OMH 10 - Stupid David!!!!

159 7 1
                                    

Vej's POV

"Dave, wait! Nasasaktan ako!" sabi ko sa kanya habang hila-hila niya ako papunta sa school's parking lot.

"Get in!" he shouted. Nagulat ako kasi this time he's really mad, I mean he always shouts at me when he gets irritated at my presence, but right now, he's seriously angry. 

Di na napigilang tumulo ng luha ko pagkatapos kong makaupo sa front-right side ng kotse niya.

Masaya na sana ako kanina nung pinagsigawan niya sa buong, well actually not all, but to almost half ng student body na girlfriend niya ako. Oo, alam kong naging rebound ako dun, at alam ko ring sinadya niyang marinig yun ni ate Shy. Ang tagal kong hinintay na marinig yun mula sa kanya, na tanggapin niya ako bilang girlfriend niya... but I guess not this way. And now I'm absolutely POSITIVE, I no longer like David Jonathan Han!!!!

Halos 15 minutes ng natutuyo ang laway ko at siguro tuyong-tuyo na rin yung sa kanya. 

Hindi niya ako kinakausap at patuloy lang siya sa pag-dridrive at pinatugtog ang pagkakalakas na stereo at hard metal pa talaga ang sounds. Lalo tuloy akong nairita!

Namukto na ang mata ko sa kaiiyak at napagod na rin ako, kaya unti-unti ko ng naipikit ang aking mga mata.

================

Dave's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko kanina, kung nabigla silang lahat sa ginawa ko, mas nabigla ako. Baliw na nga siguro ako. Pero hindi ko pinagsisisihan yung ginawa ko, tutal ito rin naman ang gusto ni lolong gawin ko noon pa lang. Ang paglaruan ang magpinsan na si Shy at Venus. 

At first it was just all a game for me with Shy, pero habang tumatagal, nahahalata na ni Lolo na nahulog na ang loob ko sa kanya at mahal ko na siya. Totoong minahal ko si Shy at hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung hindi. Pero siguro, tamang ako na lang ang masaktan, kaysa madamay pa siya sa mga kalokohan ng lolo ko. Kaya siguro tatapusin ko na lang 'tong larong gusto ni lolo, at yun nga ay ang paibigin ko naman si Venus.

Nakakapagod na rin, ayaw ko na ng ginagawa ko. Buong buhay ko, sinusunod ko si Lolo, ginagawa ko ang lahat ng gusto niya. Minsan gusto ko na ring sumuko, pero takot kasi akong mawalan ng mana, takot akong mabuhay ng walang pera, dahil simula noong bata pa ako, lahat ng taong mahal ko, iniiwan ako, kaya mas mabuti ng mabuhay mag-isa at may kapangyarihan, kaysa mabuhay ng sawi at talunan.

Masyado na akong madrama sa buhay, hindi ko tuloy namalayang nakatulog na pala si Venus. Nakakakonsensya, pero hindi ako dapat makonsensya, para sa akin din ito.

Pinatay ko na ang stereo. 

"Did she actually fell asleep with that kind of lullaby?" sabi ko sa sarili ko. Hardcore kasi yung sounds, pero nakatulog siya. Ibang klase talaga siya.

Saan ko kaya 'to dadalhin?

Maya-maya pa may nakasalubong naman ako sa daan na isang lalaking naka-motor, familiar mukha niya, at sa siko lang nakalagay ang helmet niya.

Ewan ko, medyo mabilis din kasi yung patakbo ko eh. 

After 30 mnutes, dito ko siya dinala sa SUBWAY.

"Hoy! Venus! Gising!" sabi ko habang inuuga ang natutulog na si Venus.

Umungot lang siya. Unti-unti siyang mumulat at kinusot ang kanyang mata.

Kumuha naman ako ng tissue malapit sa kambyo ng kotse ko at aktong pupunasan ang tulo niyang laway.

