"Konsensiyahin daw ba ako...." sabi ko dito.

"Bro, sinasabi ko lang sa yo ang nakikita ko. Baka kasi hindi mo napapansin...."

"There's no way na hahawakan ko ang kumpanyang yun, bro. No way. Never." may pinalidad na sabi ko.

"If gusto ni Papa, ipagbili na lang niya, then sumama na sila sa akin sa Canada. Or, kung gusto nila dito mag-stay sa Pilipinas, ako nang bahala sa kanila. Kaya ko na silang buhayin with my work." pagmamalaki ko.

"Bro, family business yung pinag-uusapan. Sa tingin mo, papayag si Tito na ipabenta mo yun? Lalo na ngayon, napakalakas nung rival company ninyo. Kailangan ninyong maka-ungos." sagot ni Adam na sa daan nakatutok ang tingin.

"So, mas dapat pala ibenta."

AFTER three hours ng ma-traffic na byahe nakarating din kami sa bahay sa wakas. As expected, nabigla nga si Mama sa biglaang pag-uwi ko.

"Judd, iho....." nanlalaki ang mga matang salubong ni Mama sa akin.

"Ba't di ka man lang nagpasabi na uuwi ka?"

Niyakap ko ng mahigpit si Mama. Na- miss ko siya....sobra.

"Ang Papa?" tanong ko sa kanya.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo sa Canada, Judd? Kailangan ko na bang abisuhan ang family lawyer natin?"

Napalingon kami ni Mama at Adam sa gawi ni Papa. Nakarating na ito sa sala nang hindi namin namalayan. Lumapit ako dito at saka niyakap siya.

"Pa....

"I bet may tatawag na naman ditong umiiyak na babae....tama ba ako, Adam?" baling ni Papa kay Adam.

"Ano pa nga ba, Tito? Sigurado yun!" pag-sangayon ni Adam sa kanya.

"Papasok ka na ba sa office, Pa?" pag-iiba ko sa topic.

"Obvious naman siguro sa bihis ko. Maano ngang magtino ka na, Judd. Tigilan mo na yang kabi-kabilang pamba-babae mo." panenermon ni Papa.

Sa edad ni Papa na Fifty-Eight ay matikas pa din siya. Ganun naman siya eversince - mapustura. Pero super istrikto.

"Pa, wala sa bokabularyo ko ang mag-asawa...." sagot ko sa kanya.

"At anong balak mo sa lahi natin? Masama tayo sa mga extinct na?" seryosong sagot sa akin ni Papa.

"Hahanap na lang ako ng baby maker, Pa. Don't worry." birong sagot kosa kanya.

Kita ko si Adam na pasimpleng tumatawa sa likod ni Papa.

"Ewan ko ba sa yo Judd, dapat nga ikaw na ang namamahala sa negosyo natin. Hindi ka na ba naawa sa kin? Dapat e pa-travel-travel na lang kami ng Mama mo ngayon."

Eto na naman po kami....

"Kung ayaw mong namo-monitor namin ng Mama mo ang mga lakad mo, you can use one of our condos, you can stay there. Just stay here in the Philippines and manage our business." dagdag nito.

"Fidel, kadarating lang ng anak mo, sermon na agad ang salubong mo. Pagpahingahin mo muna si Judd." singit ni Mama.

My savior....

Humugot muna ng malalim na hinga si Papa bago binalingan si Mama.

"Kaya ganyan yang anak mo, lagi mong kinakampihan, Adelle," sabi niya kay Mama.

"I'll rest first, Pa. May jet lag pa ako. At ikaw, Adam...lumayas ka na. Salamat sa pagsundo. Matutulog muna ako. Mamaya na tayo magkita nila Chad at Klarence sa tambayan." sabi ko kay Papa at Adam.

MADRIGAL SERIES: In Love with a Witch MS#1 Book 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now