Chapter 1.a -- First Day

Start from the beginning
                                    

“Edi ikaw na may boyfriend!!!” sabi niya na may mataas na tono ng boses.

“Ako na nga! Haha!”

Christine’s POV

Nagbus nalang kami papuntang LCA. First day namin to kaya medyo kinakabahan pa kaming dalawa sa school na yon. Eh puro ba naman kasi mayayaman ang nandoon eh. Huminto na yung bus at bumaba kami sa kanto kung saan papuntang LCA. Pagkatanaw namin dun sa malaking gate, kinutuban na ako na yun nga yung bagong school na papasukan namin ni Bhes. Pagkatapat namin sa mismong gate…

*o* *o*

Nagtingingan kami ni Bhes bago ako makapagsalita. “Fudge Bhes! Sobrang laki pala ng school na ‘to no!”

“Sobra! Saan naman kaya kinuha ng parents natin ang pangtuition dito?”

“Eh sigurado naman akong afford nila dito no. Edi kung hindi baka wala tayo dito ngayon diba? Tss. Common sense. Haha! Tara! Punta tayo sa cashier para malaman kung magkano tuition dito?”

“Hah! Sige ba! Pustahan pa tayo eh, gusto mo?”

“Sige! Kapag below One hundred fifty thousand, bibilin mo lahat ng gusto ko bukas pag nagmall tayo!” Maghanda ka ng madami-daming pera! Haha! “Oo ba! Pero kapag above One hundred fifty thousand, ako naman ang ibibili mo! Oh, ano? Deal?”

Hindi naman siya masyadong mabili eh. Hindi naman siguro ako mamumulubi sa kanya. Haha. “Deal!

Kinakabahan ako sa resulta pero naglakas na rin ako ng loob na malaman.

“Eto na. Nandito na tayo sa cashier, Bhes. Wala nang atrasan ah?” sabi ko habang nasa tapat kami ng Cashier. “Oo, sige! Hinding-hindi ako aatras!”

Ako na ang lumapit para magtanong dun sa babaeng nakaupo. Nakita niya ako at agad siyang lumapit sa akin at nginitian.

Napalunok muna ako ng isang matindi bago ako nagtanong, “Excuse me, pwede pa ba naming malaman kung magkano tuition fee dito per sem?”

Kumunot ang noo niya at biglang nagkasalubong ang dalawang kilay niya. Mukhang nagalit ata. >.< “Anu bayan! Nag-enroll kayo dito pero hindi ninyo alam kung magkano ang tuition fee??? Eh ano bang course niyo?”

“ECE po.” Sagot ko. Ang sungit naman ni Ate. >.< “ECE? Pag ganoong course umaabot sa one hundred…” ayan na sasabihin na ni Ate! Sana below! >.<

“…seventy thousand.”

O.O <= Ako ^0^ <= Chieni

Nginitian ako ni Bhes, “Salamat po, Ate.” Sabi niya. “Oh pano ba yan, Bhes? Mukhang mauubos baon mo ngayon ah?” sabi niya habang ngiting-ngiti sa akin.

TALO AKO!!! T.T GOOD BYE BAON!

Habang nagmumukmok pa din ako dahil sa iiwan na ako ng baon mamaya lang, bigla kaming may narinig na mga babaeng nagsisigawan sa labas kaya nakiusi na rin kami.

Girl 1: kkkkyyyyyaaaa!!!!

Girl 2: Nandyan na sila!!!

Girl 3: Excited na ako!!!

Girl 4: Yung FEELS ko!!!

“Anyare te? Bat kaya sila nagsisigawan?” tanong sa akin ni Bhes habang pinapanood namin silang nagkakagulo. “Ako pa tinanong mo eh baka nakakalimutan mong transferee din ako dito no.”

Hinawakan niya ang braso ko, “Lapit kaya tayo para malaman natin diba?”

“Sino bang may sabing gusto kong malaman kung anong nagyayari? Haha. Joke. Sige na nga. Tara.” At naglakad na kami papalapit sa mga nagkakagulong babae. Nung nakarating na kami, gusto ko sanang magtanong pero hindi ko magawa dahil sa busy-ng busy silang lahat kakasigaw at nakatingin silang lahat sa may gate. Mukhang may iniintay silang dadating.

