Prologue

56 3 0
                                        

"Ok class dismissed. Prepare for a quiz tomorrow. Goodbye, class."

Nagsimulang magsitayuan ang mga kaklase ko. Iilan lamang ang bumati sa guro dahil naging busy na ang lahat sa pag-ayos ng gamit. Maging ako ay hindi na nagawang bumati. Nakatingin lamang ako sa bakanteng upuan sa third row sa may bintana. Anim na buwan nang wala ang nakaupo dito. Anim na buwan na rin nang huli kong makasama ang best friend ko.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Nag-aalala na ako sa kanya. Ilang beses ko nang nakausap ang mommy niya, si Tita Claire sa telepono ngunit hindi nagbabago ang sinasabi niya. Mari is still going through medication from the past incident. She thinks she still have to rest.

Pero kahit na ganoon, gusto ko parin siyang makita. I miss my friend so damn much.

"Iniisip mo pa rin ba siya?"

Napatingin ako sa nagsalita. "Lizsa..." Dahan dahan akong tumango.

"Alam mo, hindi ko alam ang totoong nangyari pero alam kong babalik siya."

Napangiti ako sa sinabi niya. Transfer student dito si Lizsa kaya hindi niya kilala si Mari.

Si Mari... Blaire Marione De Vera ang totoo niyang pangalan pero tinatawag namin siya sa nickname nyang Mari. Hindi siya nakapasok ng mahigit anim na buwan simula ng start ng school dahil sa isang insidente. Kada naiisip ko ang bagay na yun, hindi ko pa rin maiwasang mangilabot.

Ang babaeng yon...nakakatakot ang nangyari sa kanya. Kaya hindi ko masisisi si Mari kung nagka-trauma siya.

"Mauuna na ako ha? Bye Zea."

Pinagmasdan ko ang paalis na si Lizsa. Ako na lamang ang natitira sa classroom kaya lumabas na rin ako at sumakay ng taxi.

Inihilig ko ang ulo ko sa bintana nang taxi. Mga 20 minutes pa ang byahe pauwi. Inaantok na rin ako--ngunit bago pa ako tuluyang makatulog, nag-vibrate ang cellphone ko.

From: Tita Claire

Zea pwedeng bang dumaan ka dito sa bahay? Naghanda ako ng meryenda

Napakunot-noo ako. Bakit biglang nagyaya si Tita Claire? Nagyayaya lang siya kapag  sabay kaming umuuwi ni Mari. And that's before her incident, six months ago.

Hindi ko alam kung bakit nagdududa pa ako. Gusto kong makita si Mari. Sinabi ko sa driver ang address ng bahay nila Mari at dumiretso doon ang ruta.

Nakarating kami in less than 10 minutes. Agad akong nagdoorbell. Habang naghihintay na pagbuksan ng gate, napatingin ako sa bintana ng maliit na balkonahe sa bandang kanan sa second floor. Sa kwartong yon madalas ako maki-sleep-over--sa kwarto ni Mari.

"Pasok Zea."masayang bati ni Tita Claire. May ano ba? Hindi ko maiwasang mapangiti. Nakakahawa ang pagkahyper ni Tita.

Nakarating kami sa dining area at nagulat ako sa dami ng pagkain. Akala ko ba meryenda lang? Kahit siguro hanggang bukas meron pa nito.

"May ano po Tita? Birthday mo po ba?"hindi ko naiwasang itanong. Alam kong next month pa ang birthday ni Tita but still ...

The Girl Who Cheated DeathStories to obsess over. Discover now