[Prologue] Meeting her.

5.7K 81 11
                                    

 * i'm making this the shortest i can :) OH! and the picture on the right is DJ in this part of the story. Hehehe... you'll know why ang bata pa niya sa picture. have fun and enjoy guys ^______^

                  ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ READ. VOTE. COMMENT. BE A FAN ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Prologue ~ Meeting her.

**Daniel's Side**

Its the start of the school year. Second year na ako ngayong pasukan, Which means, malapit na ako magcollege. Excited ako na malungkot, sa bagong school kasi ako papasok. Paano ba naman, kailangan naming lumipat ng bahay. Sana lang hindi na kami umalis doon sa dati naming bahay. Andun lahat ng friends ko eh. Ayoko dito. Haaaaaays... Pero wala naman akong magagawa eh. Sana naman maging masaya itong school year na ito. Bagong school nga kasi diba? Badtrip man, I have to make the most out of this. 

Dumiretso na ako sa principal's office. Doon ko daw kasi kukunin schedule ko. Transferee nga daw kasi kaya ganun. Pagdating ko doon, wala pa yung principal, so doon nalang ako sa secretary nagtanong. Inabot naman niya sakin yung schedule ko for the day. Sabi din niya meron daw magtutour sa akin sa campus. HIntayin ko nalang daw doon sa may waiting area. May sofa kasi sa isang gilid. I said thank you at umupo na para hintayin yung magtutour sa akin. Tumitingin tingin ako sa orasan sa may pader. Maaga pa naman. Pero naiinip lang talaga ako eh. Tagal kasi dumating nung tour guide ko. Maya maya pa may pumasok na babae sa loob ng office. Hindi ko muna siya pinansin. Paano ko nalaman kung di ko pinansin? Nakaskirt yung taong pumasok na nakita ko lang sa peripheral vision ko. Angal kayo?? Joke! Hehe.

"Hi, Miss. May i-tutour daw po ako sabi ni Ms. Macaraig." sabi nung babae. Napatingin naman ako sa kanya. Infairness. Maganda siya. Mukhang anghel. 

"Ah, oo! Ayun siya oh." sabi nung secretary sabay turo sa akin. Lumingon naman sa akin yung babae at nagsmile. So, nagsmile din ako. "Thanks, Miss." sabi niya doon sa babae at tumalikod na papunta sa akin. Tumayo naman ako pagkalapit niya.

"Hi. Ako nga pala si Kathryn Bernardo. Ako magiging tour guide mo." sabi niya sa akin sabay abot ng kamay niya habang nakasmile. Medyo napatulala ako sa kanya. Ang ganda kasi nung smile niya, eh. Nakakapanlambot. "Huy! Okay ka lang?" sabi niya sabay kalabit sa akin. Natauhan naman ako.

"Ah.. O-Oo.. Oo." sagot ko naman sabay kamot ng batok. 

"Ah... Bute. Kala ko kung anong na nangyari sayo, eh. I'm Kathryn ulit. Ikaw?" sabi niya ulit. Inabot niya ulit kamay niya sa akin. KAINIS! Napahiya ako dun, ah.

"Daniel. Daniel Padilla." sabi ko sabay abot sa kamay niya. Nagsmile din ako sa kanya. Nagkatitigan kami ng matagal. Ang ganda kasi ng mata niya. Hindi ko mapigilan sarili ko na hindi titigan. Sobrang ganda niya din kasi eh. Maya maya umiwas siya ng tingin.

"Tara na. Umpisahan na natin yung tour. Baka ma-late pa tayo sa first class natin, eh." sabi niya sabay tanggal ng kamay niya sa kamay ko at naglakad papunta ng pinto. Napa-smirk naman ako sa ginawa niya at sumunod nalang ako sa kanya.

