She's the best lola in the world for me .
Saan ka pa makakita ng lola na kahit may sakit sya, nag lilinis pa rin ng bahay ?na kahit anong pilit mo na awatin sya di sya nag papaawat .
Siya yung lola na masayahin,mataray,maasikaso,mapagmaghal at mabait marami pang iba actually ahaha.
Siya yung lola na gigising ng umaga para lng mag luto hindi ka niya papaalisin ng bahay hangga't walang laman tiyan mo .
Pag pang umaga ka
Kung ang pasok mo ay 5am o 6am di ka nya paaalisin ng bahay,hangga't wala pa siyang araw nakikita sa labas ng bahay nyo.O
Kaya naman sasamahan ka nya papuntang sakayan ng jeep o kaya naman tricyle kahit paika-ika pa siya .
basta masegurado lang niya na ligtas kang nakasakay .
titignan muna nya yung plaka ng jeep o kaya ng tricycle na sasakyan mo .tapos titignan niyang mabuti yung mukha ng driver.Hahaaahha
Siya yung mag tatanggol sayo kapag inaaway ka ng mga pinsan mo o kapatid mo .
Siya yung taong laging handa ipaalala sayo na "KAYA IKAW MAG IINGAT KA !.IBA NA PANAHON NGAYON". tapos ako namang itong tatawa-tawa lng .
Kukurutin nya singit mo pag nag lolokohan kayo .
Minsan pa nga naisipan niyang mag tinda ng pizza kasi na bo-bored na daw sya kaya ayun nag tinda kaya ang the end na se-sermunan sya kasi pinapagod nya lng daw sarili nya.
Siyang yung lola ko na handang tumulong sayo kahit anong mangyari kasi MAHAL KA NIYA.di ka niya papabayaan .
LAHAT NG YAN NA MISS KO NA SA LOLA KO !
Kung minsan napapagalitan na ako ng tatay ko kasi di na daw ako umuuwi .
bakit nga ba di ako umuuwi?kasi ako ang nag babantay sa lola ko .na kahit pang umaga ako ayos lng basta mabantayan ko lng sya .kahit puyat ako pag pasok .ayos lng sa akin yun .
pag galing ko ng school di muna ako uuwi nun ng bahay sa ospital agad .ahhaha.kahit pag uwi ko sermon agad ayos lng .
ako lagi ang nag babantay sa lola ko .
pero ONE TIME
Yung bukol sa tyan nya palaki ng palaki na maski doctor di matukoy yung sakit nya .
hanggang sa di na ito na lunasan.nag pa albularyo pa kami nun para matukoy ang sakit nya pero wala din ng yari .kahit ilang beses kami ng pabalik pabalik dun para lng gumaling sya .
pero wala eh ....
HANGGANG SA SINABI NG DOCTOR SA TITA KO NA ANG PARAAN NA LNG PARA MABUHAY ANG LOLA KO AY MACHINE !tapos may sinabi pa sila kay tita na kinaayaw nila .
AT MAY ISA PANG CHOICE ,na ka pag inatake ulet ang lola ko di na nila ito (yung parang i clear basta yun) .kasi pumirma na daw kami sa contrata .
Put* alm mo yung nakakainis?!! yung nakikita mo yung lola mo na gustong gusto pang mabuhay !! iniisip mo na lng na "Sana ako na lng ang nandun kaysa si lola ,sana sana ako na lng " pero wla eh .
Ang sakit sakit na wala kang magawa sa sitwasyon nya .
hanggang isang araw nag decide sya na umuwi na lng .
tapos mga 3 weeks atang nakalipas or 2 weeks lng .
kinagabihan .12pm
Nanonood sya ng t.v kasama anak at amo nya sa ibaba namin .gising pa kmi nun ng kapatid ko .
naririning nga namin syang tumawa eh ang lakas lakas .yung parang wlang bukas ?.ganun.
pero kinabukasan nun
di ko alam na yun na pala ang huli !
naalala ko na nag pabili sya sa akin ng spirite o royal .
ba yun?basta yun.
edi bumili ako .pag kabili ko edi binigyan ko sya nun habang kumakain sya ng lugaw .tas yung tubig nya yung spirite na binili ko .
edi maya maya bigla ng dumating si mama .pag ka dating ng nanay ko .
bigla na lng siyang .......
Namatay .
yung tipong hinintay nya lng na kumpleto niyang nakita ang mga anak nya bago sya nawala sa mundong ito.
pero ang hiling ko lng sa knya sana,sana ayos lng sya kung asan man sya .
mahal na mahal kita lola . :)
the end .
(Mianhae kung magulo)
