One:Losts Shadows

6 0 0
                                    

Her steps started to grow bigger.

Bumibigat na ang paghinga niya. Ang mabilis niyang mga hakbang ay sumasabay sa bilis ng tibok ng kanyang puso.

Ramdam niya na palapit na nang palapit ang aninong naaaninag niya sa maliit na ilaw na naggagaling sa pinakamalapit na poste. Dinadaga ang kanyang dibdib sa takot.

Hindi niya na kayang maglakad pa. Nanghihina rin siguro ang mga binti niya sa takot at kaba.

Minabuti niyang huminto. Pumikit siya nang mariin at huminga ng malalim. Nagbilang siya ng sampu bago naglakas loob na lumingon.

"Sino ka?! "

Pero wala. Tanging boses niya lamang ang umalingawngaw sa madilim na eskinita.

Napaupo siya sa panlulumo. Noong mga nakaraan ay panaginip lamang. Mga masamang panaginip na bumabagabag sa kanya gabi-gabi.

Bakit pakiramdam niya ay nagkakatotoo ang mga bangungot na iyon?

Pilit niyang pinaalala sa sarili na iwasan na ang pagbabasa ng mga horror stories at panonood ng mga ganoong movies. Nasobrahan lang yata ang imaginations  at kung anu-ano lang naiimagination niya.

Iisipin niya na sanang napaparanoid lang  pero may nakita siyang isang hubog ng isang lalaking tila nagtatago sa mga anino.

Sigurado siyang nakita niya . Hindi 'yun malikmata lang!

********************

*insert(change of POV)mula ngayon first person POV na po *

Masakit ang ulo ko nang pumasok ako sa school kinabukasan. Bukod kasi sa andami kong tinapos na researches, gumulo rin sa isip ko ang nangyari ng nagdaang gabi.'Yung tungkol sa anino. Puyat tuloy ang inabot ko.

Andaming sinasabi ni Sir Salazar pero walang pumapasok sa utak ko. Dala rin siguro ng pagod, para na akong tanga na naiwan ang utak kung saan.

"Pres, bakit tulala ka? " pukaw ni Belldandy sa akin. Siya 'yung medyo maarte na anak mayaman kong kaklase.

"Wala. Puyat lang yata sa paggawa ng report. " ang cold siguro ng sagot ko dahil na rin di ako tumingin sa kanya at nanatiling nakapangalumbaba nang sagutin ko ang tanong niya. Nag 'okay' siya at umalis na.

Nakaidlip ako sa lunch break namin kaya naman nakabawi na ako nang lakas para pumunta sa Student Council hall para tapusin 'yung iba pang preparations para sa school fare.

May kuryente naman pero ipinagtaka ko talaga kung bakit walang ilaw pagdaan ko sa hagdan paakyat ng third floor kung nasan ang meeting room ng student council.

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit kaya awtomatiko akong napalingon. Pero wala.

Wait. Ganitong ganito ang nangyari kagabi.

Bakit lagi na lang feeling ko may sumusunod sa akin pero wala naman pala?

Pilit kong hindi pinansin 'yun.

Wala lang 'yun Eurika.

Napaparanoid ka lang!

Binilisan ko ang lakad ko na para bang may humahabol sa akin.

Hinihingal akong sumandal sa pintuan ng meeting room. Sa sobrang tahimik ng paligid ay dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko na tila tambol sa magkabila kong tenga.

Lumapit ako sa bintana at binuksan 'yun. Sa ngayon ay kailangan ko ng hangin dahil tila kulang na lang ay malagutan ako ng hininga sa takbo-lakad na ginawa ko.

Natigilan ako ng makita ko ang isang lalaki mula sa kabilang building, na nakadungaw sa eksaktong katapat ng bintana ng building na kinalalagyan ko.

Lalo yata akong naubusan ng hangin nang magtama ang mga paningin namin.
Seryoso lamang ang mukha niya. Isang mukhang hindi pamilyar, siguro ay transferee ang lalaking 'yun. Pero hindi ko maipaliwanag ang takot at kaba nang makita ko ang seryoso  niyang mukha, at sa malalalim niyang mga mata. Wala akong mabasang ekspresyon.

Napaatras ako nang umarko ang kanyang mga labi. May kung anong di ko maintindihang nangyari sa katawan ko. Parang nagreact ang katawan ko sa di malamang dahilan.
Parang may kung anong gumuhit sa utak ko.

Mukha. Ng isang lalaking nakatingin ng derekta sa akin at nakangiti. Pero malayo ang mukha nito sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Pero may isang bagay na magkapareho. Ang ngiti.

Pumikit ako nang mariin at inalog ang ulo ko. Baka sakaling mawala sa isipan ko ang mga negatibong iniisip ko.
Pero laking gulat ko nang pagdilat ko ay wala na siya.

Mula sa bintana na dinudungawan niya kanina ay wala nang makikita ,maski anino ng lalaking 'yun.

------

Chapter one done!
Pasensya na at maikli lang siya. Wala e, lutang pa rin si author. Anyway, magsusumikap na akong mag update. Pero di po ako magpapramis ha. Pero susubukan ko po!!

Labya!

Fall DeeperWhere stories live. Discover now