PANGLIMA

41 3 0
                                    


"TUMAYO KA DYAN 525, titingnan kana ni Sir Andre."

Dahan dahang tumayo Ang babae sa sahig, pinalo ito ng baston ng Isang bantay.

Napaigik Naman si Sandra sa ginawa nito ngunit wala rin syang magagawa kundi Ang pagmasdan sya Mula sa Isang malaking salamin.

Tila araw araw ay nakikita nyang ganito at walang pagbabago. Hindi nya rin maintindihan kung bakit nila ito ginagawa, from a medical standpoint Hindi ito makakatulong sa kanilang pasyente.

Ngunit sa tagal nya rito ay alam nyang wala syang boses at wala rin syang magagawa. Gustuhin nya mang tumulong.

Lumipas ang mga taon ay consistent parin Ang findings ng kanyang mga observation, pero tila ba meron gustong pigain sa kanya Ang kanyang mga nakakataas.

Hindi na lamang sya umimik, ginawa nya Ang kanyang trabaho kahit labag ito sa konsensya nya.

May mga oras na sadyang nagiging agresibo si 525, tulad ngayon. Pinipilit nyang basagin Ang salamin.

Di nya mapigilang mabahala at nagulat sa reaksyon nito, ngunit alam din nyang di nya ito masisira.

Tinurukan ito ng sedative at agad itong nakatulog, isinulat na nya Ang report para ipasa. Tulad ng dati wala itong progress.

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit sya Naruto at patuloy na ginaganito. Sa tagal ng panahon tila ba wala namang kakaiba bukod sa sakit nito sa kanyang mental na kalusugan at malnutrisyon.

Bakit? Bakit ka nandito?

"Hay Sandra, di mo ba napapansin na hindi ito tunay?"

Napanganga sya sa sinabi nito.

Pinatay nya Yung babae, napaatras ako at nanginig. Ito ba Ang dahilan kung bakit? Kung bakit nabuo Ang proyekto noon?

"Oh? Natatakot ka? Okay lang basta Wag ka lang maingay AHAHHAHAHAHHAHAHA!"

Napaupo ako at tiningnan Ang pulso ng babae, wala na itong Buhay. Napatingin ako sa kanya habang nakakaloko ako nitong tiningnan.

"P-pinatay mo sya!"

"Hindi kaya--"

"Papaano-"

"Nakita mo naman na ginawa nya yun sa sarili nya diba? Hay kawawang bata AHAHHAHAHAHAHHAHAH"

Wala akong nakikitang pagsisisi sa mga mata nito  kundi tuwa. Sa tagal ko na syang inoobserbahan walang wala ito sa ipinakikita nya noon.

Ako ay nanginig sa takot, nakita ko mismo kung paano nyq napaniwala Ang babae na patayin Ang kanyang sarili, tila nahulog ito sa isang spell at sinaksak Ang sarili. Paano?

"Pano mo nagawa yun?!"

"Ang alin? Wala naman akong ginagawa?"

"Pinatay mo sya--"

"Sino?"

Napatingin ako sa paligid, naroon parin ako sa gubat nakatali at nakahiga.

Walang babae.
Walang bangkay.
Walang nangyari.

"AHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHAHHAAHHAHAHAHHA"

Tumawa ito ng tumawa Samantalang ako ay naguguluhan. Pinipilit Kong alalahanin Ang nangyari.

Nakatakas ako sa sunog, nawalan ako ng malay at nakita ko si 525.

Wala akong memorya na nasa bario kami at kasama ko sya, walang memorya ng babae na sinundan namin at lalong walang namatay sa pagitan ng mga oras na iyon.

"Doktor Sandraa~ AHAHAHHAHAHA iinom na ba ako ng gamot?" Nakangising litanya nito sakin.

Nag pumiglas ako para makawala, tumawa ito ng nakakaloko.

"Hindi, h-hindi Yun totoo?"

"Antalino mo naman Sandra, baka sa susunod makaya mo nang makawala sa lubid lubid na yan AHAHHAHA" Tinuro nito Ang kamay ko.

Wala itong lubid.

Napaiyak ako sa nangyayari, tila nasiraan na ako ng bait.

"Hala wag kang umiyak!"

Bigla itong lumapit sakin, sumigaw ako at pinilit na lumayo.

"Halimaw- halimaw ka!!" Sigaw ko rito.

"Shh.. Wag lang ganyan kala ko pa naman gusto mo ko. Wag kang mag alala, tunay si Joyce!"

"Sino?"

"Si Joyce."

Nagugulumihanan ako sakanyang sinabi, bakas Ang tuwa Ang mukha nito. Wala akong kilalang Joyce..

"Wala akong kilalang Joyce?"

"Yung babae? Yung ek- eh- patay" Sabi nito na tila nag sesenyas na namatay.

"Tunay sya, Ang mga nakita mo lang ang Hindi." Tumayo ito at lumayo sakin.

May hinahanap sya sa bag nya at patuloy syang nag kwento, "Alam mo sinundan ko sya kanina, natutuwa talaga ako sa kanya hihi" Sabi nito at humarap sakin.

"Tas Sabi ko sa sarili ko, subukan ko kaya kung anong reaksyon mo kung makilala mo sya? Yun nga lang pinatay ko sya sa ilusyon--"

"Nasa ilusyon lang ba ako kanina?"

Tumigil ito sa kanyang ginagawa. Tumingin ito ng diretso sa mga mata ko.

"Oo, kala ko pa naman mapapansin mo kaagad."

Napaawang Ang Labi ko sa kanyang sinabi.

"Ngayon alam ko na Yung pakiramdam mo sa tuwing nakikita mo ako sa loob, sa likod ng salamin!" Sabi nito at lumapit sakin.

Bumaha sa memorya ko Ang mga nangyari dati sa loob ng facility, Ang testing, observation at ginawa nila sa kanya.

"Nakakatakot ba?" Tanong nito at ngumiti. Itinayo ako nito at ipinagpag Ang damit ko.

Wala akong lakas, tila nawalan narin ako ng tamang pagiisip, kinakain na Ang konsensya ko at di ko parin alam kung paano nya ito nagawa.

Hinigit nya ako at nagsimula kaming maglakad.

"Nakakatuwa ba si Joyce? Nakita ko sya kanina, naging inspirasyon ko tuloy sya, sana maging ok Ang batang yun ano?" Bumaling sya sakin, tila nag hihintay ng aking sasabihin.

"Oo." Tanging Sabi ko nalamang.

Hinigit nya ako at lumakad kami pa kanluran, wala na akong alam kung anong oras o araw na ba Mula nung nangyari sa facilidad.

Hindi ko rin alam kung San kami pupunta ni 525, basta alam ko lang ay tila masayang masaya sya.

Kung ito Ang dahilan kung bakit sya ikinulong ng halos walong taon sa loob ng pasilidad, Hindi ko maiwasang kabahan sa gagawin nya sakin at sa iba.

Kathang IsipWhere stories live. Discover now