Sobrang ingay ng patak ng ulan sa bubong namin kahit dito sa loob umulan na din nakasahod lahat ng timba, palanggana at tabo
sabi kasi ni mama next week pa mapapaayos yung bubong pero dahil sa climate change na yan kahit hindi pa tagulan umulan na naman at malakas pa.
kkkrriiissshhh.krikiyicckkk.dugdurudgdug!!!!
tunog ng kulog at kidlat yan
ehemcreakhmmnn
yuck!!!
plema yun may sakit kasi yung pusa ko si Blue eyes
paano kaya ako papasok nito? scholar ako at di pwedeng aabsent absent lang, pero malayo ang school at tiyak na baha sa dadaanan...haayyy
bumangon na ako mula sa pagkakahilata magdadala na lang ako ng payong at extrang damit para di mabasa ang uniform ko
5:00 am
sasakay pa ako ng bus after maglakad ng almost 500meters tapos saka pa ko makakarating ng school.
nageenjoy ako sa panunuod ng pagtalsik ng tubig mula sa mga water puddles na tinatapakan ko ng may maramdaman akong mabilis na dumaan sa gilid ko.
nagulat ako pero ang mas matindi nabasa ako ng sobra haayyy malas.
wala naman akong magagawa ang bilis nyang magbike pero sa tingin ko pareho lang kami ng distinasyon
inhale exhale
hinipan ko na lang ang bangs ko ang sabi nga hindi nakakaganda ang pagiging nega
nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating na ko sa school , konti lang ang students pero wala akong pakialam dun basta makarating ako sa first class ko on time.
krriiiinnnggg!!!!
napatakbo ako papuntang 3rd floor dahil doon ang ang first subject ko at malas na naman
may nakabangga pa ako sabay kasi kaming papasok mula sa magkaibang direksyon at parehong tumatakbo
at dahil ayaw kong mapahiya tumayo agad ako at pumunta sa upuan ko samantalang yung lalaking nakabangga ko eh slomo pa
kaya ayuun
Prof: ok mr.kim dyan ka na lang sa labas mukhang wala ka talagang pakialam sa bell natin ah
ayun nagklase na ang matandang dalaga naming prof
kung sino man sya kawawa naman sya , napasilip ako sa bintana at nakita ko sya na nakasandal sa pader nakalagay ang isang kamay sa bulsa tapos yung isang braso nya nakabaliktad at nakatakip sa mga mata nya while head up high
napalingon naman ako sa kanan ko kung nasaan ang bintana
kamusta na kaya sina mama at papa wala pa ding tigil ang ulan
walang tigil ang ulan???
lumingon ulit ako sa kaliwa kung nasaan yung lalaki at hindi ko na sya nakita
basta ang naririnig ko lang ay ang pagpapanic ng mga roomates ko.
VOUS LISEZ
Rainie
NouvellesAppreciate even the smallest things, because there starts our dreams seems so big.