Bigla nalang may pumarang kotse sa tapat mismo ng malaking gate ng school. Bumukas yung malaking gate. Yung nakatabi kong guard at yung mga iba pa niyang kasama, biglang naglatag ng red carpet na mahabang-mahaba. Pagtapos non ilatag, nagsitakbuhan na yung mga babaeng kasama namin sa gilid ng red cartpet para makuha ng magandang pwesto. Sino naman kaya yung nasa loob ng kotse na yon at parang napaka-importante. Nung nakaayos na ang lahat, bumukas na yung pintuan ng kotse. Pumuwesto na rin kami ni Bhes para makita namin yung mga taong inaabangan nila.

KKKKKKKKYYYYYYYYAAAAAAAA!!!!!!!!! – mas lalo pa silang naging maingay kaysa kanina.

May lumabas na isang cute na lalaki na mukhang Korean dahil sa itsura at suot nito.

Girl 1: Jacob, ang cute cute mo talaga!!! Akin ka na lang!

Girl 2: Anong sayo?! Sa akin siya no!!!

Narinig ko mula dun sa mga katabi kong mukhang mag-aaway na. Sumunod na lumabas yung lalaking mukhang mayabang na ewan.

Girl 1: Xander!!! Ang pogi pogi mo talaga!!! Bagay tayo!!!

Girl 2: Hindi!!! Mas bagay tayo!!!

Habang naririnig ko ‘tong mga babaeng ‘to, natatawa nalang ako mag-isa. Haha. Sumunod yung nakasakay sa tabi ng driver’s seat. Naka-All black siya na damit pero kapag tinignan mo, parang napakafashionable pa rin.

“Bhes, ang pogi! Shemay!” sabi ko kay Bhes habang kinakalabit siya. Nakapokerface lang siya habang sinasabing, “Okay lang. Pogi din.”

Girl 1: wwwwwwwwaaaaaaaahhhh!!!!!!!!! Matt, iuwi mo na ako!!!

Girl 2: Sama mo na pati ako!!!

At last but not the least, yung driver. Pag kalabas na pagkalabas niya, ang sama na agad ng tingin niya samin. “Baka badtrip siya?” naisip ko habang nakatingin sa kanya. Tas hanawi niya yung bangs niyang kulay black and white. Tall, dark and handsome siya.

Hinila ako bigla ni Bhes sabay sabing, “Yan! Yan ang pogi! Ang pogi pogi niya!” sobrang nakangiti pa siya. “Ops! Asan na yung kanina mo pa pinagmamalaking Munch mo ha? Taksil ka, taksil!” sabi ko nang pabiro. “Che! Asa ka namang ipagpapalit ko si Kevin ko jan no! Pero Bhes, ang gwapo talaga niya!!!”

Tinignan ko yung lalaki ulit. “Hindi naman eh. Mas pogi yung nauna sa kanya kanina. Yung nakaAll Black. Mukha kasing mayabang yang isang yan eh.”

“Ang choosy mo te! Hindi ka naman yummy!”

“Yummy kaya ako! Gusto mo ipatikim ko pa sayo?”

“Ew. No way. Haha. Ang yuck mo.”

Nung nakababa na silang lahat, sabay-sabay na silang naglakad sa red carpet papasok ng school. Para silang nasa isang commercial dahil sa slow-motion na naiimagine ko sa isip ko habang naglalakad sila xD

Girl 1: Zyren!!! Sagutin mo na ako!!! PLEASE!

Girl 2: Mahal na mahal kita, Zyren!!!

“EHEM!!!” Biglang may malakas na nagsalitang babae sa likuran namin kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

“For your information, akin lang si Zyren! At sa kanya lang ako!” sabi niya habang napamewang at nakataas yung isang kilay sa amin.

"Sus, para namang papatulan siya non." bulong ko kay Bhes na parang napalakas ata at narinig ni Princess dahil napatingin siya sa akin nang masama. Nako Lagot. >.< Palapit na siya sa akin…

Tas biglang nagbell.

KKKKKKRRRRRRIIIIIIIINNNNNNGGGGGG!!!!

"Attention, sa lahat ng estudyante ng Louis Christian Academy, pwede na kayong umakyat sa gym para sa opening ceremony. Thank you. Again, sa lahat ng estudyante ng Louis Christian Academy, pwede na kayong umakyat sa gym para sa opening ceremony. Thank you."

“Hay! Saved by the bell!” naisip ko sabay hila sa akin ni Bhes, ”Tara na nga! Baka kung ano pang gawin niyan sayo madamay pa ako!!!”

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Haha... okay ba? First story ko kasi toh eh...

dapat ko pa ba ituloy?

ung picture ung hinawi ni zyren ung bangs niya...

taray diba??? XD

Click niyo ung EL... ung kotse niya nandun

tnx for reading!

&quot;Forcedly&quot; MarriedWhere stories live. Discover now