"Love that! See you in a bit!"
Oh yeah! Pupunta dito si Mia at manonood kami ng Star wars!
Agad kong nilinis ang bahay at gumawa ako ng Nachos.
"Hey buddy, may ipapakilala ako sa'yo mamaya siguradong matutuwa ka sa kanya," sambit ko kay Pogi.
Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Siyempre dapat pogi tayo.
Pagkatapos ng isang oras ay dumating si Mia sa bahay ko.
"Nice! Ang laki ng bahay mo ah. Ikaw lang nakatira dito?" Tanong ni Mia.
Ang simple niya. Naka blouse lang siya na orange at naka white pants pero ang ganda niyang talaga. Para siyang another version ni...
"Nope! May kasama ako." Kinarga ko si Pogi at ipinakita ko sa ito kanya. "Meet my best bud, Pogi."
"Hala ang cute niya! Baka nangangagat siya ah? Takot ako sa aso eh."
Seryoso? NBI agent pero takot sa aso?
"Mabait 'to. Trust me." Kinuha ko ang kamay ni Mia at ipinatong ito sa ulo ni pogi.
"Hello Pogi. Don't bite me please..."
Hinimas niya ito at dinilaan naman ni Pogi ang kamay niya.
"Mukhang gusto ka niya a," sambit ko.
"Ang cute naman niya. Bakit pogi ang name niya?"
"It was just a sarcastic joke. Kulobot kasi mukha niya at laging nakasimangot. In other words, panget talaga siya. Just to compensate lang talaga kaya Pogi name niya."
Natawa siya ng kaonti, "Ang cool talaga ng sense of humor mo."
Iba 'tong si Mia a. Gusto niya sense of humor ko 'di gaya ni Valeng the dragon. Bahala siya makipag-date kay Shane basta ako may movie date ngayon.
Ibinaba ko si Pogi at dumiretso naman papunta sa bakuran ang aso ko. Dudumi yata.
"Tara nood na tayo," Pag-aya ko sa kanya.
Umupo kami sa sala at muling sinimulan ang movie. Tahimik kaming nanonood pero 'di ko maiwasang tumingin sa mukha niya. Kamukha talaga siya ni Jana.
"Amm... Mia? May mga kamag anak ka ba ba Alvarez ang last name or Harper?" Tanong ko.
"Wala naman. Bakit?"
"Wala lang may kamukha ka kasi na gano'n ang apelyido," sambit ko.
Kumuha siya ng Nachos at kumain, "May gano'n talaga si Kathryn Bernardo nga tsaka si Nadine Lustre, 'di mag kaano-ano pero mag kahawig e."
"Sabagay."
Natuon ang aming atensyon sa movie na kahit ilang beses ko ng napanood nadadala pa rin ako at mukhang gano'n din siya.
YOU ARE READING
Until I'm Over You (Published under LIB)
Teen Fiction(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly? How much are you willing to sacrifice for the one that you love the most? Pero ang sabi nila, kapag may umalis, lagi raw mayroong bagong dum...
CHAPTER 44: Drown from the Past
Start from the beginning