"Eh sino ka ba ha?" galit kong tanong sa kanya

"Ako nga pala si Kurt Miguel Martinez" aniya

Siya yung lalaking nasa unahan ko at gwapo rin naman siya, katamtaman ang laki ng mga mata nito, medyo malaki ang biceps, may matangos na ilong, brownish ang mata niya at may pagkamaangas ito at medyo magkamukha sila ng idolo kong si Daniel Padilla na may halong  Enrique Gil

"Hey Kurt. Ako naman si Jasper Mark Villareal o JM at ngayon ka lang ba pumasok?" batid ko sa kanya dahil ngayon ko lang siya nakita dito sa room

"Ah eh oo eh. Kahapon lang ako nakapag-enroll dahil kagagaling ko lang sa France. Doon kasi kami nagbakasyon." sagot nitong may halong yabang

"Nice meeting you, Kurt." sabi kong ganyan habang nakangiti

Nang biglang dumating sina JC at Shane na naghahalakhakan at nakita nilang nag-shashake hands kami ni Kurt.

Umupo na ang dalawa sa pagitan ko at agad naman akong tumahimik.

Recess time na at tinanong ako ni Shane kung sasama ba ako sa kanilang dalawa ni JC. Napatingin ako kay JC at nakita kong nakatingin ito sa akin na parang may awa't galit.

"Ah eh wag na."  sabi ko

"Sige, mauna na kami ni JC. Bye JM!" sabi ni Shane habang naglalakad sila ni JC at biglang nalungkot naman ako dahil parang nagseselos ako. Nagseselos ba ako dahil sa masaya sila habang wala ako o nagseselos ako dahil kasama ni Shane ang kaibigan kong si JC

Nagulat ako nang biglang sabi ni Kurt ng "Lika, recess tayo. Libre kita."

Agad naman akong nakasunod sa kanya habang akbay-akbay ako nito pero may kuryente akong nararamdaman at bigla akong natakot bakit to sakin nangyayari. Ang bango talaga niya at nakadikit ang biceps sa akin na kinakilig ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Dormmate (BoyXBoy)Where stories live. Discover now