"That... Itago mo nalang muna, sa New Year nalang tayo magpalitan ng regalo."

"Hindi naman ako magagalit kung hindi ka nakabili ng regalo eh," inilapit ko sakanya ang regalo pero hindi niya talaga ito tinanggap.

"Just trust me," sabi nito.

"Seryoso, tanggapin mo na," lumapit ako at pininilit pang isuksuk ang box sa jacket niya. He laughed.

"Kailan ka pa naging makulit?" napilitan rin siyang kunin ang regalo. "Sorry, na-delay lang kaunti 'yung regalo ko sa'yo. Isn't it unfair for me to receive this now?" dagdag niya.

"Kailan ka pa naging emo?" pabirong sabi ko. "Regalo naman 'yan Lee, hindi ako humihingi ng kapalit," dagdag ko rin. Napatingin kami sa langit dahil sa isang magarbong firework show mula sa kabilang building.

"This is the best Christmas I ever had. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko and that's the best gift I ever had too. Thank you," niyakap niya ako.

"I may not say this out loud as much as you do but I'm really thankful too. Siguro kung hindi ka o kayo dumating sa buhay ko, nasa isang sulok akong nagce-celebrate ng Christmas mag-isa."

"First installment of Ryan Lee Sanchez's Christmas gift," he caught me off guard by kissing me. Nakakalunod ang pakiramdam. How can you love someone so much in just a small span of time? I wish we could stay like this forever.

Sa dalawang araw bago kami umuwi ay nakasama namin sina Tita at Tito. Kung saan-saan nila kami dinala at 'nilibre'. Ang dami ko nanamang bagong ala-ala kasama sila.

* * *

Ryan Lee Sanchez - POV

Mula sa hotel hanggang dito sa airport ay hindi parin mawala ang badtrip ko. Paano ba naman kasi ay ang daming nakatingin kay Lee.

"May problema ba?" liningon ako ni Lee. Limang minuto nalang ay boarding na ng plane. Bakit parang isang oras ang limang minutong 'yun?!

"Wala," tipid na sagot ko.

"Kanina ka pa hindi nagsasalita eh."

"Wala nga."

"Sabihin mo na kasi. May masakit ba sa'yo? Masakit ba ang tiyan mo?" bulong niya sa huli.

"From now on, don't wear something like that," dineretso ko na siya dahil siguradong hindi niya ako titigilan. Isa iyon sa mga nagbago sakanya, naging makulit at medyo vocal.

"Hindi ko ba bagay?" nawala ang ngiti sa mukha niya. Si Ma naman kasi eh, bakit kailangang mini skirt pa ang iregalo niya sakanya. Idagdag mo pa na nagpa-ayos silang dalawa sa salon kaninang umaga.

"It's not that. Maganda ka na kahit na hindi ka mag-ayos o pumorma o mag-make up. Ang ibig kong sabihin—"

"Hayaan mo, magpapalit at maghihilamos agad ako pagkapasok natin sa plane," tinalikuran niya ako. That didn't come out right. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pinaharap siya sa akin. Umiwas siya ng tingin.

"Naiinis lang ako na maraming nakatingin sa'yo," amin ko.

"Mukhang hindi ko naman talaga bagay eh. Nahihiya lang ako kay Tita kaya sinuot ko siya. Okay, that was a lie. Gusto ko rin namang maging maganda at hindi baduy ang nasa tabi ng infamous Ryan Lee Sanchez."

"Don't change yourself just to please me. I like you the way you are so just be who you are."

"You really have your way with words. Auhm, Lee, you are blushing," ngumiti narin siya sa wakas.

"Mainit lang dito.Umuusad na ang linya," pinaharap ko siya para hindi na niya tignan ang nakakahiyang mukha ko ngayon. I'm always confident with those words but when it comes to her, it feels like I've been saying those words for the first time—I feel butterflies in my stomach. Ang tindi talaga ng epekto niya sa akin ah. Malapit na kami sa unahan ng linya kaya inilabas na ni Lee ang ticket at passport niya. Kinapa ko narin ang sa akin pero hindi ko iyon mahanap.

