I Believe

26 1 0
                                        

Title
•I Believe
Author
•Eros.Virus

•Hope you like it guys! Enjoy reading 😘


"Mahal.. May ibibigay ako sayo"

"A... Ano yun mahal?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Pumikit ka muna mahal"

agad kong pinikit ang mga mata ko.

"Sige na mahal, idilat mo na ang mga mata mo"

"Ma.. Mahal? Singsing?" Nauutal kong tanong habang unti-unting bumabagsak ang mga luha sa aking mga mata.

"Oo mahal, gusto kitang pakasalan, ikaw ang babaeng gusto kong makasama habambuhay"

At tuluyan ng bumagsak ang mga luha saking mga mata.

Tumingin ako sa kanya at ganun rin sya, unti-unting nagdidikit ang aming mga mukha pinikit ko ang aking mga mata at tuluyang dumampi ang mga labi nya sa labi ko.

Ito na ang pinapangarap ko ang makasal sa taong pinaka mamahal ko, ang sarap isipin na matutupad na ang mga plano namin sa isa't-isa. Ang magpakasal, tumira sa isang bubong, bumuo ng isang pamilya kasama ang mga magiging anak namin.

Patuloy pa rin ang pagdampi ng mga labi nya sa labi ko.

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata nang biglang...

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!"

"Thundeeeer !!!! Waaaaahhh !!!"

Walangyang aso to! Sya pala ang kahalikan ko! Nakakainis! Akala ko totoo na eh, panaginip lang pala asar! Argh!.

"Chu! Chu! Lumabas ka ng kwarto ko! Kaasar ka thunder, basang-basa ang mukha ko ng laway mo!" Pagtaboy ko sa aso naming si thunder.

Hindi pa rin ako bumabangon, nakahilata pa rin ako habang tulala na nakatingin sa kisame, nagiisip-isip.

Sana totoo na lang lahat ng nasa panaginip ko, yung singsing yung mga halik nya. Urgh!

"Kriiiiing!!! Kriiiiiing!!! Kriiiiing"

Pag-alarm ng alarm clock ko, haays... Agad kong pinindot ang alarm clock at sabay bumangon na.

Nakaprepared na ako para pumasok sa trabaho.

"Ma.. Alis na po ako!" Paalam ko sa mama ko.

Habang naglalakad ako di kalayuan ay may nakita akong pamilyar ang mukha.

"S...Sean?"

Si sean nga! Nagiiskateboard sa isang bakanteng lote.

Napatingin ako sa kanya at ganun rin sya sakin. Agad kong inalis ang pagkakatitig ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Lumingon ako habang naglalakad palayo sa kanya. At unti-unting nagbabalik ang alaala ng nakaraan sa akin, di ko namalayan pumapatak na ang mga luha sa aking mga mata.

Flashback
( 4 Years Ago )

"Kuya maawa po kayo sakin, eto po ang cellphone ko kunin nyo na." Pagmamakaawa ko sa kuya na holdaper.

"Akin na pati bag mo!"

"Oh.. Eto na po.. Wag nyo po ako sasaktan." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Sandali.. Yung kwintas mo! Akin na!"

"Ah.. Kuya wag po to' parang awa nyo na, fake po tong necklace ko sa tabi-tabi ko lang to nabili."

"Bibigay mo o bubulagta ka dyan?!" Pagbabanta nya sakin.

"Kuya please wag to'  napakahalaga neto sakin."

"Ayaw mo bigay ha! Etong para sayo!"

Pumikit na lang ako at nagdasal habang hawak-hawak ng dalawa kong kamay ang necklace ko.

I Believe (Short Story)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora