"Who even told you to let your heart flutter?!"
"I didn't know you are this heartless, I'm too stupid not to notice!"
Grabe umagang umaga eto nakikita ko t.v. Salamat sa pag buo ng araw ko ha?
Kasalukuyan akong nakikipag usap sa t.v. kong, kung hindi iyakan e sapakan ang lagi kong naaabutan. Papaputol ko na nga lang cable ko.
Makapasok na nga!
As usual kumakaripas ako ng takbo papasok sa school. Sa halos tatlong taon na pag stay ko sa school na 'to, isang buwan lang ata don ang talagang nakapasok ako sa room ng wala pang professor. Oo napakasipag mo.
"At talagang Monday na Monday, di mo man lang naisipang bumangon ng mas maaga Shane?"
"Don't me Rianne! Di pako natutulog kakaaral!"
"Wow! Ang galing mo naman!" Napangisi ako.
"Ang galing mo mag sinungaling!" Pero napaaga ata ngisi ko.
"Di mo na ba talaga ako kayang suportahan? "
"Depende, pero ngayon hindi, may event daw mamaya so no classes, half day."
"Bakit di mo agad sinabi?! Talagang hinintay mo pa kong makapasok?"
"Kilala kita! Baka tamarin kana at tuluyang di pumasok."
Aish kelan ba mawawalan ng tao dito sa library? Hindi naman nag aaral lahat! Sabagay di rin naman ako mag aaral.
Ang ingay kasi nila e! Saka ang dami nila. Nakakahiyang dumaan huhu.
Kahit nag rumble ang words sa utak ko, kalmado pa rin naman akong dumaan sa harapan nilang lahat, at syempre maingat, mamaya bigla pa akong madulas mahirap na.
Nakahanap ako ng magandang pwesto sa dulo ng shelves. YES! Mukhang makakastay ako ngayon ng matiwasay.
Paupo na ko sa sahig ng palapag na ang kamay ko sa sahig, di siya malamig. Iba yung feeling, saka bakit tumunog. Parang may nakabukol.
"OH MY GOD. IPIS!" Mabilis pa sa kurap ng mata na napatayo ako.
Pero kahit nakatayo nako, pahid pa rin ako ng pahid ng kamay ko kung san man maabot ko. IPIS SA LAHAT NG MAHAHAWAKAN KO IPIS PA!!
Kasabay ng paulit ulit na pag punas ko ng kamay sa kung saan, ang paulit ulit kong pang apak dun sa ipis na patay na pala. TUYONG TUYO NA SIYA. EWW.
Napakawalanghiya! Bakit hindi siya nalilinis?! Obvious na obvious naman siya!
Hindi mo nga siya nakita e.
Ahhh! Nakakaasar. Nakakainis. Kadiri! Di ako maka get over. HUHU. Anong gagawin ko, ang daming tao sa baggage counter para makakuha ng alcohol!
Biglang may parang lumipad sa gilid ko, grabe yung kaba ko na baka ipis na naman yon, at dahil na rin sa may katangahan ang bawat isa sa atin, sa halip na umiwas ako, pasalo ang nagging aksyon ko.
Muntik nakong maiyak nang maramdaman ko, na nag landing kung ano man yon sa kamay ko.
"Alcohol?" Nilingon ko yung direction na pinanggalingan.
"Mukhang kailangan mo, nakita ko simula noong umupo ka hanggang sa para kang nabaliw diyan, pero naintindihan ko naman, kaya gamitin mo na yan."
Di ko na siya nasagot, mabilis na mabilis akong naglagay sa kamay ko ng alcohol.
"Thank you ha, ayaw ko lang talaga sa ipis. hehe" tumawa ako ng konti para di awkward pero sa palagay ko nag mukha lang akong tanga don.
"Welcome." Ngumiti lang siya ng matipid tapos umalis na. Di ko siya napansin ng umupo ako sa sahig, buti nalang nandyan siya! Whoooo.
"Uy Shane! Ano, tapos kana mag aral dyan?" Hinintay kong umupo si Rianne doon sa pinanggalingan kong space, malas nga lang kasi...
"May nakuha akong table don, may dalawa pang space. Tara!"
Sayang, siguradong gugulong ako kakatawa sa once mahawakan niya yung ipis na tuyo.
"Narinig ko pala kanina sa room, kailangan natin bumili ng madaming ticket ngayon para don sa pageant."
"Na naman? Sana di na sila nangdadamay ng mga walang pake."
"Hindi, kasi yung candidate daw natin ngayon, sure win! Di ko rin alam kasi wala naman tayo nakikitang may potential or something sa department natin pero yun nga siya daw yon, baka may magging champion na daw sa business department!"
"At dapat akong ma excite sa balita mo?"
"Alam mo ang bitter mo---
Napahinto siya sa pag sasalita at literal na nakanganga. Itinaas ko na yung baba niya pero nakafocus talaga yung mata niya sa malayo.
Inisa isa ko yung mga nasa likod ko. Alam ko type neto. Teka wala namang medyo mukhang tao dito—
Hala! Siya ba? "Navy blue polo shirt?"
"Ang ano?" Nagmaang maangan pa si inday.
"Oo type mo, amin na." Tapos kinindatan ko siya.
"Di ko siya nakikita dati e, sang department kaya yan?"
"Ha? E nakita ko na yan dito dati, ano ka ba."
"Ah talaga, sige, ano nga pala yung sinasabi ko?"
Nakita ko na siya dati. Siya yung nagbigay sakin ng alcohol.
BINABASA MO ANG
THEY DO ATTRACT
Teen FictionSomeone does not simply go with someone who they like, but to someone who they are attracted to.
