Two: Parallel Paths

5 0 0
                                        

                                                                        ††††††

"Lady Monique! Buksan mo ang pintuan! Magagalit ang inyong Papa kapag nalaman niya!"

Malakas ang pagkalampag ng kanilang mayordoma sa kanyang pintuan.

"Bahala siya! " pasigaw niyang sagot sa kanilang katulong. Hinagis niya ang unan sa pinto, dahilan upang matakot ang katulong at tumigil sa pagkatok.

Ngunit nawala ang kanyang inis nang marinig ang pagsipol mula sa labas.

"Nandiyan na siya! " buong sigla niyang binuksan ang bintana at sinalubong ng ngiti ang lalaking nasa isang sanga ng puno, katapat ng kanyang bintana. Nakangiti ito sa kanya, habang nakalahad ang kamay at handa siyang saluhin anumang oras.

Masaya siyang umapak sa dungawan at tumalon.

                                                                                        †††††††

****************

"Anak, wala ka bang balak pumasok sa school ngayon? Male late ka na. " rinig ko ang boses ni mama pero di ko magawang idilat ang mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay babaliktad na yata ang sikmura ko.

"Nahihilo ako ma.. " saka ko niyakap ang sarili ko. Nilalamig ako na feeling ko nagsnow sa kalagitnaan ng August.

Naramdaman ko ang palad ni mama sa noo ko. Pinapakiramdaman ang  temperatura ko.

"Ang taas ng lagnat mo. Hwag ka munang pumasok sa school. Tatawagan ko na lang 'yung adviser mo. " sabi ni mama bago lumabas ng kwarto.

Napatitig ako sa kisame. Maayos naman ang pakiramdam ko kahapon. Hindi naman ako nagpatuyo ng pawis, nagpaulan, nagpagod o kung anuman. Kaya bakit parang napakabigat ng katawan ko ngayon?

Para bang tumakbo ako ng pagkalayu-layo at napakasakit ng mga binti ko.

"Anak, maghahatid lang ako ng tanghalian ng papa mo ,ha?"sumilip si mama sa pinto ng kwarto ko. "Nakahanda na 'yung tanghalian mo sa baba. Pero kung hindi mo talaga kayang bumangon, gusto mo bang ihatid ko na lang 'yung pagkain mo-"

"Kaya ko na po, ma. " nginitian ko siya. "Bababa na lang po ako maya -maya, "

Nang makaalis na si mama ay pumikit akong muli. Umiikot talaga ang paningin ko. Gusto kong bumangon pero natatakot akong makapagsuka ako dahil bumabaliktad talaga ang sikmura ko.

Maya-maya ay napagdesisyunan ko nang bumangon dahil naiihi na rin ako. Saka ko lang napansin na may bahid ng dugo ang bedsheet ko.

Kaya pala.

Ganito talaga ako. Kapag may dalaw ako para akong pinapatay sa sakit ng puson na sasabayan ng lagnat at pagsusuka. Complete package kumbaga.

Nagbanyo una ako at nagpalit ng suot.

Napansin kong wala na akong stocks ng napkin. Wala rin akong mauutusan o mapapakiusapang bumili dahil wala si mama. Wala na rin akong load.

Kaya minabuti ko nalang na ako na ang bibili. Wala rin akong ganang kumain dahil isusuka ko lang naman.
Nagsuot nalang ako ng jogging pants at makapal na jacket dahil lamig na lamig talaga ako.
May malapit na botika sa bahay. Sa may kanto pag tawid lang naman. 

Tapos na akong bumili nang may makita akong lalaki sa kabilang parte ng kalsada. Pamilyar.

Tila kidlat na gumuhit sa isip ko ang mukha niya habang nakangiti.

Nakaramdam ako ng matinding sa sakit sa puson ko kasabay ng pagkahilo. Unti-unting umikot ang paningin ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

                                                                                            ††††††

"Hindi ka pa ba uuwi? Baka abutan ka ni Papa. "

Imbes na sumagot at yumakap sa kanya ang binata. Masuyong hinagod ang kanyang mahabang buhok.

Ang mainit nitong kamay ang humagod sa kanyang hubad na likod. Napakagat siya ng kanyang labi nang maramdaman ang nakakakiliting sensasyon at maliliit na kuryenteng bumubuhay sa kanyang mga kalamnan

"Monique, "tiningala niya ang binata at nagtagpo ang kanilang mga mata. Napangiti siya at hinawi ang mga hibla ng magulo rin nitong buhok.
Bumaba ang paningin ng binata patungo sa kanyang mga labi. Sa isang iglap muling naglinang ang kanilang mga labi ng sabik na sabik sa halik ng bawat isa. Dahan -dahang pumaibabaw ito sa kanya. Masuyong nilalakbay ang bawat parte niya, hanggang sa kanyang kaibuturan.

Muli, ninamnam nila at pinagsaluhan ang isang kasalanan.

                                                                                  ††††††

*********
Masakit pa rin amg puson ko nang magising ako. Hindi na ako madyadong nahihilo.
Ang nag aalalang mukha ni mama ang nabungaran ko.
"Naku, bakit ka pa kasi lumabas bata ka? Buti na lang may nakakita sayo at hinatid ka sa bahay. Inutos mo nalang sana sa akin 'yang bibilhin mo. " hindi sermon ang mga sinasabi ni mama dahil napakamalumanay nito.

"Sorry po. "

"O siya, ihahanda ko na 'yung pagkain mo para makainom ka na ng gamot at makapagpahinga. " ani mama bago lumabas ng kwarto.

Pinagmasdan ko lamang ang saradong pintuan. Saka ko lamang naramdaman na may hawak ako sa isa kong kamay.

Isang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na II.

Parang roman numeral na two o dalawang I. Ewan ko rin kung anong ibig sabihin o kung sinong naglagay sa kamay ko nito.



------
Hi!!
Sa mga naguluhan explain ko ha.
Kapag ganito nakalagay (††††††),yun po yung past. Basta, yung mga scenes under the crosses happened from the past. Pasilip lang po yun. Tapos kapag ******* back to the present time. Okie? Alam ko po magulo, just please bear with me. Ipapaliwanag ko rin po ang lahat. Wag pong excited.

Boring ba? Ok lang po maging  honest. I'll appreciate.

Love lots. 

ResurrectedPrincess

Fall DeeperWhere stories live. Discover now