Black X 2-1: New Enemy!

4.9K 145 33
                                    

Harvey POV

magandang umaga!

may mas gaganda pa ba sa umaga ko kung sa bawat pag gising ko ay si Ayesa ang nakikita ko? limang taon na rin kaming kasal pero pakiramdam ko ay kahapon palang kami kinasal dahil hanggang ngayon ay masayang masaya parin ako na aking akin na si Ayesa.

Korni ba? 

nakatitig lang ako sa kanya ngayon habang natutulog pa siya, hindi parin nagbabago ang mukha niya, parang hindi siya tumatanda, ang ganda ganda niya parin. Makabangon na nga para ipagluto siya!

ala singko palang ng umaga kaya dahan dahan akong bumangon para hindi siya magising kahit ang pagbukas at pagsara ko ng pinto ay dahan dahan rin. Naglalakad na ako papuntang kusina nang may marinig akong ingay sa sala kaya dahan dahan akong naglalakad para tignan kung sino ang may gawa ng ingay

.

.

dahan dahan ay sinisilip ko kung sino ang nasa sala

.

.

-_-

sabi ko na nga ba!

"ang aga mo naman ata magising?" tanong ko sa kanya

si Cheska, limang taong gulang naming anak

"Dad? mmmm, just doing my  morning routine" simpleng sagot niya saakin at muling balik sa ginagawa niya

kung ano?

nagppractice siya sa pagbato ng dagger! may tatlong human size figurine siyang nilagay sa sala at maraming dagger na nakalagay sa isang malaking box na nasa tabi niya para batuhin dun sa tatlong human size figurine

lumapit ako sa kanya at tinignan yung tatlong human size figurine at tila nag iisip

"wow! gumagaling ka na" sabi ko sa kanya

"thanks dad! " sabi niya at muling bato nang tatlog dagger. saktong sakto ay tumama bawat isang dagger sa noo nung tatlong figurine

"anak ka nga nang mom mo" nakangiti kong sabi sa kanya

"no dad! anak mo nga ako" sabi niya saakin kaya naman napangiti nalang ulit ako at ginulo yung buhok niya sabay alis para pumunta na ng kusina 

"iligpit mo na yan,baka abutan ka pa ng mom mo" sabi ko habang naglalakad at nakatalikod na sa kanya

"haiiiiiii" pag sang ayon niya saakin


now, ano nga bang lulutuin ko para kay Ayesa? lumapit ako sa ref at binuksan ito para tignan kung ano nga bang pwede kong maluto

mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

alam ko na! ito nalang sabay kuha ko ng kung ano mang nakita ko at nag uumpisa na akong magluto nang may magsalita sa likod ko

"dad, bakit gusto mo ikaw nagluluto para kay mom tuwing breakfast?" tanong ni cheska saakin kaya napangiti muna ako bago siya sagutin

"wala lang, masaya lang akong nalulutuan ko ang mom mo" sagot ko sa kanya

"eh bakit siya, hindi ka naman nilulutuan?" tanong niya ulit

"nilulutuan niya rin ako, di mo lang nakikita" sagot kong muli sa kanya

"eh bakit mo nagustuhan si mom? di ba sabi mo dati gusto mo sa babae yung cool?" cheska

"because your mom is cool! the coolest!" sabi ko at tumingin sa kanya kasabay pa ng pagtaas taas ng kilay ko habang nakangiti

Black X - 2 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon