Prologue

53 5 7
                                        

"You! W-who the hell are you?" Nanginginig na napa atras ang lalaki papunta sa isang sulok ng kanyang opisina. Hawak-hawak nito ang kanina pang duguang braso na patuloy parin sa pagdudugo.

"hihihi h-hindi mo a-ako kilala?" pautal-utal na sabi nito habang patuloy na humahakbang sa kanyang biktima.

Madilim ang paligid, sa labas nama'y pumapatak ang malalakas na butil ng ulan. Aninag ang takot sa mukha ng kawawang magiging biktima. Nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang pawis at dugo. Halos hindi na maigalaw ang kanyang mga tuhod dahil sa pangangatog nito. Di niya alam saan ibabaling ang kabang naramdaman dahil sa pagbabadya ng panganib.

"S-sa Fairytale na buhay k-kailangan p-patayin ng mga p-prinsepe a-ang mga d-dyablo para m-maprotektaan ang k-kanyang P-prinsesa." dugtong muli ng salarin at mabilis na sinakal ang kanyang biktima. "A-anong... t-ama n-aa m-aawa k-aaa" "D-dapat k-ang mabura sa m-mundo namin!!" Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa biktima, Idiniin pa ang kanyang pagsakal.

Pilitin mang kumuwala ng biktima'y wala itong sapat na lakas para labanan ang demonyo sa kanyang harapan. Halos tumirik na ang mata nito ng bitawan siya. Napaubo pa ang biktima na ang buong akala'y tapus na.

Pero hindi pa, hindi pa nakontento ang salarin. Kinuha nito ang isang lubid at itinali sa leeg ng kanyang biktima saka ito binitay sa bintana ng kanyang opisina.

"hihihi a-ayan n-na p-patay n-na a-ang d-dyablo sasaya na a-ang a-aking prinsesa!" masayang sambit ng salarin saka pa pumalakpak. Mabilis din nitong dinukot ang isang papel sa kanyang bulsa saka iniwan sa mesa ng biktima at nilisan agad ang lugar.

Sa gitna ng madilim na gabi walang kamalay-malay ang mga ibang naroon sa malagim na sinapit ng kanilang kasama sa kamay ng taong naniniwalang ang buhay ay parang Fairytale na istorya.Pa'no kung hindi pala yun ang gusto ng kanyang Prinsesa. Paano kung sa kanyang pakikipagsapalaran may babago sa script ng buhay niya na ibang iba sa mundong gusto niya. Mababago kaya niya ang takbo ng kanyang istorya o ipagpapatuloy niya ang nasimulan na.

Almost A Fairytale StoryWhere stories live. Discover now