Hinihingal na ako sa pag-takbo ngunit hindi parin ako tumigil sa takot na maabutan ako ng mga taong humahabol sa akin.
Papaliko na sana ako sa isang kanto ng mapatigil ako dahil may humarang sa aking mga motor na para ako talaga ang puntirya.
Dali-dali naman akong tumalikod upang makalayo ng manlaki ang aking mga mata dahil sa isang pulang kotse ang nakaharang sa dadaanan ko.
Para naman akong nawalan ng kulay ng makita ko ang isang lalaking bumaba mula rito na may napakalaking ngisi sa kanyang labi.
Kasunod nito ang napakaloyal nitong alalay na ipinagsindi pa ito ng sigarilyo.
Ng tanggapin,ay bumaling ulit ito sa akin na parang nang-iinis.
"Are you tired sweetie?wika nito na umupo pa sa hood ng kotse nito.
Hindi ko naman nagawang mag-salita dahil narin sa pagod at takot na makita ito.
"Speechless?"Ulit nito.
Pero imbes na sumagot ay tumalikod ulit ako at susubukang makalagpas sa mga motor na nakaharang ngayon sa dadaanan ko.
Kailangan ko ng makatakas lalo't natagpuan na ako ng lalaking pinagtataguan ko ng husto.
Kaya nga lang minalas yata ako ngayong araw dahil natagpuan parin ako nito.
Hahakbang na sana ako paalis na hindi tinitingnan ang lalaking iyon ng may malaking kamay ang pumigil sa aking braso.
Ng tingnan ko kung sino ang may-ari noon ay sumalubong sa akin ang walang emosyon nitong mukha, walang iba kung hindi ang alalay ng lalaking iyon.
"Bitiwan mo ako Zeus"
Mariing sambit ko dito na tiningnan ko pa ng masama.
Pero imbes na matinag ay lalo pa nitong hinigpitan ang hawak na talagang hindi ako makakawala.
"No," matigas na wika nito.
"My Master want to take you with US"at talagang pinagdiinan pa ang salitang US.
Inis naman akong pumalag mula dito.
"A.Y.O.K.O ..hindi ako sasama sa inyo!?"
Sigaw ko.
"Easy ,Sweetie your dense"
Marahas naman akong napalingon sa makapal na lalaking iyon na mukhang kakatapos lang manigarilyo.
"Dense-dense mo mukha mo ,pakawalan mo na ako!
At saka Ayokong sumama sayo! Kaya utusan mo itong alalay mo napakawalan ako ngayon din"
"NO!"at talagang ngumiti pa sa akin ang gago.
Napapadyak naman ako sa inis.
"Anong NO?!, ano bang kailangan niyo?, wala naman kayong mapapala sa akin!" At nagpumiglas ulit ako sa hawak ni Zeus.
Ngunit napatigil ako sa pagpupumiglas ng makita ko itong lumapit sa kinaroroonan namin.
At para namang tumigil ng ilang segundo ang paghinga ko ng bigla nitong ilapit ang mukha nito sa akin at amoy sa hininga nito ang mint flavor na sinagarilyo nito kanina.
Hindi ko rin naiwasang matitigan ang gwapong mukha nitong gusto ko ng ibaon sa limot.
"A-ano ba lumayo ka nga!"asik ko dito buti na nga lang at hindi ako nabulol sa pagsasalita sa kaba.
Nandoon parin kasi ang pamilyar na tibok ng puso ko para dito.
"Hmmm..I still have the effect in you,sweetie hindi ka parin pa talaga nagbabago"
Saad nito.
Iniiwas ko namang mapatingin dito dahil baka hindi ko mapigilang bumigay sa mga mata nitong mariing nakatingin sa akin.
"Anong sinasabi mo diyan wala ka ng epekto sa akin,bwisit ka!?"tanggi ko.
Para namang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ng marahan nitong haplusin ang mukha ko.
Napapikit ako ng mariin para pigilan ang sensasyong lumulukob ngayon sa akin.
Nandoon parin kasi ang epekto sa tuwing ako'y hinahawakan nito.
"Relax ,sweetie wala naman akong gagawin sayo"
Para naman akong nakahinga ng maluwag ng ilayo na nito ang mukha sa akin.
"But....in the other case meron pala"
Napatingin naman agad ako dito.
"Ano yun ?!"
Tanong ko, para kasing alam ko na ang patutunguhan ng pag-uusap na ito.
"Do you know what i said to you when you try to escape?"
Kinabahan naman ako bigla sa sinabi nito.
"You are good in hiding sweetie, BUT 3 months is enough..."
Sumeryoso na ang mukha nito ng tumingin ito sa akin.
"Now that i find you.....
This Chasing are .....
OVER...."
-3mhabl5ck-
YOU ARE READING
Away From Him
General FictionVani was a simple girl and contented of what she have. Pero nagbago ang buhay niya ng makilala ang panganay na anak ng mga Roxx na siyang pinagsisilbihan ng kanyang ina. Meron itong lihim na hindi niya sinasadyang malaman. At kahit pigilan man niya...
