartender dito.
Dali-dali niyang kinuha ang mga bagay na iniutos ko.
"Here's your bottle and a glass, madam." ani ng bartender
I ignored the bartender at kinuha ko ang bote at baso. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina. And gladly walang nakaupo.
I sat down again in the sofa. Binuksan ang bote ng alak, at binuhusan ng alak ang basong dala-dala.
Tinungga ko ang alak sa isang lunok. kasalukuyan ko paring minamasdan ang mga ka-myembro kung nagtatawanan.
Napangiti ako ng maisip ko na magagawa ko narin ang mga bagay na ginawa nila sa ina ko.
I am a gangster now, wala na akong pake sa mga rules. I know its not good, the stuffs that I am about to do is bad. But this is for my sister and my mother's sake. Nang matahimik narin ako. Uminom ulit ako ng alak sa basong hawak-hawak ko.
Makakamit ko narin ang hustisyang noong ko pa hiningi.*smile*
"Wow! What a bright smile." ngiting sabi ng lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.
I just stared at him.
"Woah, I'm scared." sabi niya sabay tawa. "Nakakatakot naman niyang mga titig mo, parang kakainin mo na ko ng buhay." dugtong nito.
"Shut up!" I am really annoyed now.
"Chillaxx lang Ms. Sy"
"What do you want?" tanong ko.
"Hmm.. I want ---"
"What?!" pasigaw na tanong ko.
"You," sabay tawa ng malakas.
I ignored his answer. Binaling ko na lang ang paningin ko sa ibang direksiyon.
"Ms. Sy, wag high blood. I just want you to be my friend. I am Damon Rosales by the way." saying with a grin in his face.
"Mr. Rosales" I stand and look directly into his eyes. "If you want someone to flirt with, wag ako*smile*." I said my last word bago ko siya iniwan don.
Hindi nako nagtagal sa lugar na iyon.
Umalis nako at umuwi sa bahay ko.
Dahil may kapatid pa kong naghihintay sa pag-uwi ko.
-------
Author's Note:
Hi hehe! Sorry sa mga wrong grammars, tsaka sa mga typo.
Kinakabahan ako habang sinusulat tong chapter one.
Newbie palang kasi si Author ehh first time ko pang magsulat. Kaya pasensya kung hindi mganda yung chapter 1.
Vote Comment Share.
ESTÁS LEYENDO
A Girl's Revenge (ON GOING)
Misterio / Suspenso"Sometimes you have to give people a taste of their own medicine." - anonymous "My Revenge is Near. So get ready." ---------- Author's Note: Bonjour! Enjoy Reading.
