KABANATA 19

982 3 0
                                    

Sobrang malunkot si Donya Leonora sa Kaharian ng Berbanya. Inaasam niya na sana buhay pa si Don Juan sa lobong inutusan niyang magligtas kay Don Juan. Samantala pumunta ang lobo sa ilog Jordan. Kinuha ng lobo ang tubig at binuhusan niya si Don Juan. Agad nawala ang mga sugat niya. Lumabas siya sa balon pero hindi niya alam ang daan papuntang reyno de los cristales. Naglakbay siya ng tatlong taon, ngunit hindi niya nakita ang daan pagpuntang Reyno de los Cristales. Habang naglalakbay siya, hindi nawala ang kanyang pag-asa sa Diyos. Isang araw nakakita siya ng isang matandang ermitanyo. Binigyan ng Ermitanyo ng pagkain si Don Juan. Nagpasalamat si Don Juan at itinanong niya kung saan ang daan pagpunta sa Reyno de los Cristales. Pinagpunta ng matanda sa ikapitong bundok at makikita niya isang ermitanyo.

Ibong AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon