CHAPTER 1 "The Homecoming"

26 0 0
                                    

            “Mommy! Mommy! Am I beautiful now?” excited na tanong ni Verdinni. Verdinni Alonzo is her full name and Brinni to her family and friends. Umikot ikot pa sya sa harap ng mommy nya tulad ng ginagawa sa ballet lessons nila. She just turned 11 last week at suot-suot nya ngaun ang mamahaling bestida na regalo ng ninang Carmella nya from Italy. And speaking of ninang Carmella, ang dahilan ng sobrang excitement nya. Ang ninang Carmella nya ang most favorite ninang nya and sya rin ang favorite god daughter nito. Her mom ang ninang Carmella have been the bestest (hehe, super superlative?) friend since time immemorial. Kaya naman sobrang magkalapit ng mga pamilya nila.

Their families are one of the most respected and well known clan in their province in Batangas and she must admit they belong to the alta society pero kahit kailan hindi naging masama ang pagtrato nila sa ibang tao. People from different walks of life are welcome to their mansion kung kailangan ng tulong ng mga ito kaya naman mahal na mahal din sila nang kanilang mga tauhan. Yes, they own a big land where their hacienda is continuously helping a lot of people in terms of livelihood and doubling their wealth as well na ipinantutulong din naman nila sa mga ito.

Well anyways, back to ninang Carmella…..their family is back!!! after 5years in Italy. They migrated there and she thought for good na yun kaya naman ganun na lang ang tuwa nya ng ipadala sa kanya ng ninang nya ang regalo nito ay may kasama itong mensahe na uuwi na raw ang mga ito. She called them up a day after at kinumpirma ang pag-uwi ng mga ito, though they don’t know the reason sa biglaang pag-uwi ng mga ito ay sobrang saya nya dahil magkikita na ulit sila…….

Hahahaha…sino pa? eh di makikita ko na si young hubby, si Zacharias!!!! ; ) (yeah…zakaryas is D pronounciation hehe)

Nakatuwaan ko na xang tawagin ng ganun mula pa pagkabata namin. Young hubby? As in husband? Oo yun nga! Hahaha ganito kasi yon……..

*Flashback 5 years ago*  (sa burol sa hacienda ng mga Elizalde, where young Verdinni and Yuan Zachary “zac” for short, usually play)

Punung- puno ng mga naggagandahang bulaklak sa paligid palibhasa katatapos lang ng tag-ulan that was 2 weeks ago at mas lalong naging maberde ang mga damo. Maganda ang sikat ng araw ng mga panahong yun, may bulaklak ng Calachuchi na nakasipit sa tenga ni Brinni.

            “Engot ka ba! Nakita ko nga kasi sa movie na pinapanuod nina mommy kagabi!” sigaw ng batang si Zac, he was 8 yrs. Old kanina pa sila nagtatalo ni Brinni kung anong tamang seremonyas ng kasal. Naisipan nilang maglaro ng kasal kasalan na ideya nya dahil sa napanood na movie kagabi kasama ang mommy at daddy nya. Kya kunyare sya ang groom at ito naman ang bride, napilitan pa xang mangupit ng singsing sa jewelry box ng mommy nya nakita nya kasi na dapat may ring. Alam nyang bad yun at magagalit ang mommy nya pero sobrang dame na naman nitong rings sa jewelry box nito kaya siguradong di na nito mapapansin yun.

            “mas engot ka!pag daw nagwewedding may priest! Tapos may mga fairy godmothers! Kasi ganun yung na watch ko nung kinasal si Princess Aurora kay Prince…….”

            “ano ba!mas engot ka pa sa pinakaengot! Eh hindi naman to fairytale eh!, akin na yang kamay mo!”

naiinis nang sabi ni Zac at inilabas ang singsing mula sa bulsa ng jumper na suot ngunit itinago nya muna sa likod.

            “Ayoko nga!” nakangusong saad ni Brinni, tila ito anghel, ang natural na kulot na buhok nito na hanggang balikat ay nililipad ng hangin, ang kutis nitong malaporselana na namana sa mestisang ina ay namumula mula dahil sa sikat ng araw kahit pa nasa lilim sila ng malaking puno.

Inirapan pa xa nito, napangiti si Zac dahil ang cute cute nitong tignan, she was 6 yrs. Old at mula magkaisip ang murang mga isipan nila he already knew that she’s the little sister he always dreamt of having. Pareho kasi silang solong anak at halos araw- araw ay lage silang magkasamang naglalaro lalo na ngayon at bakasyon. Magiging grade 2 na sya sa susunod a pasukan.

            “Ang bad bad mo Zacharias!!!, sabi ni mommy princess daw ako kaya dapat may mga fairy godmothers!” sabi nito sa maliit na boses.

Hindi na napigilang mapangiti ni Zac lalo na ng marinig na tinawag xa nitong “Zacharias”. Ewan nya ba sa makulit na toh lageng ganun ang tawag nito sa kanya lalo na pag nagagalit ito sa kanya. Nagsimula itong tawagin xa ng ganun ng minsang agawin nya ang barbie doll nito, inis na inis ito sa kanya.

Nagcmula xang tawagin nito ng kung anu-ano hanggang sa matawag xa nitong zacharias, tuwang tuwa pa ito at ang galing nya daw mag-isip ng pangalan. (hehehe…anung magaling dun?)

            “Eh wala naman kc tlgang fairygodmothers!” sigaw din ni Zac, “Oh!” sabay abot ng ring kay Brinni.

Namilog ang mga mata nito at napangiti..”Wow! ang ganda ganda! Akin na ba talaga to?” nagniningning ang mga mata nito na lalong nakapagpangiti sa batang si Zac.

“Oo sayo na yan…hmp. Wag na wag mu nga lang ipapakita kay mommy….”kunyare ay galit nya pang sabi.

“Huh, bakit naman?wow! ang pretty pretty tlgah kaya lang mejo big” di maalis alis sa mukha nito ang ngiti habang nakatingin sa mga nagkikintabang mga brilyantes sa singsing.

“Ah, basta! Tsaka wag na wag mung iwawala yan, pag nawala yan hindi na tayo mag- asawa forever” nakangiti nang saad ni Zac.

Tumingin sa kanya si brinni at ngumiti ng ubod ng tamis lumapit ito sa kanya at bigla xang hinalikan sa lips. Sandaling sandali lang yon halos hindi nga lumapat, ramdam na ramdam ni Zac ang pamumula ng mga pisngi nya.

            “hala!bakit mo ko ni kiss?!” nanlalake ang mga matang tanong ni Zac.

            “Ayan para mag- asawa na tayo forever! Diba nagkikiss after ng wedding?” inosente nitong sagot sabay humagikhik pa at tila balewalang tumalikod na at nagtatakbo pababa ng maliit na burol. Naririnig nya pa ang hagikhik nito habang naiwan xang tulala hawak hawak ng munting mga daliri ang kanyang munting mga labi. ; )

"SENİ SEVİYORUM"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon