Prologue:

179 21 11
                                    

"Mom, sa dinami-dami ba naman ng pwedeng puntahan, bakit sa Luneta Park pa? Akala ko ba dadalhin mo ako sa bago kong school?," sabi ko kay Mom. Sabi niya kasi ay lilipat daw ako sa bago kong school, and for the first time, sa isang dorm school iyon kaya naman medyo excited na ako. Di ko naman expected na sa isang ganitong ka-cheap na lugar niya ako dadalhin. Like duh? Luneta Park?!

"Xia Frey anak, nandito na tayo sa school mo. Huwag ka lang masyadong excited, ok? Baka magbago isip ko niyan," sagot sa akin ni Mom at saka ngumiti.

I got shocked nung pumunta siya sa tapat ng rebulto ni Rizal habang hila-hila ang dalawa kong maleta. Lumiban siya doon sa parang pulang harang sa rebulto at as of now, mga twenty steps away na lang siya. Sumunod naman ako since mukhang wala namang may balak manita sa amin. Nakita ko kasi yung guard na kinindatan lang ako.

Tinaas ng nanay ko ang kanyang kanang kamay niya. Tumapat ito sa sinag ng araw and --

Woah! This one is amazing! May hagdan pababa sa rebulto ni Rizal?!

"Handa ka na sa bago mong school?," tanong sa akin ni Mom.

As I step down the stairs beneath Rizal's Monument, alam ko, mababago na ang buhay ko. This is it.

"Welcome to United Institute of Mundanes, where people around here are not angels nor demons. They fight for peace, they fight for freedom," and with that, Mom just disappear.

The Bizarre Mundane Storyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें