CHAPTER 1

6 0 0
                                        


Akeya Skylar Cryst Pov

Ba't ba laging ang ingay ng paligid? Kulang na lang magsigawan ang mga tao sa isa't isa. Eh! yang mga sasakyan, ang iingay. Busina dito, busina doon!, pwede naman silang di bumusina ha!, kapag traffic o di kaya'y nakastop light yung sign. Hay!!! Magulo talaga ang buhay. Di naman sa bitter ako, di lang talaga sila nag-iisip.

Ting! (Sign na yan para tumawid)

Ba't ba ayaw kumilos ng lalaking yan, kanina pa yan siya sa gitna ng daan.? Nababaliw na ata.

Teka? Umuulan ba???

Sob...sob...sob....

"Heto oh.!!!" Umiiyak pala siya.

"Ano yan?" Tanong niya. Di ba niya alam kung para san at ano ang gamit ng panyo??? >_< Aissssh!!!

"Panyo??? Pampunas sa mga luhang nasayang mo." Hay!!! iwan ko sa kanya.

"Di mo naman kasi alam kung para kanino ko ito inilalaan. Kaya wag mong sabihing nasayang lang ang mga

luha ko." Medyo may pagkadiin yung mga pagbitaw niya sa mga salitang yun.

"Kunin mo na lang ito." Ba't ba kasi di na lang niya kunin.

"Sal....." Pagkakuha niya sa panyo, tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad pauwi.

Hay!!! -_- Sobrang boring at nakakapagod ang buhay ko. Minsan magulo at mas madalas boring. Ewan ko ba.

Akeya Skylar Cryst Castro 17. Simpleng tao, babae, studyante, anak, kapatid, kaibigan at higit sa lahat simpleng may pangarap.

Panganay na anak. Dalawa lang din naman lang kaming anak. Simple lang ang buhay namin.

Kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi mayaman at hindi rin mahirap. Kumbaga sa height katamtaman lang.

Sobrang strict ang parents ko pero nakasanayan ko na. Actually updated sila sa lahat ng nangyayari sa akin, sa buhay ko kahit na sa condo ako nakatira. Kakarating ko nga lang pala sa condo.

Itong condo ko ay birthday gift sa akin ng matalik kung kaibigan sa si Shallane Rose Villa Fuente, parents kasi niya ang may-ari nitong building.

At sa mga gamit ng room, pagkain at iba pa si Mixie Anne Torres naman ang nagbigay. Bestfriend ko rin siya simula nong nagcollege ako. Dalawa lang sila sa maituturing kong kaibigan.

Pagod na talaga ako sa araw na ito. Makapagpahinga na nga lang muna.

zzZZZZzZzZZzZzzzz...........ZZzzzzzZZzzzzZZZZzzzzzzz..............ZzzzzzzzZZZZzzzZZZzZZzz.............


'I was afraid this time would come

I wasn't prepared to face this kind of burden from within

I have learn to live my life beside you

Maybe I just dream of you tonight and if into my dream you'll come

And touch me once again

I just keep on dreaming 'til my hearthaches end.'

Actually ring tone ko yan. Di ko pa pala napapalitan. Teka 9:30 pm nah!!!? Naku di pa ako nakapag luto...

Grrrr...........ggggggrrrrrrrrrrrrr............gggggggrrrrrrrrrrr........ (etshos lang yan ng tunog ng tiyan,,,hehehe)

Patay! Gutom na ako...

"Hello Mix. Bakit?" Buti na lang tumawag to. Hay!!! -_- Gutom na talaga ako.

"Oh My Gosh Besh...May chika ako sayo. Punta ka dito sa Resto Bar.!!! Dali!!!" Sakit sa tinga... Kung makatili naman kasi eh...-_-

"Di ka man lang nag responce sa pagbati ko sayo." -_-

"Sorry. Punta kana kasi dito. Bilisan mo." Nagmamadali lang.? Di man lang niya naitanong kung anong ginagawa ko.

" Pwede mo naman sabihin sa telepono at isa pa, gabi na." Walang kabuhay-buhay na sabi ko.

