"Di ko alam"
by LM Dela Cruz
Di ko alam,
Di ko alam kung hanggang saan
kung hanggang saan ang kaya ko pa.
Marahil ako, ang akong nagmamahal sayo na tila wala ng bukas ay napatid na.
Pagod na ako, pagod sa katotohanang wala ng patutunguhan to,
Kaya marahil napagal at sumuko na ko.
Sino nga ba naman ako?
Akong naging sandigan mo sa mga oras na di mo alam kung may makakapitan kapa,
Sa mga oras na akala mong tinalikuran ka na nila.
Nais ko sanang sabihin sayong kakayanin mo, na kakayanin natin to pero di ko alam ang sakop ng kakayahan ko.
Pilit tiniis na habang ako ang kasama mo, tila naglalaro sa iba ang isip mo.
Alam ko na ako lang sa atin ang nakakadama nito,
Sino nga ba naman ang hahayaang mahulog sa isang kagaya ko?
Sa isang kagaya kong mas nanaisin pang magsakripisyo bago ang kaligayahan nito.
Ayokong nakikita kang lumuluha pero sino nga ba naman ako para hilinging itigil mo na ito.
Na ako na ang piliin mo,
Na sa mga araw na kasama mo ako, sa iba ang pokus mo.
Lingid sa kaalaman kong sa pagiging laging nasa tabi mo, balikat na lagi mong masasandalan at maiiyakan,
Ako'y nahuhulog, at ngayo'y nasasaktan
Sapat na siguro 'to, para masuklian ang paghihirap ko,
Makita kang masaya, ngumingiti at tumatawa.
Masaya ako sa pinili mo, ngunit mas maatim ko pang ako ang piliin mo kesa sa taong lubos kang sinaktan,
At patuloy kang sinasaktan ng di mo alam.
Sino nga ba naman ako diba?
Na sa nga araw na magkasama kayo abot langit ang ngiti mo.
Sino nga ba naman ako para hangarin na mahalin mo,
Na hangarin na piliin mo.
Masakit at pilit kinakaya, na sa mga bawat guhit na dumadaan sa labi mo, iba ang dahilan at hindi ako,
Hindi ako.
Masakit man pero pipilitin kong umahon
Umahon sa hukay na ako ang gumawa,
Ginawa habang kasama ka, na di ko alam kung kakayanin ko pa,
Kakayaning umahon sa katotohanang mas naging masaya ka ng dahil sa kanya
Mahal kita, ni hindi sumagi sa isip ko na aabot ang pagiging sandalan ko sa pagiging mahal ka
Pano ko sasabihing mahal kita kung ni minsan di mo 'ko nakita,
Na isa lang akong kaibigang laging nandyan para damayan ka
Siguro nga napagod na ko, na hindi na ko nag-aksayang antayin ka pa
Masaya ako na kahit andito ako para sayo, sya at iba pa rin ang pinili mo.
BINABASA MO ANG
Mga Talatang Hindi Naisatinig
PoetryKalipunan ng mga tula, prosa, maiikling kuwento, at iba pa.