"Nawian ko yata 'yung passport at ticket ko," umalis ako sa linya at tumabi sakanya.

"Ha? Sige balikan na natin," umalis rin siya sa linya.

"Wait here," pinapila ko siya sa dulo para magkaroon ako ng oras. Sinilip ko ang flight schedules at bukas na raw ang susunod dahil fullly booked ang kasunod ng flight namin. Kung bukas pa kami makakauwi, mawawalan siya ng pahinga at siguradong may jetlag siya sa mismong contest.

"Mauna ka nalang, bukas pa ang susunod eh," binalikan ko siya sa linya.

"Pero..." napaisip din siya.

"Susunod din naman agad ako bukas. Ilang oras lang ang magiging agwat natin. Text or call me when you get home," sumabay ako sa pag-usad niya sa linya.

"Kaya ko naman siguro kaya sabay nalang tayo bukas," alanganing sagot niya.

"Kailangan mo ng pahinga. Ayaw mo naman sigurong matalo sa contest, hindi ba?"

"Susunod ka rin talaga agad?"

"Oo," umusad nanaman ang linya at malapit na siya sa unahan.

"Uwi ka agad ha? Hihintayin kita."

"Yes, I will," dinampihan ko siya ng halik sa noo. Mangiyak-iyak na siya ngayon. Siguradong natatakot siyang mag-isa.

"I love you so much, wait for me, okay?" habol ko sakanya.

"I love you so much too. I'll be waiting," she said confidently. Kinawayan ko siya hanggang sa makapasok siya sa boarding area.

Pagka-alis ng sinakyang eroplano ni Lee ay bumalik ako sa hotel. Tumawag rin kasi sila kanina lang para sabihin na nasa lobby ang passport at ticket ko. Naiwan raw iyon sa night stand sa kuwartong inukupa ko. Napilitan din lang akong mag-check back in ng isa pang araw.

Nasa kalagitnaan ako ng lunch ko nang dumating si Dad. Tumawag si Lee kanina lang na nakarating at nakuwi na siya ng maayos. "There's a vacant seat for this afternoon's flight if you are interested," inilapag ni Dad ang isang envelope sa mesa. Plane ticket ang laman nito.

"Thanks, Dad."

"The flight's in an hour, I'll take you there. You better hurry. Please make sure you have everything you need before leaving," paalala niya sa akin. Tumango ako at nagmamadaling umakyat sa room ko para kunin ang mga gamit ko. Siguradong busy sila pero hinanapan parin nila ako ng oras. This is one of the reasons why they're the best parents!

Ticket, passport, wallet—check. Kinapa ko ang bulsa ng jacket ko at nakahiga ako ng maluwag dahil nandoon parin ang dapat na regalo ko kay Lee. Isa itong silver sterling necklace na may pendant na letter 'L'. It's almost the same with the one I'm wearing right now. Along with it is a small complimentary card with the message:

'I may find a thousand others who laugh the same way, smile the same way and even talk the same way. But I'll never find someone who makes every heart beat worth every thump, rush and every release.'

Hindi ako mapanatag sa buong unang trenta minuto ng flight. Kanina pa kasi umaalog ang eroplano kaya napapahawak talaga ako ng husto sa upuan ko. Dumadagdag pa sa nerbiyos ko ang mga batang umiiyak. Hinihintay ko nga na mag-anunsiyo sila na 'mild turbulence' lang ito pero wala. Sh*t, I think this plane is in trouble. Sa mga sumunod na minuto ay mas tumindi ang pag-alog ng eroplano. Napahawak ako sa necklace ko.

"'Brace—your---self for e--mergency land--ing," paputol-putol ang anunsiyo mula sa namamatay na itercom. Agad akong kumuha ng life vest. Nahagip ng tingin ko ang pakpak ng eroplano na ngayo'y umuusok na. We're thousands of feet above the ground and below us is the calm blue sea. Lahat ay nagpa-panic na. C'mon, this can't happen. Nangibabaw ang takot ko para kay Lee. I can't leave her now. There was crying and screaming everywhere. Napapikit nalang ako at nagdasal habang mabilis na bumabagsak ang eroplano.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon