"Wala ka bang balak kausapin ako? Nakakapagod kaya magdrive. Tapos ikaw paupo upo ka lang djan tapos di mo pa ko kakausapin!" Sunod sunod nyang sabi nang hindi tumitingin sakin. Napatawa na lang ako sa inaasal nya. So childish yet so lovely.

"Ano? Titigan mo na lang din ako? Wala kang naitutulong ano?" Ang init naman ng ulo this gurl.

"I was about to ask something nung nagsalita ka eh. So pano ko makakapagsalita diba?" Naalis naman yung kunot sa noo nya.

"Oh ano ba itatanong mo?" Malumanay nyang sabi. Nagpipigil ako ng tawa dahil hindi ko alam kung ano kalalabasan pag sinabi ko sakanya to. Knowing na mabilis maginit ulo nya.

"Alam mo bang ang cute mo pag nagsusungit ka? Mas lalo tuloy akong naiinlov--- heyyy slow down!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang syang nagbreak. Mabuti na lang at nakaseatbelt ako. Kundi paktay na.

"Alam mo Bea kung gusto mo pa lumabas sa kotseng to ng buhay tigil tigilan mo ko sa mga paandar mo!" Inis nyang sabi at tinaas ko na lang ang dalawang kamay ko showing na suko na ako. Bumalik na uli sya sa ayos para makapagdrive ng uli.

"May trabaho ka ba Jho?" Tumingin naman sya sakin at umiling.

"Wala. Bakit? Aalukin mo ba ko ng networking? Hahahaha" Hala? Nagulat na lang ako sa halakhak nya at napatingin sakanya. Ang ganda nya nga. Indeed. She's beautiful kahit na wala pa syang gawin.

"Baliw hindi. Napansin ko lang parang wala kang pinagkakaabalahan. So pano yung mga gastusin mo? Si ate Ella ba nagpro-provide sayo?" At muli syang umiling.

"No. My parents left me with tons of money. Pero baliwala lang yun kung hindi sila ang makakasama ko para magastos yun." Halata ang lungkot sa boses nya.

"Asan ba parents mo? States??" Ngumiti naman sya ng malungkot. Okay pinapanindigan ko na talaga na gusto ko syang makilala ng lubos. So Im trying to be chismosa. Hihi

Tumingin sya sa langit bago sya nagsalita. "My mom and dad died in a car accident. At ako lang yung katangi tanging naligtas. Ewan ko ba kung bakit pa ko naligtas kung ganto lang din naman sasapitin ko sa buhay ko eh." Mejo nagcra-crack na ang boses nya but she managed not to show it off.

Nalungkot naman ako para sakanya. Nawalan na sya ng pagasa sa buhay. And kaya nandito ako, para alisin lahat ng negative sa buhay nya. Gusto kong tulungan si Jho.

"Andito na tayo. Lets go!" She said as she break the silence. Lalabas na sana sya ng pigilan ko sya.

"Wait up. Hintayin mo ko dito okay?" Di ko na sya hinintay sumagot at lumabas na agad ako at nagmadali pumunta sa side nya. Baka hindi ko pa magawa sakanya ang gusto kong gawin.

Binuksan ko na yung pinto ng kotse nya at inalalayan sya sa paglabas. Pero imbis na ngiti ang makita ko, knowing Jho? Hampas ang inabot ko. Hahaha. Ano pa nga ba? Jho yan eh.

"Ikaw lagi mo ko pinapakaba sa mga pinaggagawa mo. Akala ko lagi kang may kung anong gagawin." Napangiti naman ako dun.

"Simula ngayon Jho, pwede bang masanay ka na?" Seryoso kong sabi sakanya. Agad naman syang napaiwas ng tingin.

"B-b-bakit naman?" Uy natetense. Haha cute.

"Kasi..... gusto ko maging kaibigan mo." Whoo. A relief. Bakit nahirapan ako sabihin yun? Sa totoo lang its so easy to say those words.

"P-parang bestfriends??" Sabi nya habang nakayuko. Sasagot na sana ako ng magsalita syang muli.

"Gusto mo ba talaga pumasok sa buhay ko?" And she release a beautiful smile.

"Kung papayagan mo ko." Hindi ko na mapigil ang sarili ko sa pagngiti.

Pero nagtaka ako bakit sya nauunang maglakad ngayon. Iwan ba naman ako. Sinundan ko lamang sya ng tingin habang papalayo sya sakin ng huminto sya sa paglalakad.


"Anuna? Pano ka makakapasok sa buhay ko nyan kung hindi ka kikilos djan?" Nakangiting inilahad nya naman ang kamay nya para sakin.

Napangiti naman ako dahil dun at dahan dahan akong lumapit sakanya para iabot ang kamay ko sakanya.

Magkahawak ang kamay namin habang papasok sa Carnival.

"Ang ganda padin talaga dito. Iisa lang ang nagbago." Amaze nyang sabi.

"So nakapunta ka na pala dito?" Takang tanong ko sakanya.

"Obvious ba Bea? Mas slow ka pa pala sakin." Natawa naman ako sakanya. Pero ano uli sabi nya? Iisang nagbago?

"Jho? Ano naman pala yung iisang nagbago dito sa Carnival na to." Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nya at dahan dahan na yumuko.

Lumapit ako sakanya at dahan dahan kong kinapitan ang muka nya para iangat ang tingin sakin.

"Okay lang Jho kung hindi ka pa handang pagkatiwalaan ako. Basta andito ako at gagawin ko ang lahat para pagkatiwalaan mo ko......


Because the people who want to stay in your life will always find a way."

Nakita ko naman ang pagtulo ng luha nya ngunit madali kong pinunasan ang mga yun. Ayoko sa lahat may nakikita akong babaeng nasasaktan.

"Tara na. Hindi ka na dapat nagsasayang ng luha sa mga walang kwetang bagay. Enjoyin natin to Jho!" Agad naman syang tumango at ngumiti.

"Good girl." At ni-pat ko yung tuktok ng ulo nya. Agad nya naman inalis yun. Nainis siguro.

"Ano ka ba. Pat ka ng pat sa ulo ko. Ginagawa mo kong aso nyan eh. Tapos sinasabihan mo pa kong cute. Cute parang dogs ganon?" Patawa tawa nyang sabi. Natuwa naman ako sakanya.

Minsan lang sya ngumiti pero pag ngumiti na sya napaka genuine naman.

"Cute ka naman talaga. Pag nagsusungit. Pero kapag ganyan ka lagi, ang ganda mo na." Nahiya naman si Jho kaya tumalikod. Kala nya di ko napansin yung pamumula nya.

"Tara na sa mga rides Bea!" At hinayaan ko na syang hilahin ako papunta sa mga gusto nyang rides.

---------

HANGER HAHAHA. Sorry sa mga error chong! ENJOY READING 😙

-ETUCNESS

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now