Magsistart daw muna kami sa building namin bago kami daw yung buong campus. Malaki laki yung school na pinasukan ko.Yung building na pinuntahan namin may 2 levels, yung 1st year or Freshmans/Freshies at ang 2nd year or Sophomore/Sophies. Nadaanan namin yung cafeteria papunta sa building namin. Sa first floor nung building namin andun yung art studio tsaka HELE room. Oo, may art studio ang school. Malaki yung dalawang room na yun kaya sakop nila yung buong first floor. Sa second floor naman, andun yung lahat ng laboratories. Biology lab, Chemistry lab at Computer lab. Malaki kasi yung Biology lab kaya sa kanya lang yung buong isang side ng building. Tapos katapat nun yung ibang dalawang lab. Nasa third floor naman lahat ng first year students. 4 sections lang bawat year level. And yung arrangement ng classrooms 2 rooms sa left, 2  rooms sa right. Malalaki yung rooms tsaka naka-aircon na.

"Anong section mo?" bigla niyang tanong. Paakyat na kami sa fourth floor ngayon. Andun kasi yung rooms naming mga sophies.

"II-Annelida" sabi ko. Classification of animals kasi yung sections namin. Specifically, yung Phylas.

"Wow! Classmates tayo." sabi niya sabay smile sa akin.

"Ganun? Ayos!" sabi ko. Pabulong lang yung dulo. Hehe... I was hoping that we'd be classmates.

"Oo. Tara!" sabi niya sabay hawak sa kamay ko at tumakbo papunta sa tapat ng room namin. Napatingin ako sa kamay namin, pero tumakbo din ako. No choice eh.

"EHEMMM!!" ako yan. Nakatigil na kasi sa tapat ng room namin, pero hawak parin niya kamay ko. Napatingin siya sa akin. May questioning look sa mukha niya. "You can let my hand go now." sabi ko sabay turo sa kamay namin. Napatingin din siya at nanlaki mata niya.

"AYY! Sorry..." sabi niya sabay bitaw sa kamay ko. Napatawa naman ako sa naging reaction niyo.

"Ikaw ha! Nananyansing ka ah. Siguro may crush ka sakin." sabi ko naman.

"OoO?? Huh?" siya yan.

"May crush ka sakin noh? Aminin!" sabi ko naman.

"W-wala ah! K-kapal!" sabi niya. Mukhang medyo naiinis siya. Nagblush din siya ng konti.

"Eh ba't ka nauutal? Tsaka bakit? Gwapo naman ako, ah. Hahaha." sabi ko.

"Wala akong gusto sayo!" naiinis niyang sabi. "Pumasok na nga tayo! Baka dumating na si Miss." sabi niya sabay pasok sa loob. Napatawa naman ako. Ang cute niya kasi lalo kapag naiinis. Pumasok na din ako sa loob.

Wala naman nangyari sa buong araw. Ganun din. Tinour parin ako ni Kathryn, pero halatang nagmamadali siya na tapusin at ayaw niya akong makasama. Inaasar ko na din kasi siya ng inaasar, eh. Hehe... Sorry naman. Lalo lang kasi siyang gumaganda kapag naiinis. Hehe. Naging friends ko din yung mga friends niya. Sumabay kasi ako ng kain sa kanya since wala naman akong kakilala pa dito sa school. Me and her friends hit it off. Mukhang lagi ko ng makakasabay si Kathryn kapag break. Hehe. Palabas na ko papuntang parking lot ng school. Andun na kasi yung driver ko. Pagkalabas ko naman ng campus, saktong papasok na siya sa kotse niya. Sayang, hindi ko siya naabutan. Pumasok nalang ako sa kotse ko at umuwi na. 

to be continued...

_____________________________________________________________________________

sorry kung may typos ah? hehehe... hindi kasi ako nagpuproof read. vote&comment naman guys. wag maging silent reader. hindi naman po ako nangangagat eh. ^_____^

- Chine.♥

Beautiful Soul (A KathNiel Fan Fiction)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz