Chapter I

1 0 0
                                        

》Prologue《

"Love Conquers all, especially fears"
Ganyan ko gustong ilarawan ang love. Pero hinihila ako ng nakaraan para wag paniwalaan ang katagang iyan.

____________________________________

CHAPTER I


Ako si Alex, mag isa sa buhay at 'eto ako't naghahanap ng bagong apartment. Pinalayas kasi ako sa dati kong nirerentahang apartment. Halos apat na buwan na kasi akong 'di nag babayad. Ikaw ba namang pagsakluban ng kamalasan, 'di ka ba mawawalan ng pag-asa?


Una, natanggal ako sa call center na pinag t-trabahuhan ko kasi palagi nalang daw akong late.
Pangalawa, 'di ko pa nababayaran ang tuition ko sa Unibersidad na pinapasukan ko kaya nahinto ako sa pag-aaral pansamantala.
Tapos, 'eto napalayas pa sa tinitirhan kong apartment. Saan na'ko pupulutin nito?



"Haay buhay!"



Ayan tuloy naisigaw ko ang mga katagang yan habang iniisip lahat ng kamalasan ko sa buong buwan na 'to! Napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada. Nakakapagod kayang bit bitin 'tong mga maleta ko!



"Nakakainiiiiiiiiiiis! Aurghhhh!"


"My God!" Naisigaw ko na naman ang nasaisip ko sa sobrang pagka praning!


"Anong gagawin ko?"


Yumuko ako't sinusob ang buong mukha sa magaspang kong kamay.


"Miss?"


Inangat ko mukha ko upang malaman kong sa'n nanggagaling ang salitang 'yon. At isang matamis na ngiti ang nakita kong naka harap sa akin.



"Bakit, po?" Tugon ko sa kanya.


"Ahh, ening. May problema ba?"


"B-bakit, po?"  Napapaos na'ko dito. Wala pa'kong kain.


"Anong pangalan mo, ening?" Tanong uli ng maamong babaeng kasing edad na sana ng nanay ko.


"Ahhhhh.. mhmmmh.." yan lang lumabas sa bunganga ko.


"Oh s'ya sige. Maiwan na kita."
aalis na sana ang ale nang...


"Ale!" Tawag ko sa kanya. At agad naman syang lumingon sa kinalalagyan ko. Tumayo ako't lumapit sa kanya.


"May alam po ba kayong Apartment na pwedi kong matirhan? P-pansamantala lang po." Pakumbaba kong tanong sa kanya.


"Mhmmmh... oo, ening. Pero..." pinutol ko ang sasabihin niya


"Okay lang po kahit magkano. Basta't may matirhan ako. Kagabi pa po ako palakad lakad, eh. 'Di pa po ako kumakain."
mabilis kong tugon sa kanya at ginantihan nya ako ng ngiti ng pagka mangha.


Tinulungan niya ako sa pag bit bit sa mga gamit ko at sumakay sa pinara niyang taxi.


Habang nasa gitna kami ng byahe'y sumilip silip ako sa bintana ng taxi para tanaw tanawin ang nadaan naming istablisyemento. At naputol ang katahimikan ng nag salita ang ale.

"Anong pangalan mo, ening?" Maamo niyang tanong.


"A-Alex, po! Alex Guillermo."
At kinamay ko s'ya.


"Tawagin mo nalang akong, Manang Tere. Teresita talaga ang pangalan ko. 'Yan kasi tawag nila sa'kin." tugon niya.


Halos dalawang oras naming binabay bay ang kalsada. At isang nakakamanghang tanawin ang bumungad sa'kin...


(Mag papatuloy)

True, Silly JokeWhere stories live. Discover now