I'M INTO HER (Deib Season 3)

Start from the beginning
                                    

Sabi mo pag gusto kita maalala,
Aking balikan saan tayo unang nagkakilala?
Nang marinig ko ang salitang "She died peacefully" sa iyong ina,
Mas lalo akong nawalan ng pag-asa at mas lalong nanghina.

Bumalik ako sa lugar kung saan kita unang pinatid,
Nasa buhay ko ay maraming pagbabago ipinahatid.
Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin,
Dinadalangin ko na ako ay iyong sasalubungin.

Pinilit ko ang magpatuloy mabuhay,
Maging masigla at huwag ng maging matamlay.
Nagkaroon ako ng matinding despresyon,
Mabuti ay nagawa ko pang bumangon.

Sa bawat gabi ay hindi ko alam kung ako'y namamalik-mata,
Pagkat kahit madilim ang anyo mo aking nakikita.
Wala akong paki kahit pa ako ay maulanan,
Alam ko nakita kita sa hindi kalayuan.

Bumalik ang aking lolo at ako ay kanyang binalitaan,
Ikaw ay buhay binawi ang iyong kaparusahan,
Sa una hindi ko alam ano aking mararamdaman,
Limang taon nagawa mong hindi ako balikan.

Dumating ang araw ng iyong pagbabalik,
Tinago ko ang aking pananabik.
Nariyan si Kimeniah na kasama ko parati,
Lalo na nung panahon ako ay nagdadalamhati.

Ramdam ko ang iyong pag-aalangan,
Alam mo ang iyong mga kakulangan,
Tulad ko marami ka ring katanungan,
Hanggang dito na lamang ba ating pag-iibigan.

Iyong nakita mga larawan na aking pininta,
Bumalatay ang sakit sa iyong mga mata,
Dumalo tayo sa isang kaarawan ng ating kaibigan,
Maraming napag-usapan at dito bahagya tayong nagkalinawan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now