Nagulat ako ng nagalit siya at tawagin pa akong kadiri. Ang arte talaga nang babaeng
yun, siya na nga nakaperwisyo siya pa nagalit?..
Pagbalik ko sa classroom wala pa siya. Asan na kaya yun? Umuwi sa sobrang hiya?
Napansin ko na lang na pumasok siya, nagpalit ng pangitaas na damit. Ang arte talaga.
Naghugas naman ako bago ko siya hawakan huh. Anong palagay niya sakin may sakit na
nakakahawa?? Sa gwapo kong ito?
Huminto siya sa harap ko.
Nilakihan niya ako ng mata.
Kath: Sobrang swerte ko naman ata at naging magkaklase pa tayo. Sarkastiko niyang sabi.
Dj: Pano mo nasabing swerte? Nakukulangan ka pa ba sa nakita mo? Pilyo kong tanong.
Bumakas ang pagkainis sa mukha niya. Kahit galit maganda pa rin ito.
Kath: Hindi mo yata ako nakikilala..
Dj: I know you well kamahalan. Nangiinis kong sabi.
Isang matinding irap ang binigay niya sakin at pumunta na sa upuan niya.
Padabog itong umupo sa upuan niya. Hindi ko alam kuung bakit may saya akong
nararamdaman. Dahil ba naparamdam ko sa prinsesang iyon na hindi lahat ng lalake sa
school na to luluhod para lang pansinin niya? o may mas malalim pang dahilan. EWAN.
SETTING: BAHAY NILA DJ

Nasa kwarto ako at nagreresearch ng maalala ko na hanapin sa facebook si Kath.
“KATHRYN CHANDRIA BERNARDO” tinype ko.
Lumbas ang account niya.
Maganda talaga siya kahit sa picture. Photogenic ang kamahalan. Nilapit ko ang mukha ko
sa screen. Walang kahit na anong kolorete sa mukha, at napansin ko ring hindi nga
nagmemake-up si Kath, hindi tulad ng ibang miyembro ng CHARMS.
SELF DESCIRPTION – I am the princess of the family.
Huh…aminado naman palang spoiled siya. proud pa. kakaiba ka talaga.
Did I say kakaiba???? Ang pagkakalam ko, basta maarte parepareho.
Saktong pagpatay ko ng computer ng may kumatok sa pintuan ko.
Kevin: DJ!!! DJ!!
Ang lakas ng katok parang sisirain ang pintuan ko.
Hindi ako sumagot. Pagod ako sa skul ayoko munang gumala kasama si Kevin; ang pinsan
kong nag-aaral din sa GPM.
Kevin: DJ!!!! Pag hindi mo binuksan to, sisirain namin tong pintuan mo.
Dumagdag na rin pala sila Kuya Matt at Kuya RJ
Napilitan akong buksan ang pinto.
Patakbo silang pumunta sa kama.
Kevin: tol, kaklase mo si Kath?

Sabay bato ng unan.
Dj: So?
Naalala ko na, kaya pala parang familiar ang mukha ni Kath, may picture pala kasi ito sa
wallet ni Kevin.
Kevin: Tol…ang swerte mo!! Ano? Maganda diba? Diba sobrang ganda??? Diba? DIba??
Dj: Ano ba Kevs? Oo maganda. Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?
Iritado kong sabi. Pati ba naman ang mga pinsan ko, nahulog na sa kamandag ni Kath?
Kevin: Sana pala nagaral na lang ako ng mabuti para nakasama ko siya. sabay yakap sa
unan.
Dj: Para kang bading.
Rj: Bakit tol, hindi mo ba type? Tanong sakin ni Kuya RJ
Dj: Eh ang arte arte non eh.
Matt: Tol, sa babae natural na ang pagiging maarte. Parang sa mga lalake, natural lang
maging mayabang.
Kevin: Arte arte ka jan, baka bukas bukas…nililigawan mo na.
Dj: Ako??? Manliligaw sa nuknukan ng arteng yon? Asa!!!
Matt: ASA ka jan…tol wag kang magsalita ng patapos. Baka kainin mo yang mga sinabi mo.
Hindi ako sumagot. Basta!!! Falling for that girl ang isa sa mga huli kong gagawin.

SETTING: BAHAY NILA KATH
Kath: Yaya si Daddy nakauwi na?
Nakauwi na ako sa bahay. Sanay na akong si Yaya Meding na lang ang naabutan ko at
ang iba pa naming katulong. Matagal na naming kasambahay si yaya Meding, actually si
yaya Meding ang nagalaga kay Mommy nung dalaga pa ito. Hindi na rin nakaalis si yaya
kasi before Mom died, pinakiusapan niya si Yaya na to look after us especially ako. Dahil
medyo may katandaan na rin si Yaya, si Ate Lorna na pamangkin na niya ang naging
personal kong yaya. Si Ate Lorna na ang nagaasikaso sa akin kasi si Yaya Meding ay sa
kusina na nakatuon.
Meding: Wala pa anak. Tumawag siya kanina may importanteng meeting lang daw pero
dito magdidinner.
Kath: Ahhhhh
Naabutan kong inaayos ni Ate Lorna ang kwarto ko. Medyo magulo kasi nung iwan ko
kanina bago ako pumasok.
Kath: Ate Lorna, si Kuya Karl?
Ate Lorna: May date daw kasama si Shane.
Kath: Shane? Di ba Louise ang name ng girlfriend non? Sino si Shane?
Ibang babae na naman? Si Kuya Karl na yata ang isa sa mga lalaking pinakamabilis
magpalit ng girlfriend. Kelan lang , sinama pa niya dito sa bahay at sabihin kay papang last
na daw si Loiuse. Tapos ngayon may Shane na? tsk tsk

Lorna: Basta sabi niya Shane daw.
Pagkasabi no’y bumaba ni si Ate Lorna.
Kinuha ko ang laptop ko. Gagawa sana ako ng assignments ng maalala ko ang nangyari sa
school kanina. Pano kong ipagkalat ng mayabang na yon ang nangyari kanina? Igagalang
pa kaya ako ng kapwa CHARM ko? Baka akalain nila pumapatol ako sa isang NOBODY.
Hay…para na akong maloloka. Kathryn Chandria bakit kasi hindi ka nagbabasa???
Magisa lang akong kumain ng dinner. Medyo nasasanay na ako. Si Kuya Karl kasi umalis pa,
si Kuya Kenneth naman puro trabaho ang inaatupag. Si Kuya Ken na ang CEO sa company
ni Daddy. Unlike Kuya Karl, si Kuya Kenneth masyadong strict. Daig pa si Daddy. Yung kotse
ko nga nagasgasan lang ng konti, until now hindi parin niya binabalik. Kailangan matutunan
ko daw muna kung pano magingat at saka niya ibabalik. Mas takot pa ako kay Kuya
Kenneth kesa kay Daddy. Bukod na siya ang panganay, gusto kasi nun siya lang ang
masusunod.
Mas close kami ni Kuya Karl, trip niya, trip ko, pag andyan si Kuya Ken, tahimik kaming
dalawa. Kaya nga ayokong bababa ang mga grades ko eh, kasi ayokong madisappoint si
Kuya Ken sakin. Ayoko minsang malaman niya ang mga kapilyahan ko dahil baka ipadala
na ako sa Europe nun. Ayoko nga dun.

Loving You For No ReasonWhere stories live. Discover now