"Pero besh..!!! Di pwede sa telepono ko lang sabihin. Kailangan personal. Nandito na kasi si Shallane." Pagmamakaawa niya. Di pa naman ako makatanggi pagganito na siya magsalita.

"Kailangan ba talagang nandiyan ako?" Nakakainis. -_-

"Oo naman noh.! Don't worry libre na ang dinner mo. Sasabihan ko na lang si Chief na ipagluto ka nang favorite mo. So??? Okay na??? Sige bye. Punta kana dito..."

Toot...Toot...Toot...

"Teka..." Langya naman oh! Binabaan ba naman ako na di ko pa tapos masabi yung sasabihin ko.

Di nga niya alam kung oo o hindi yung sagot ko. Pero teka...??? Pano kaya niya nalaman na wala pa akong dinner.???

Aiiissssshhhh!!!!.....no choice na rin naman ako....idi pupunta...

Sa Resto Bar

"Buti dumating ka?" Ganda ng bati mo Shallane ha? >_<

"As if my choice ako?" Kung meron nga lang. Kasi itong gagang Mixie na to binabaan ako ng telepono.

"Sky? Ready na nga pala ang food mo." Pagpapaalala ni Mixie sa akin.

"Thanks sa food Mixie ha." Tamang tama gutom na kasi ako.

"Sus, wala yan noh. Alam ko naman kasi na kapag ganitong araw, di kana nakakapagluto kasi sobrang pagod kana pag-uwi." May patapik-tapik pa siyang nalalaman sa likoran ko.

"So, ano ba kasi yang sasabihin mo? Make sure na worth it yan ha? At di masasayang ang oras ko." Kasi kapag hindi, naku malilintikan ka sakin.

"Break na si Stefen at Megan. Whooah grabe talaga. Sobrang saya ko." Puta yan lang ba ang sasabihin niya. May pa sabi-sabi pa siyang "kailangang personal ko sabihin."

"Pinapunta mo ba ako dito dahil lang jan.!!!???" Medjo mataas na ang pagkakasabi ko non. Wag mong sabihing oo, kasi nako!!!! Ewan ko talaga.

"Oo. And because of that. Let's celebrate." Naku naman>_< -_- Masasayang lang ang oras ko nito eh! Eh! Kung itulog ko ito, edi nakapagpahinga pa ako.

"Wag kang tatanggi Sky.!" Nakataas na yong isang kilay ni Shallane. Di na talaga ako makakatanggi nito.~_-

Pagbantaan daw ba ako.

"Ok fine.!" Wala na talaga akong choice eh. Ahhhh.......Nakakainis...-_-


Actually yung pangalan na nabanggit ni Mixie kanina ay ang mga popular sa school namin at sa taga kabilang school.

Mark Stefen Rey Adam, the most popular in our school. Susunod siguro na magmamay-ari sa Adam's Hospital at Adam's Company. Magaling siya sa halos lahat ng sports pero sa basketball siya naging varcity. Gwapo, matalino, mabait, mayaman, at....basta lahat ng katangian na magugustuhan sa isang lalaki nasa sa kanya na lahat. Masasabi mo talagang ang unfair ng buhay. Siguro kung nagpasabog ng blessings si God, nasalo niya lahat.

Megan Moxchien Lim, the most popular Girl in Lim University. Nasa main campus talaga siya. Maganda, sexy, may dating, maarte, suplada kapag nakabangga mo, fashionista, mayaman, sporty rin siya at anak ng may-ari ng school. Marami ang nagkakandarapang lalaki sa kanya pero wala siyang nagustuhan maliban kay Stefen na sikat sa School namin..

Naging sila ni Stefen. I think one year o di umabot sa one year. Di kasi ako updated sa loveteam nilang Merey, Mm, at ewan, di ko alam yung iba eh.

Di naman hadlang kasi yung pagiging iba nila ng school para di sila magkaroon ng relasyon. Actually, pareho lang ang name ng school namin. Magkaiba nga lang ng lugar.

Pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit naghiwalay sila.? Kasi ang pagkakaalam ko, masaya sila sa relasyon na meron sila.

Maybe it happen for a reason.


CHANGESWhere stories live. Discover now