THE HAUNT

678 24 3
                                    

Noong bata pa lang Angel ay nakaranas na siya ng mga nakakakilabot na pangyayari. Hindi nga lang malinaw ang mga ito dahil sa pinilit na niyang kalimutan. Ang tanging naaalala lang niya ay "haunted" siya noon ng isang espiritung hindi matahimik. Napaalis lang ito ng magpagamot siya sa isang albularyo. Simula noon ay tinigilan na siya ng espiritu.

Naging normal ang buhay ni Angel. Nakapag-asawa nang isang mayaman negosyante, si Paolo, at nagkaroon ng isang anak, si Andrea. Nakuntento siya sa pagiging isang plain housewife.

Ngunit makalipas ang ilang taon ng pagsasama ay pilit nang nakikipaghiwalay ngayon si Angel sa kaniyang asawa dahil ilang beses na niya itong nahuling nambababae.

Bitbit ang kaniyang anak na si Andrea na noo'y nasa walong (8) taong gulang na ay umuwi si Angel sa kanilang probinsya, sa Bicol, kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang. Kahit anong pilit ni Paolo na pagsuyo kay Angel ay hindi nito napigilan ang mag-ina.

--------

Simula nang humiwalay sina Angel at Andrea kay Paolo, naging malungkutin ang bata. Gusto niya na buo ang kaniyang pamilya, pero hindi ito mapagbigyan ni Angel. Kaya laging nagkakaroon ng konting away ang mag-ina.

Unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa ugali ni Andrea.

Minsan ay nahuhuli niya itong kinakausap ang sarili at nakikipaglaro. Akala ni Angel ay normal lang ito dahil hindi pa nakakamove on si Andrea. 

Pero tumitindi na ito.

Nang minsan ay sinigawan at pinagmumura daw ni Andrea ang kaniyang lola na si Lola Mameng. Pero nang pagalitan ni Angel si Andrea sinabi niya na hindi niya matandaan na sinigawan at minura niya ang lola. Hindi naniwala si Angel, pinagalitan pa din niya ng todo at sinabing bawal siyang lumabas ng bahay dahil sa ginawa niya. Nagkulong naman ng kwarto si Andrea at nilock ito.

Maya-maya ay maririnig mula sa kwarto ang mga kalabugan. Parang may isang taong nagwawala mula sa loob. Nabahala sina Angel at pinilit buksan ang pinto. Nang mabuksan nila ito ay magulong magulo ang kwarto, pero si Andrea ay nasa isang sulok at umiiyak.

Nilapitan ito ni Angel at tinanong kung siya ang nanggulo at nangalabog ng kwarto. Pero sinabi ni Andrea na hindi siya ang gumawa nito, may kasama daw siya sa kwarto na gumawa nito. Kinilabutan si Angel sa narinig. Pero ayaw niyang isipin na maaaring meron ngang multo sa kanilang paligid. Pero ano nga ba ang katotohanan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The TwinWhere stories live. Discover now