Chapter 45: A New Start

174 4 2
                                    

a/n: 5 more chapters to go, and everything will end na po! Huehue. Ayaw ko man pero kailangan nang tapusin 'to eh. I just really have to finish this.. everything. Charaught! Basta po, eh sa gusto ko lang tapusin na agad eh. HAHA!

So yun nga. Please po, pa-vote and comment! Kung ayaw niyo namang mag-comment, edi vote nalang! Kung ayaw niyo mag-vote, EEEEEEHHHH! PLEASE? Hahaha *insert puppy eyes here*

===========================

RYN BERNARDO's POV

January 5, 2020.

Yes! Panibagong taon nanaman ang naghihintay para sakin! Para sa isang magandang babae na katulad ko!

Joke, hahaha.

Naaalala niyo pa ba yung nangyari sakin, samin, nung bago matapos ang taon? Last year?

Yung magkakasama kami sa Myrtle Beach (SEE CHAPTER 44: Flashback To Her Childhood; Secrets Revealed), tanda niyo pa ba yun guys?

Kasi ako,

OO!

WAAAAAAAAAAAH! Grabe lang talaga yung experience ko dun sa lugar na yun!

*flashback last year*

After nung makabag-damdamin kong pagsalaysay ng kwento ng buhay ko nung bata pa ako, bigla nalang ako napaupo sa buhanginan at tsaka humagulgol sa iyak.

Alam ko namang lahat sila doon ay gulat na gulat.

Pwera nalang sa pamilya ko.. sa mga kaibigan kong sila Julia, Kirah, Lexi.. kay Kuya Neil.. kay Albie.. at kay Gil.. pati narin pala dun sa iba pa na kasama.

Yep. Oo, alam ni Albie at Gil ang kwento ng buhay ko.

"Kaya nga po lahat ay ginagawa ko para walang makabanggit ng pangalang Kathryn sakanya." sabi ni Albie. "Kahit na pa-ganto ganto ko lalo na sa tuwing pag nandyan si Chandria, pinoprotektahan ko parin siya."

"Para sa hindi pa rin po nakakaalam, isa rin po ako sa mga nakakaalam ng totoong storya ng buhay ni Chandria. Isa rin po ako sa mga nag-iingat at nagpoprotekta sakanya sa kung ano mang maaaring magpahamak at magbigay ng sakit sakanya." sabi naman ni Gil pagkatapos magsalita ni Albie.

"Si Albie.." sabi ni Papa. "Siya kasi yung kauna-unahang bestfriend ni Chandria." tumingin siya sakin, at tsaka siya tumingin kay Khalil. "Kahit na ganyan 'yang bata na yan.. na lagi nalang iniinis o ginagalit ang anak naming si Chandria, eh alam kong he's just doing it for the sake of her."

"Sa katunayan nga po, nung nalaman ni Albie noon nung mga bata pa sila na nangyari nga kay baby princess yung aksidente, dali-dali siyang tumawag sa phone ko. Nakakatawa nga eh kasi hindi ko alam kung saan niya nakuha yung phone number ko. Tapos nagpupumilit siyang pupuntahan daw niya si Chandria sa ospital. Pero syempre, bilang privacy narin ng pamilya namin at lalo na ni Chandria, hindi ako pumayag. Nagtampo pa nga siya nun eh, pero bigla nalang niya kong binabaan ng telepono. Pagkatapos nun, hindi na siya ulit tumawag. Haha!" kwento naman ni Kuya Kenneth sakanila.

"Tapos nung nandun na kami, ayos na lahat, nagamot na si baby princess and et cetera, naghihintay nalang kami ng nurse na magaasikaso sakanya. Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Chandria. Pagbubuksan na sana ni Kuya Ken kaso bigla kaming nagulat dahil bigla itong bumukas at may nagtatatakbong batang lalake ang pumasok at tsaka dumerecho sa kama ni baby princess. And guess who guys?" pinapahula pa ni Kuya Kevin sa mga tao, haha!

(REVISING) IKAW?! BAKIT IKAW?? BAKIT SAYO PA!?Where stories live. Discover now