"A-anong ginagawa mo?" tanong niya at pigil-pigil ang braso ko.

Natawa ako. "Pupunasan ko lang yang laway mo."

"Anong laway? Hindi naman ako tulo-laway ah!" sinungaling na talaga siguro tingin nito sa akin.

"Talaga? Sige, bahala kang tuyuan ng laway dyan!" sabay tapon ko ng tissue at labas ng sasakyan.

Sinilip ko siya sa may labas at kitang pinupunasan na niya ang bibig niya. Nakakatawa talaga siya, at kunot na kunot pa ang noo niya.

Ibang klase talaga silang magpinsan, sila lang ata ang nakakapagpatawa sa akin ng ganito.

Ayaw kong mahulog din kay Venus, tama na ang masaktan ako sa isang babae, tama na ang mahalin ko ang isang babae kahit sa maikling panahon lang.

Lumabas na siya at sinarhan ng napakalakas ang pinto ng kotse ko.

Nilakihan ko siya ng mata. "Hoy Venus! Balak mo bang sirain ang kotse ko?!" sabi ko sa kanya.

"Oo! Bakit? May angal ka? Girlfriend mo na ako, di ba?!! At lahat ng gusto ko dapat mong sundin, naiintindihan mo?!"

"At sinong may sabi sa'yong girlfriend na talaga kita?!"

"Tanga ka ba? O nagtatanga-tangahan ka lang? Baka gusto mong malaman ni Ate Shy ang lahat!" Bilib din ako sa kanya, nalaman niyang it's all about her cousin again.

"It's not because of her!"

"Oh, come on David! Alam ko na yang mga pakulo mo! And you underestimated me so much! I'm not like those stupid girls out there! To fell into your trap! You know I like you a lot, right? But to tell you right now, I don't like you anymore! Sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo! Mag-isa kang gumanti sa kanya, cause I'm not joining you! Cousin ko pa rin siya at mas mahal ko siya, kesa sa'yo!"

Sh#t!!!! Paano ko na magagawa ang mga plano ko? Paano ko na gagawin ang gusto ni lolo? Dapat ba akong magpasalamat sa kanya kasi sya na mismo ang umayaw sa akin? O pipilitin ko pa rin siyang magustuhan ulit ako?

Aaaaaah!!!!! F#%k!!!! 

Papara na siya ng taxi, pero bigla ko siyang hinila at hinalikan. Nagulat siya, nakita kong nanlaki ang mata niya bago ko ipinikit yung sa akin.

=============

Jane's POV

Nagtatawanan kaming lumabas ni Shy sa SUBWAY.

"Asan na daw si Ajhussi?"  tanong ko kay Shy na naghahanap ng phone sa bag niya.

"Uhm. Andito na daw eh." tumunghay siya at nilibot ang paningin sa parking lot. Pero nagtaka ako ng biglang matutulala siya at maibagsak ang kanyang bag sa sahig.

"Shy?!" sabi ko pagkahawak sa kanyang braso. Napalingon ako kung saan siya nakatingin.

O___O That evil Dave Han & her cousin Vej!!!!! Dangit!!! This is too much!

Napatingin ulit ako sa kanya at ngayon, hindi na siya umiiyak, kundi mukha ng pagkamuhi ang nakita ko sa mga mata at labi niya.

Pupuntahan ko sana sila. "Ate Jane, no! Please." I could say she did the right thing.

"Gustong-gusto ko ng upakan yang halimaw na yan eh!" sabi ko pa sa kanya. "Pero tama ka, tara na lang at hanapin natin si Ajhussi."

Nakita namin si Ajhussi at dali-daling pumasok sa kotse nila. Hindi nila kami nakita. Paanong hindi?! Eh busying-busy sila sa kalandian nila!

Nakakadiri! Sobrang nandidiri talaga ako!

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Medyo magulo po si DAVE. :3

please endure his character for a moment!! thanks!

-karen-

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Feb 07, 2014 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Oh My High!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin