"Ma, that's not a big deal...."

"Oh, For sure, matutuwa ang Papa mo at si Renato sa balitang yan!" masayang sabi nito.

"Ma, tell me. Bakit kailangan kong pakasalan si Clover? Knowing that arch rival natin sila sa business."

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Nalulong sa sugal si Renato Araullo. Siya lang at ang asawa niyang si Clarissa ang nakakaalam na papunta nang bankruptcy ang negosyo nila. In order to save the family business, nag-propose siya sa Papa mo na mag-merge na lang ang dalawang kumpanya. Nakita naman ng Papa mo ito na isang way para makapag-settle down ka na. Hindi lang sa pag-aasawa kung hindi para mag-stay ka na din dito sa Pilipinas."

.

.

I WOKE up late kinabukasan. Hindi ako agad nakatulog sa nalaman ko. Aaminin ko, I am attracted to Clover already. Kung noong una kong narinig yung idea na ipapakasal ako ni Papa kay Clover Araullo ay ako din ang unang umapela, this time, nakakapagtaka man, ay parang unti-unti ko nang natatanggap. The moment I saw Clover face to face, there was this feeling that I want to own her.

Nakakatawa! Mukhang unti-unti ko nang kinakain ang mga sinabi ko noon. Karma ko yata si Clover Araullo.

No. Clover Denisse Araullo bewitched me!

Pero base sa kuwento ni Mama ay wala pang alam si Clover sa nalulugi na nilang negosyo. So, most probably wala pa din siyang alam sa kasunduan ng dalawang Padre de Pamilya. I wonder, paano niya tatanggapin ang balita? At sabi niya, may boyfriend na siya? Totoo kaya? O gusto lang niya akong inisin kaya niya sinabi yun?

Kung dati ay kailangan kong mag-isip ng strategy kung paano makakaiwas sa pagpapakasal kay Clover, ngayon naman kailangan kong makapag-isip ng strategy kung paano ko susuyuin si Clover.

Hindi ako makalapit sa kanya na hindi siya nagsusungit sa akin. Bakit ba kasi kahit kaibigan lang eh hindi ko pinansin si Clover noong High School kami? Eh di sana hindi ako nasusungitan ngayon!

Napabuga ako ng hangin. HIndi ko nga siya type. Sino ba naman ang magkaka-interes sa isang patpatin?

Bigla kong naisip. Kaya siguro masungit sa akin si Clover kasi alam niya ang karakas ko since High School. Somehow, alam niyang hindi ako nagse-seryoso sa mga babae at puro flings lang ang mga relasyon ko noon. Kung matatawag ngang relasyon iyong mga yun dahil araw lang minsan ang tinatagal namin ng mga babae sa campus.

Napabuga ako ng hangin. Minsan lang ako tamaan ng pana ni kupido, masalimuot pa! Mukhang ito na ang karma ko sa mga kalokohan ko.

NGAYON dapat yung plano kong araw ng alis ko. Pero nandito pa din ako sa San Pedro sa bahay ng mga magulang ko. Plano kong mapasagot muna si Clover at saka ako babalik sa Canada. Maybe I can pursue her to join me there. Mahirap na. Baka mamaya may umaswang pa sa akin kay Clover dito sa Pilipinas!

I opened my laptop looking for emails from the office. I found five emails and replied. The last one is asking me to return to work immediately.

No way!

Parang hindi ko na kayang umalis dito sa Pilipinas. Feeling ko a part of me will be left here pag umalis ako. Binuksan ko uli ang facebook ko. Hinanap ko si Clover. Wala naman siyang recent activity.

Stalker!

Natatawa na lang ako sa sarili ko. Kinuha ko ang cell phone ko. Pero bigla akong may naalala.

Damn! Di ko man lang nakuha ang number niya kagabi. Hay....

Nang bigla kong maalala si Adam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MADRIGAL SERIES: In Love with a Witch MS#1 Book 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now