Chapter 2

959 5 1
                                    

Kathryn’s POV
My last year bilang highschool. Nakakalungkot dahil sobrang saya talaga ng pagstay ko sa
GPM. Sa GPM kasi nabuo ang CHARMS. Isang grupo na binuo pa namin nila Yen at Julia
since freshmen pa lang kami. We accepted Kiray sa group nung second year. Nung una
ayaw pa nga nung dalawa kasi alangan daw pero dahil sa pakiusap ko, pumayag na sila.
CHARMS ang isa sa mga pinaka sikat na group sa school. We can do what we want, and
get what we want! Yan ang motto namin. Lahat pwedeng idaan sa charms. Maraming
gustong sumali sa grupo namin, pero dahil meron kaming tinatawag na “REQUIREMENTS”
yung iba umaayaw na lang. yung iba naman sadyang bagsak sa qualifications. Hindi lang
naman kasi dapat puro ganda, dapat may utak din. Aminado kaming mga spoiled brat
kami, at wala kaming pakealam. Madalas naming makabangga ang grupo nila Sabrina.
Sila yung palaging kontra sa kung anong gusto naming gawin. Si Sabrina ang head ng
research team ng school. Oo, matalino siya – este matalino lang siya. feeling kasi nung grupong yun sila lang ang matatalino at may mabuting intension para sa school kaya halos
mapraning nung manalo ako bilang president ng student council last year.
Hindi ko naman talaga forte ang pagiging leader lalo na for the entire school. Lumaban
lang ako sa student council last year dahil sa panunudyo ng mga kapwa ko charms at dahil
narin para inisin si Sabrina.
Kaklase ko sila Sab. Nung una parang natakot pa nga ako kasi ako lang sa charms ang
nakapasok sa highest section, eh ang B-Club (Brainy Club) kompleto, mamaya kuyugin na
lang ako bigla. 4 years na kaming magkaklase nila Sab pero kahit kelan hindi talaga kami
nagkasundo, sabi nga ni Kiray “INTIMIDERA” lang daw yun.
Aminado na ako, maarte ako. Masungit. Maikli ang pasensya at hindi sanay na wala sa akin
ang atensyon. Ako na lang kasi ang babae sa bahay namin. Prinsesa kung ituring ng Daddy
ko at 2 kong kuya. My mother died when I was only nine. Masakit pero ganun talaga ang
life. Kaya siguro ako sobrang naging spoiled. My father showered me ng over na
pagmamahal, material things at lahat ng kailangan ko.
Kiray: Kath, sino yung kasama ni Sab??
Tumingin ako sa gawi nila.
Kath :I don’t know.
Yen: Baka classmate mo gurl.
Tiningnan ko ulit ang lalaki.
Kath: Hindi ko napansin.

Julia: My face value huh. Nakangiti niyang sabi.
Kiray: spell HOT…pilya niyang sabi
Yen: Tama ka Kiray. Hot nga. Kaso he’s nobody.
Nakatingin pala silang tatlo sa kasama ni Sabrina.
Kath: Agawan pa ba si Sab? Sige kayo, irereklamo na naman kayo niyan.
Marami na ngang atraso samin ang bruhildang Sab na yan, mantahin mo ba namang
isumbong kami sa principal na pinagaaway namin ang mga boys sa buong school? Muntik
ng mapatawag si Daddy..nakakahiya talaga.
Kiray: Ayaw mo non…magiging dragon Sab na naman. Pero tama si Yen, wala pa rin kasi
kahit mas gwapo siya sa Prince Charming mo, hindi naman siya sikat.
Yen: Absolutely. Malayong magustuhan ni Kath yan. Diba Kath?? Hayaan na natin siya kay
Sabrina.
Bigla silang nagtawanan.
Ang mga kaibigan kong to talaga walang pakundangan sa pagsasalita.
Pabalik na kami sa klase ng magpaalam akong pupunta muna sa CR.
Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa bulsa ng skirt ko.
Si Enrique. Napangiti ako. Si Enrique ang prince charming ng buong school. Being his
girlfriend ang dreams ng halos lahat ng kababaihan sa GPM.
Nasa loob na ako ng CR ng may sumigaw.

“Miss ano na ba? Hindi ka ba marunong magbasa ng signage?” bulyaw sakin ng lalaki.
Nagulat ako ng mapagalamang nasa loob pala ako ng CR ng mga ……lalake??????
Ow now!!! Mabilis na itinaas ng lalaki ang zipper ng pants niya, ako naman biglang
napatalikod na lang.
“Ah eh…”napahawak ako sa sintido ko, Nauutal pa ako sa pagsabi.
“Ano pang ginagawa mo? Labas na!” sigaw ulit nito.
Parang sumusobra na yata ito. No one had ever shouted on me – and on my face. At wala
pa ring nagtangka.
Naramdaman kong itinulak niya ako.
Kath: Yuckkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk…get your hands off me!!!
Nagulat ata ang lalake.
Kath: kadiri ka! Kadiri!!Super!!!
Pagkasabi no’y patakbo akong umalis papunta ng locker at nagpalit ng PE uniform ko.
Daniel’s POV
Nagulat ako ng may pumasok na babae sa CR. Saktong umiihi ako. Nagulat ako at
nasigawan siya. nabigla din siya. Hindi siguro niya napansin ang sign sa labas dahil busy ito
sa kakatext.
Si Kathryn Chandria. Ang reyna ng kaartehan.
Nakatalikod siya ng hawakan ko siya sa balikat.

Loving You For No ReasonWhere stories live. Discover now