September 13, 2013 Friday.
My 13th Birthday.
Ang petsa. Petsa na nagpabago sa buhay ko. Ang akala kong pinaka magandang regalo na matatanggap ko sa buong buhay ko at sa pag salubong sa pagiging ThirTEEN. Sa pagiging opisyal na pagdadalaga ko, ngunit nagkamali ako. Dahil sa umpisa lang ito masaya. Ngayon na ako'y 16 na.. Nagsisisi ako na napunta pa itong kamalasan na ito saken. Malas nga ba ito? Para saken malas. Malas dahil Friday the 13th pa talaga. Bata pa ako noon kaya akala ko masaya kasi bawat madadaanan kong tao nalalaman ko at naririnig ang nasa isip at mga sinasabi nila ng hindi nagsasalita. Masaya noong una. Dahil hindi pa nila sinasabi alam ko na. Simula ng maranasan ko na ito hindi ko to ipinagsabi kahit sa mga magulang at pamilya ko, Dahil alam ko namang hindi nila ako paniniwalaan. Kahit na kaya ko naman patunayan, Ayoko parin. Paano nalang kung napatunayan ko at naniwala sila? Baka mautusan pa akong gamitin ito sa hindi maganda. Tulad ng mang abuso ng ibang tao. Iniingatan ko lang ang sarili ko dahil baka maging sanhi pa to ng problema. Minsan pinipilit ko nalang manahimik. Kahit alam ko na may mali.
"Ada, Tara pumunta tayong plaza sa bayan! Magaganda daw ang mga display doon may malaking Christmas tree daw! Taraaa" Excited na sabi ng matalik kong kaibigan na si Wendel.
"Andoon ba sila Katie?" Tanong ko.
"Hmm, Wala pa naman. Mamayang gabi palang naman nyan sila pupunta eh. Umiiwas ka na talaga sakanila no? Mag aapat na taon kanang umiiwas sakanila ah? Anong dahilan mo at hindi mo magawang sabihin saken? Matalik tayong magkaibigan di ba? Nag bago ka. Ang laki ng pinag bago mo magmula ng magbirthday ka noong 13th birthday mo. Bibo kapa ng mga bata tayo ah?" Malungkot nyang sabi. Nalulungkot ako para sakanya. Pero ano pa bang magagawa ko eh eto na ko? Ayoko lang ulit maging bibo at makulit katulad ng dati, Ayoko lang na may masabing makakasakit ang iba tungkol sakin dahil sabihin man nila oh isaisip nila malalaman at malalaman ko din. Masasaktan lang ako.
"Wala to wen. Magbibihis lang ako saglit at aalis na tayo. Ikaw? Mag bibihis kapa ba at magaayos?"
"Huh? Hindi na. Gwapo naman ako kahit hindi ako magpagwapo. Sorry, Natural na talaga to e." Hayyy nako! Ang hangin talaga ng Bestfriend ko.
Iniwan ko na sya sa sala at pumunta ako sa malinis kong kwarto. Nagbihis na ako at lumabas. Hindi na kasi ako maayos sa sarili ko eh.
Lumabas nako at nadatnan ko naman si Wendel na tinitignan ang picture frame. Kung saan nasa playground kami at masayang nagtatawanan.
"Miss na miss na kita ada. Yung dating ikaw. Nasan kana ba? Kailan kaba babalik? Yung Makulit. Maarte. Maayos sa sarili. Masayahin. Mapang asar. Sweet. Yung kaibigan kong kasama ko sa lahat ng kalokohan? Hayyyy. Miss kana namin. Ng pamilya mo. Gusto namin alamin kung ano bang problema oh kung may roon mang bumabagabag sayo. Kailangan ko nalang bang tanggapin na wala na talaga? Na hindi kana babalik?" Yan ang narinig ko na nasa isip lang ni wen. Masakit. Hindi ko nanaman sinasadyang marinig ito. Alam ko miss nya na ang dating ada.
