Tinulak niya ako habang umiiyak sa takot at pagkagulat. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsigaw ng baliw na ako. Nagalit ako sa kanya at hinabol ko sya. Mabagal pa siyang tumakbo siguro dahil na rin sa suot niyang heels kaya naabutan ko siya. Hinablot ko siya sa buhok, ipinasok sa kusina, iniupo at itinali sa isang bangko kaharap aking pamilya.
"Bakit, Aya? Akala ko ba ay gusto mo rin ako? Tatakasan mo rin ba ako?"
May bahid ng lungkot sa aking tanong...
"Baliw ka, Arnold!! Iiwan na kita!! Nakikipaghiwalay na ako!! Ayokong magkaroon ng baliw na boyfriend kagaya mo!!!"
"AKO...... IIWAN MO.... NAKIKIPAGHIWALAY KA NA... BALIW NA BOYFRIEND???"
.
.
.
.
Hindi maaari... Hindi ka aalis... Hindi mo ako pwedeng iwan...
.
.
.
.
Pinatay ko si ina dahil narinig kong sasama na siya sa kalaguyo niya at iiwan niya ako. Sinakal ko siya gamit ang cable ties mula sa mga gamit ni ama. Isinilid ko sa isang malaking garbage bag ang katawan niya sa ilalim ng lumang bahay namin. Siniguro kong walang makalalabas hangin at hindi lalabas ang amoy.
.
.
.
Sila Nanay Caring at Tatay Ando... Pinatay ko rin sila ng malaman kong nalaman ni Tatay Ando na mahal ko si Nanay Caring. Oo. Nagkagusto ako sa kanya. Dahil sa pagkalinga niya sa akin. Labis ang galit sa akin ni Tatay Ando kaya napagdesisyunan nila na mangibang-bansa at iwan ulit ako sa lansangan. Hindi ako pumayag... Sinaksak ko sila ng sinaksak ng isang makalawang na kutsilyo. Paulit-ulit hanggang sa malagutan sila ng hininga...
.
.
.
At sila na mga babaeng nawawala??
.
.
Pinatay ko rin sila kagaya ng pagpatay ko kay Nanay Caring at Tatay Ando.
.
.
Hindi nag-iimbestiga ang mga pulis dahil binayaran ko sila... At tinakot ko na papatayin ko sila kasama ang mga pamilya nila kaya walang nag-imbestiga at nagbanggit sa pagkawala nilang lahat..."
e
BINABASA MO ANG
Habang Buhay at Mahabang Buhay.
Mystery / ThrillerAno nga kaya ang misteryong bumabalot sa likod ni Arnold Julian?
