"SWING"

338 0 2
                                    

Maliwanag na maliwanag. Narinig ko na lang na sinigaw ni Allen ang pangalan ko. Bigla na lang may kung anong bumunggo. Malakas, sobrang lakas. May dumaloy na dugo sa mukha ko. Nakikinita ko si Allen pero malabo. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

                Hingal na hingal ako sa aking paggising. Ilang beses na ding parang sirang plaka inuulit ang eksenang ito sa panaginip ko. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at maglinis ng katawan. Isang taon na pala ang nakalilipas matapos ang insidenteng iyon. Kumuha ako ng tuwalya para punasan ang mukha ko at humarap sa salamin.

                ”Bakit kasi sa dinami-dami pa ng mawawalan ng preno, yung sasakyan ko pa? Bakit sa dinami-dami ng maaari kong maging kasama ikaw pa Allen? Bakit ikaw pa? Ako na lang sana mag-isa.”

                Bumalik na ko sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot ng rubber shoes at dumiretso na sa paglalakad. Ganito na lang nang ganito ang pamumuhay ko. Tumigil  na ang takbo ng buhay ko, isang taon na ang nakalilipas. Hinatid na naman ako ng mga paa ko dito sa tapat ng gusaling ito. Kilala ko na nga halos ang mga staff dito at syempre, kilalang kilala na nila ako. Hindi ko alam kung hanggang kelan ang senaryong ito. Kelan kaya ito magwawakas?

                Binuksan ko na ang puting pinto at agad kong nakita siya. Nilapitan ko siya at pinakita ang kunyaring ngiting sa aking mukha.

“Good morning Allen!”

Nais ko sanang kilitiin siya, sigawan siya at kulitin siya para magising ngunit hindi pwede. Madaming tubo at aparato ang nakakabit sa kanya. Nakalulunos siyang tingnan sa ganang kalagayan. Napapagod na ang aking mga mata sa araw-araw na ganyang sitwasyon niya.

“Hoy Allen! Ang pangkal mo talaga. Gumising ka na nga diyan. Umaga na oh. Nangangamusta na si Haring Araw.”

Hinawi ko ang buhok niya sa mukha. Ibang klase talaga ang ganda niya. Hinawakan ko din ang kanyang kamay. Sa ganitong paraan ko na lang hinuhugot ang lakas ko. Nakita ko ang balat sa kamay niya. Napangiti naman ako. Naalala ko nung mga bata pa kami.

“Hoy batang babae, ako naman diyan sa swing. Kanina ka pa diyan e.”

“Ayoko nga. Tsaka, sa iyo ba ito?”

“Hindi.”

“Yun naman pala e. E di maghintay ka hanggang sa magsawa ako.”

“Ang damot mo. Isusumbong kita sa tatay kong pulis at ikukulong ka niya. Hindi ka kasi nagpapahiram ng swing.”

“Tatay mo pulis? Tapos ikukulong niya ko pag hindi kita pinaupo dito sa swing?”

“Oo.”

“E gusto ko pang magswing e at ayaw ko ding makulong. Bata pa ko para makulong. Jack en poy na lang tayo. Pag nanalo ako, aking itong swing at hindi mo ako ipapakulong. Kapag ikaw naman ang nanalo, ibibigay ko na sa iyo itong swing.”

“Game! Jack en--- Teka, may dumi yung kamay mo oh.”

“Sabi ng mommy ko, balat daw yan. Hindi natatanggal.”

“Ahhhhh. Game na uli. Ituloy na natin. Jack en poy, halihalihoy, kung ika’y matalo, ika’y ikukulong. Yes, bato ang sa akin at gunting naman ang sayo. Ibig sabihin, talo ka. Alis na diyan sa swing kung ayaw mong makulong.”

“Oh, iyo na nga ito.”

“Masaya na sana akong noong umupo dun sa swing. Pero nakita kitang umupo at nagmukmok dun sa pinakadulo ng slide. Nakahalumbaba ka nga nun at umiiiyak ka na. Nilapitan kita inilapit ko sayo ang babang parte ng t-shirt ko.”

"SWING"Where stories live. Discover now