Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. "Kaya pala kanina parang ang cold niya noong tumawag siya."



Kumalas siya sa aming yakapan. "Ay hala! Talagang tumawag siya sayo?"



Natataka ko siyang tiningnan. "Bakit?"



"Sabi niya kasi, di daw siya magpaparamdam sayo. Pero pag tumawag daw siya, ibig sabihin....." Huminto siya at malungkot akong tiningnan.



Tinaas ko ang aking kilay. "Bakit nga?"



"Hindi na tuloy yung sorpresa...."



Bigla akong nanlumo sa sinabi niya.



"Uy bes! Okay lang yan. Babawi din sayo yun. Busy lang siguro."


Tinakpan ko ang aking mukha. Traydor na mga luha. Agad agad nalang lumalabas.



---------------------------------------------------------------------------

Maris' P.O.V.


Ano ka ngayon, Loisa? Akala mo maiisahan mo ako ha! Pilit kong pinipigilan ang tumawa dahil umiiyak siya.


Akala ko mabubuking na niya ang plano namin. Buti na lang talaga at nakaisip ako ng paraan kundi talagang patay ako kay Ronnie.

"Tahan na bes. Babawi din sayo yun." Sabi ko sa kanya at kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang sarili kong tumawa.

"Wala na ba talaga siyang oras para sa akin? Palagi na lang niyang iniintindi yang career niya! Eh ako? Paano ako Maris?" Sigaw niya habang umiiyak.


Pilit ko siyang pinapatahan. Naku Loisa! Kung alam mo lang talaga kung anong inihanda ni Ronnie para sayo!


---------------------------------------------------------

Jon's P.O.V.


"Ang dami na nito pare! Halos isang daang rosas na toh ah?" Sabi ko kay Ronnie na kasulukuyang busy sa pamimili ng mga rosas na kulay violet yung kulay. Corny nito.


Kasalukuyan kaming naghahanda para sa sorpresa niya kay Loisa. Sobrang pinaghahandaan niya toh at sobrang laki na ng nagastos niya. Ramdam na ramdam ko talaga kung gaano niya kamahal si Loisa.

"Kahit gawin ko pa yang isang libo Jon. I don't mind. Para sa kanya toh."



Oh edi sila na nga ang inspired.


Naplanuhan naming mag stay sa isang hotel mamaya at magaganap ang sorpresa ni Ronnie sa mismong rooftop ng hotel. Nagbayad pa siya sa isang piloto ng eroplano para lang mailagay sa langit yung mga katagang "I LOVE YOU" todo effort talaga ang mokong. Sobrang daming ballooons. Isang daang rosas at isang life-sized teddy bear. May kwintas pa siyang binili na may pangalan na "Baby"


Grabe diba? Kung ako tatanungin, di ko kaya yung mga pinaggagawa niya. Bukod sa hassle, malaki pa gastos. Sorry naman kung medyo kuripot.


Nag-iipon lang para sa future namin ni Maris. JOKE! Joke lang po!


----------------------------------------------------------------------

Loisa's P.O.V.


Alas syete na ng gabi at nagmumukmok pa rin ako sa kwarto. Di ko siya tinawagan at di rin ako nag text. Ganun din naman siya.



Grabe lang talaga.

IKAW NA NGAWhere stories live. Discover now