"Jude may assignment ka bang nagawa?"tsk.kahit kelan ka talaga Phoenix!. Buti Sana Kung may bayad yang pangongopya eh kaso Wala!
"Hanapin mo lang sa bag ko."
"Eh wala kong mahanap, dala mo ata buong bahay nyo kulang na lang padlock!"
"Mangongopya ka nalang ng libre magrereklamo ka pa! Buti sana kung ikaw nagdadala ng bag ko hindi naman ah!"naninira ka lang ng umaga ko eh.
Hindi na sya nagsalita after nun. Buti naman at tumigil na sya sa kakareklamo. huminto kami sa locker ko at doon ko itinambak ang ilan sa mga daladala ko. Mukha din namang nahanap na ng loko ang kanina pa niya nginangawa kaya hindi ko na rin siya kinausap.
"Jude"
"Bakit?"
"May bagong transferee sa school alam mo kung Sino?"
"Phoenix,maraming transferee kada taon sa school natin! Pano ko makikilala Yung sinasabi mo?tsk."
"Tungak! Alam kong maraming nagta-transfer sa school pero malay ko bang nakapasak pala sa tenga mo yang earphones mo nung ipinagyabang ni Gabby Yung tungkol sa childhood best friend nya!" Aba't Lokong 'to! Hays. Sino ba kasing tao Ang Hindi makikinig nalang ng music dahil sawang-sawa na sa kakakwento ng Gabby na yon? Nakakainis di mo malaman kung sirang plaka iisa lang Naman Ang bukambibig! Kesyo 'sikat Yung best friend ko' 'crush ng bayan' paulit ulit!.
"Ha! Ikaw ang nakikinig diba? Ba't di mo alam Ang pangalan at sa akin mo pa tinatanong?" Malay ko ba kung Hindi pala Yun katiwatiwalang tao! Lilipat ng school Kung kelan 2nd grading na? Baka mamaya na kick-out lang pala Yun dahil basabulero o kaya may krimeng ginawa. Tsk.tsk.tsk. bahala kayo dyan.
"Wala ka talagang kwenta!"pagkatapos nyang sabihin Yun Dali Dali syang tumakbo sa hagdanan.
"Loko ka!!!" Akmang hahabulin ko siya Kaya lalo syang nagmadali sa pag akyat.
Napangisi nalang ako.
Bahala Kang mapagod hanggang 4th floor pa Ang tatakbuhin mong hinayupak ka.
Kampante lang akong naglalakad dahil hindi pa naman nag b-bell. Marami pa ring naglalakad sa hallway na mga estudyante pati mga teacher kaya pwede pa kong magpa-chill-chill lang hehehe.
Habang naglalakad ay di ko maiwasang ipagkumpara Ang sarili sa mga dumadaang tao sa paligid.
Nakangiti sila na para bang walang problema. Parang wala silang pakialam kung bumagsak sila sa kahit anong subject. Ang Sabi sakin ni mama kahit may pera kami kailangan kong matutunan Kung paano paghirapan Ang mga bagay-bagay. Hindi makatarungan Kung isang pitik mo lang sa iyong mga daliri ay nasa harapan mo na ang bagay na gusto mo. Dahil sa sinabing iyon ni mama, naramdaman ko Kung gaano kasaya at kasarap sa pakiramdam ang ganoong klase ng paghihirap.
Kahit nag iisang anak lang ako na-appreciate ko ang paiyak ni mama sa unang sinabitan ako ng medalya. Sa papuri sakin ni Papa para sa napanalunan Kong basketball competition.
Pero siguro may mga tao lang talaga na Hindi na kailangang makaramdam ng ganoon dahil hindi naman na nila kailangan ang ganoong mga bagay.
Nakarating na ako sa 4th floor kahit pasimple lang Ang lakad ko ay napagod parin ako. Doon ko napansin si Phoenix na nakaupo sa tuktok ng hagdanan dinaig niya pa ang tumakbo ng 10 laps sa training namin.
Nang nakita niya akong nasa gilid niya na Wala pa man akong ginagawa ay umilag na sya. Sa tangang tulad mo kinakarma talaga.
"Tss." Nakangising usal ko.
"H-hoy! Sandali! P-pre naman.." humabol pa sya sa akin pero hinahabol pa rin Ang hininga.
